Chapter 59

25K 760 27
                                    

Tahimik na nakaupo si Jana sa malaking bato habang may iniisip siyang malalim.

'Bakit hindi ko siya marinig?'

Niyakap niya ang kanyang mga tuhod pagkatapos ay pinatong niya ang kanyang ulo sa kanyang mga kamay.

"Dyosa.."

Nabaling ang tingin niya sa leon na nasa harapan niya. "Hmm?"

Nag-anyong tao ang leon kaya napaangat ng ulo si Jana sa kanya. Umupo ang leon sa kanyang tabi pagkatapos ay sinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ni Jana.

"May nangyari ba?" alalang tanong ni Jana at hinaplos niya ang buhok ng leon.

Umiling sa kanya ang leon habang nakatingin sa harapan. "Sayo ko dapat itanong yan."

Napatigil si Jana sa paghaplos ng buhok nito dahil sa sinabi niya.

"Ayos ka lang ba?" tanong ng leon at umalis sa pagkakasandal kay Jana.

Umupo naman ng maayos si Jana pagkatapos ay binaling niya ang tingin niya sa kalawakan. "Hindi ko siya marinig." simula niya.

"Sino?"

"Ang puting dragon."

"Anong ibig mong sabihin na hindi mo siya marinig? Hindi mo siya maintindihan?" gulat na tanong ng leon.

Nanlaki ang mga mata niya nang marahan na tumango si Jana sa kanya. "Hindi ko marinig ang boses niya."

"Paanong nangyari 'yon? Naiintindihan mo ang lenggwahe ng ibang mga dragon kaya paanong hindi mo siya maintindihan?"

"Siguro ay hindi kaya ng kapangyarihan ko. Alam mo naman kung gaano kalakas ang puting dragon." mahinang sagot ni Jana at binaling ang tingin niya kay Leon na nakatingin sa kanya.

Napangiti si Jana nang makita niya ang nag-aalalang mukha ni Leon. "Don't worry, I'm okay."

"Hindi ko din alam kung bakit gusto ko siyang makausap. Pero hindi lang yon ang dahilan kung bakit naguguluhan ako ngayon.."

Iniwas niya ang tingin kay Leon at binalik niya sa kalawakan. "Nung makita ko siya, may kung ano akong naramdaman sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit pamilyar siya saakin, Leon. Lalo na ang mga mata niya. Parang nakita ko na siya dati pero hindi ko matandaan kung saan." naguguluhang sabi niya.

"No. Hindi lang ang puting dragon kundi pati ang puting prinsesa."

[ F L A S H B A C K  ]

"T-tara na.." mahinang sabi ng puting prinsesa kay Jana.

Tumango si Jana at sumunod sa kanya.

"W-wag kang l-lalapit saakin. S-sumunod ka lang saakin s-sa likuran. Y-yung malayo. " kabang utos ng puting prinsesa.

Kahit na nagtataka si Jana ay sinunod niya ang puting prinsesa. Pinauna niya ng ilang hakbang ang prinsesa bago siya sumunod.

Pagdating nila sa Dragon Palace ay nakita niya ang mga nagraramihang mga dragon.

"Dyosa!"

Nabaling ang tingin niya sa dragon na tumawag sa kanya. Napangiti siya nang makita niya itong lumipad palapit sa kanya.

"Ayos ka na Reid?" tanong niya sa dragon at hinimas niya ang malaking pakpak nito.

"Oo. Salamat ulit."

"Walang anuman."

"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ni Reid at binaling niya ang tingin niya sa puting prinsesa na nasa malayo. "Kasama mo pala siya."

Binaling din ni Jana ang tingin niya sa puting prinsesa. "Titingnan ko lang ang puting dragon." sagot niya.

"Sige. Kailangan ko ng umalis. Naghihintay saakin ang puting prinsesa." paalam niya.

"Sige, Dyosa. Mag-iingat ka lagi."

Tumango si Jana sa kanya bago naglakad palapit sa puting prinsesa pero agad din siyang napaatras nang manlaki ang mga mata ng puting prinsesa at naglakad palayo sa kanya.

"T-tara na."

Pagdating nila sa kinaroroonan ng puting dragon ay naramdaman agad ni Jana ang malakas nitong presensya.

"N-nandito siya."

Pumasok sa malaking gusali si Jana at hindi niya maintindihan kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya.

Napatakip siya sa kanyang bibig nang makita ang nakahigang malaking dragon.
Lalong bumilis ang tibok ng puso niya nang magmulat ito ng mga mata at tinitigan siya nito.

Napalunok siya ng laway at humakbang palapit sa dragon habang pareho nilang hindi iniiwas ang tingin nila.

Lalong nagwala ang nararamdaman niya nang mapagmasdan niya ang mga mata ng dragon. Malinaw na abo ang kulay ng mga mata niya habang may nakaukit na kung ano sa gilid nito. Napapikit siya ng mga mata nang biglang may pumasok sa kanyang imahe na tulad ng mga mata ng dragon na ito.

"B-bakit parang kilala kita?" nagtatakang tanong niya at lumapit pa lalo sa dragon.

Hindi sumagot ang dragon at nanatiling nakatingin sa kanya.

"M-magsalita k-ka.."

"H-Hindi ka niya kilala." nabaling ang tingin niya sa puting prinsesa nang magsalita siya.

"A-anong ibig mong sabihin?" gulat na tanong ni Jana.

"S-sabi niya, ngayon ka lamang niya n-nakita."

Napakunot ng noo si Jana at binalik ang tingin sa dragon. "Bakit hindi ko siya narinig?"

"H-hindi ko alam. Basta sumagot siya."

Lalong nagtaka si Jana at sinubukan niyang kausapin ang dragon pero wala siyang naririnig na boses galing sa kanya.

"Nagsasalita ba talaga siya?" takang tanong niya sa puting prinsesa.

"O-Oo naman. Hindi mo siya m-maintindihan dahil h-hindi ka misliepet. Sabi niya." nakayukong sabi ng puting prinsesa.

"N-ngunit..paanong—"

"H-hindi ka pa ba babalik? Kailangan ko ng kasing bumalik." putol sa kanya ng puting prinsesa.

Napayuko si Jana at ngumiti ng tipid. "Bumalik na tayo. Pasensya na sa abala."

"A-ayos lang."

Nagpaalam muna ang puting prinsesa sa puting dragon bago siya naglakad palabas ng gusali.

Dahil sa hindi siya nakatingin sa dinadaanan niya ay hindi niya napansin ang malaking bato na mababangga njya.

Agad siyang hinila ni Jana palayo sa bato at sabay silang nabigla dahil sa kuryenteng naramdaman nila nang magdikit ang kanilang mga balat.

"W-who are you?"

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon