Chapter 78

18.3K 542 15
                                    

Aljana's POV

"May kailangan ka pa ba?" tanong sa akin ni White sa labas ng pintuan.

"W-wala na. Salamat ulit." sagot ko at narinig kong humakbang na siya palayo.

Napatingin ako sa cake na nasa lamesa. May kasama din itong apple juice. Napangiti ako ng makita ang apat na maliit na papel.

'Anak, lumabas ka na. I miss you always. I love you always. *heart* -Your magandang Inay.'

Napatawa ako ng mabasa ang sulat ni Inay. Kahit kailan talaga.

'Kain ka lang. Kapag may kailangan ka, sabihin mo lang sa amin. -White Dragon.'

'Gwapo parin ako, Jana. Kaya kapag namimiss mo na ako ay sabihin mo lang. Dadating ako. *smirk* - Gwapong Black'

'Hindi na ako hihingi ng tawad sayo. Basta lumabas ka lang..-Your shinning armour.'

Shinning armour?

Halatang si Ken ang nagsulat nito. Siya lang naman ang palaging humihingi ng tawad sa akin dahil sa sitwasyon ko ngayon.

Nagpakawala ako ng buntong hininga.

Ang tigas talaga ng ulo niya. Sabing hindi na niya kailangang humingi ng tawad. Walang may kasalanan sa nangyari. Ito ang kapalaran namin.

Tinikman ko ang cake na binigay nila sa akin. Nalasaan ko kaagad ang flavor nitong mansanas. Alam nilang mahilig ako sa mansanas kaya sinamahan din nila ito ng apple juice.

Pagkatapos kung kainin ito ay naligo na ako. Nasa kwarto ako ngayon sa palasyo kaya hindi ko na kailangang lumabas para maligo dahil may banyo na dito.

Hinubad ko ang suot kong jacket at bumungad sa akin ang ilang parte ng braso ko na may bakat na itim na marka. Pinunasan ko ang mga ito pero napatigil din ako dahil mas lalo lang itong lumalaki.

Naligo na ako at pagkatapos ko ay sinuot ko ang kinuha kong damit sa wardrobe. Buti nalang ay marami akong damit dito kaya hindi ko na kailangang humingi ng damit kina White.

Nagsuot parin ako ng jacket kahit mainit ang panahon. Hindi ko kayang tingnan ang mga markang nasa katawan ko kaya palagi na akong nakasuot ng damit na may mahabang manggas.

Lumabas na ako ng banyo habang pinupunasan ang buhok ko pero napatigil ako at agad na nanlaki ang mga mata ko nang makitang may ibang tao dito sa kwarto ko.

Nakaupo siya sa kama habang nakasandal sa headboard at nakapikit ng mga mata.

Anong ginagawa niya dito?

Babalik na sana ako sa banyo pero natigilan ako dahil nagsalita siya.

"Tapos ka na?" tanong niya.

Nakatalikod na ako sa kanya kaya hindi ko siya makita. Napalunok ako ng laway. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Gusto kong pumasok sa banyo pero hindi ko magawa. Para na akong nakadikit ngayon sa floor.

Muli akong napalunok ng laway at pinigilan ko ang paghinga ko nang maramdaman na lumapit siya sa akin.

"I miss you.."

Muli akong natigilan nang ipulupot niya sa akin ang dalawang braso niya mula sa likuran ko at sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

Nakaramdam agad ako ng kiliti nang maramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko.

"R-Russell.."

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Para na akong mauubusan ng hininga dahil sa bilis nito.

"I miss you.." sabi niya ulit.

I miss you too..

Hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin sa likuran at sinubsob niya ang ulo niya sa leeg ko kaya lalo akong nakiliti sa ginawa niya. Ramdam ko din ang ilang parte ng mukha niya na nadikit na sa balat ko.

Gumalaw ang ilong ko nang may maamoy akong alak.

"Nakainom ka ba?" gulat na tanong ko sa kanya at bago pa ako humiwalay sa kanya ay lalo niya akong niyakap ng mahigpit.

"Hmm.."

"Bitawan mo ako Russell.." seryosong utos ko sa kanya pero hindi siya nakinig. Mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin kaya hindi na ako makahinga ng maayos. Para siyang bata na takot mahiwalay sa ina niya.

Natigilan ako nang maramdaman kong dumikit ang labi niya sa leeg ko. "R-Russell.."

Napapikit ako ng mga mata nang halikan niya ng marahan ang gilid ng leeg ko hanggang sa umabot ito sa likuran ng tainga ko.

"S-stop.."

Mas lalo niyang diniinan ang paghalik sa akin kaya agad na nanghina ang mga tuhod ko.

"P-please stop.."

Nagpumiglas ako sa yakap niya at napahinga ako ng maluwag nang magtagumpay ako.

Napakagat ako sa ibabang labi nang makita ko ang mapupungay niyang mga mata.

"A-anong ginagawa mo dito?" pag-iiwas ko at lumayo sa kanya.

Pumunta ako sa bandang bintana at binuksan ang kurtina. Dahil sa ginawa ko ay nagkaroon ng liwanag sa loob. Binuksan ko din ang bintana na matagal ko ng hindi binubuksan. Pumasok kaagad sa loob ang malamig na hangin.

Napahinga ako ng maluwag nang maramdaman ang lamig nito.

Nilingon ko si Russell na hindi umalis sa pwesto niya kanina. Nakasunod lang ang tingin niya sa akin at napabuntong hininga ako nang makitang bumalik na sa normal ang mga mata niya.

Hindi ko alam kung saan aabot ang mga halik niya kung hindi ko siya napigilan. Halatang lasing siya.

"Halika ka dito. Magpahangin ka." yaya ko sa kanya at mukhang mali ang ginawa ko.

Mabilis siyang lumapit sa akin dahilan kung bakit ako napatili.

"R-Russell.." kabang tawag ko sa kanya at napapikit ako ng mga mata nang ilapit niya sa akin ang mukha niya.

"*chuckles*"

Agad din akong napamulat dahil bigla siyang tumawa.

"Silly.." nakangising sabi niya sabay ginulo ang buhok ko kaya natanggap siya ng malakas na palo galing sa akin.

"Nakakainis ka talaga!"

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon