Chapter 43

38.1K 1.2K 57
                                    

Hanggang sa magtapos ang klase nina Jana sa gabing ito ay hindi parin nawala sa isipan niya ang mga sinabi sa kanya ni Mae kanina sa library.

Hindi niya alam kung bakit may ganito siyang kapangyarihan. Kung anong klasing kapangyarihan ang meron siya kaya nakokontrol niya ang mga bantay. Tinanong din niya ang bagay na ito sa mga bantay ngunit wala din silang alam.

Mapati sila ay hindi nila maintindihan kung bakit nagagamit niya ang kapangyarihan nila samantalang wala pang tao ang nakagawa nito. Siya lamang.

"Posible kayang.."

Tumigil siya sa paglalakad nang maalala niya ang binasang libro tungkol sa legendary user.

"No, malabo.." naiiling na sabi niya.

"Anong malabo?"

Muntik na siyang mapatalon dahil sa boses na nanggaling sa kanyang likuran. "Drek!" malakas na tawag niya kay Drek nang makita siya.

"Haha. Ako nga" natatawang sabi ni Drek at sinabayan niya si Jana sa paglalakad.

"Hindi ka pa uuwi sa dorm niyo? Hatinggabi na ah?" tanong ni Drek.

Umiling si Jana sa kanya. Nilagay niya sa kanyang likuran ang mga kamay niya pagkatapos ay pinagmasdan niya ang kalangitan habang naglalakad sila.

"Hindi pa ako inaantok."

Marami ng mga bituin ang nasa kalangitan kaya hindi mapigilan ng ibang nga estudyante na pagmasdan ito.

"Gusto mo ba ang mga bituin?" mahinang tanong ni Drek habang nakatingin din sa kalangitan.

"Oo, halos lahat naman ng tao ay gusto ang mga bituin. Bakit? Ayaw mo ba sa kanila?" baling sa kanya ni Jana at sinubukan na basahin ang tumatakbo sa isipan ngayon ni Drek.

Tumigil sa paglalakad si Drek habang hindi inaalis ang tingin sa kalangitan. "Hindi. Masyado silang maganda para kaayawan." makahulugang sagot niya.

"Paano kung kumupas ang kagandahan nila? Magugustuhan mo parin ba sila?" seryosong tanong ni Jana.

Inalis ni Drek ang tingin niya sa kalangitan at binaling kay Jana. "Depende."

Napakunot ng noo si Jana at muli niyang hinulaan ang iniisip ni Drek. "Bakit depende?"

Bumuntong hininga muna si Drek bago siya sinagot. "Depende kung magbabago din ang paghangang naramdaman ko sa kanila noong hindi pa kumukupas ang ganda nila. Ang mahalaga ay ang epektong dala nila saatin."

Napatango naman si Jana sa sinabi niya. "So, parang sinasabi mo din na hindi ang kagandahan nila ang dahilan kung bakit gusto mo sila kundi ang epektong dala nila saatin. Nakakalito ka." natatawang sabi ni Jana na kinangiti ni Drek at napakamot siya sa ulo niya.

"'Wag mo na pansinin ang mga sinabi ko. Nalito din ako."

Sinabayan niya sa pagtawa si Jana. Nagpatuloy sila sa pag-uusap hanggang sa naisipan ni Drek na uuwi na siya sa kanyang dorm.

"Ingat ka. 'Wag kang masyadong maglibot."
Huling sabi niya na kinatango ni Jana at kumaway sa kanya.

Nang makalayo na si Drek ay nagpatuloy na sa paglalakad si Jana habang pinagmamasdan ang mga ilaw na nadadaanan niya.

Nakalutang ang mga ilaw sa ere na kasing taas ng mabababang puno kaya hindi niya kayang abutin ang mga ito.

Para na siyang bata na tumatalon habang pilit na inaabot ang mga ilaw kaya hindi niya mapigilan na tumawa sa ginagawa niya.

"M-miss.." napatigil siya sa pagtalon at tumingin sa lalaking estudyante na tumawag sa kanya. Pinagmasdan niya ang uniporme ng binata at napansin niya na junior pa siya dahil sa logo ng necktie niya.

Inayos ni Jana ang buhok niyang nililipad ng hangin at inipit niya ito sa gilid ng kanyang tainga.

"Ano yon?"

Nagtaka siya nang makitang hindi mapakali ang binata habang may kung ano siyang tinatago sa kanyang likuran.

Napansin din niya sa hindi kalayuan ang dalawang estudyante na nakatingin sa banda nila habang nagbubulungan. Na mukhang kasama ng binatang ito.

"May problema ba?" takang tanong niya at humakbang palapit sa estudyanteng nasa harapan niya ngunit tumigil siya nang umatras ito palayo sa kanya.

Yumuko ang estudyante at nilabas niya ang tinatago niya sa kanyang likuran pagkatapos ay inabot niya kay Jana ang isang rosas habang nanginginig ang kamay niya.

"Para saakin?" tanong ni Jana.

"Y-yeah.."

Napangiti naman si Jana at kinuha ang rosas. "Salamat."

Inangat ng binata ang tingin niya kay Jana at namula ang magkabilang tainga niya nang makita ang ngiti ni Jana.

"S-sige po." sabi niya at mabilis na naglakad palapit sa mga kasama niya na naghihintay sa kanya.

"Oss. Pulang pula ka na."

"Ang galing mo pre! Binata kana haha"

Lalong ngumiti si Jana nang marinig ang sinabi ng mga kasama niya sa estudyanteng nag-bigay sa kanya ng rosas.

Bago sila tuluyang umalis palayo ay nilingon ng binata si Jana habang namumula parin siya.

Napatingin naman si Jana sa rosas na binigay niya at muli siyang napangiti nang maamoy niya bango nito.

"Kanina si Drek, ngayon naman ay ang batang yon."

Natigilan si Jana nang marinig ang pamilyar na boses sa kanyang gilid.  "R-Russell.."

Napatingin si Russell sa hawak niyang rosas at wala pa sa isang segundo ay naagaw na niya ito pagkatapos ay tinapon niya.

Nanlaki naman ang mga mata ni Jana sa ginawa niya at sinundan ng tingin ang rosas na tinapon niya. "A-anong ginawa mo?"

"Tinapon." seryosong sagot ni Russell at lumapit lalo kay Jana.

Akmang aatras palayo sa kanya si Jana nang mabilis niyang hinuli ang mga kamay niya. "B-bakit mo tinapon? Binigay lang saakin yon." nakayukong tanong ni Jana.

Sumimangot si Russell at ginulo ang buhok ni Jana kaya nagtatakang tiningnan siya ng dalaga.

"W-what are you doing?"

"Uuwi ka sa dorm niyo o dadalhin kita papunta doon?" seryosong tanong niya at tiningnan ng masama si Jana na parang binabalaan siya na pumili agad sa tanong niya.

Nakaramdam naman ng takot si Jana at umatras ang dila niya kaya hindi siya nakasagot.

Nang makita ni Russell ang ekspresyon ni Jana na natakot sa kanya ay agad na lumambot ang mga mata niya at nagpakawala siya ng malalim na hininga pagkatapos ay inayos niya ang ginulo niyang buhok ni Jana.

"Umuwi ka ng maaga sa susunod.."

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon