Chapter 37

40K 1.2K 119
                                    

Kinabukasan ay nagising akong mag-isa sa loob ng silid. Lumabas ako para hanapin si Russell at nakita ko siyang kausap niya si Manong. Ang may-ari ng bahay-panulayan.

Kunot-noong akong lumapit sa kanila nang mapansin na namumutla si Manong habang paulit-ulit na yumuyuko kay Russell.

"Anong nangyari?" mahinang tanong ko kay Russell nang makalapit ako sa kanila.

"Nothing. Maligo kana. Kakain tayo sa labas." sagot niya at tinalikuran niya kami.

"Ayos ka lang Manong? Bakit namumutla ka?" baling ko kay Manong at nagtaka ako nang bigla siyang tumalikod saakin.

"A-ayos lang ako binibini." sagot niya habang nakatalikod parin saakin. Binibini?

Hindi naman niya ako tinawag na binibini kagabi ah?

Mabilis kong sinalo ang hawak niyang baso nang madulas ito sa kanyang kamay.

"P-patawad!" malakas na sabi niya at kinuha agad ang baso saakin pagkatapos ay pumasok siya sa isang silid.

Sinundan ko lang siya ng tingin habang nagtataka parin.

Halatang may sinabi sa kanya si Russell kaya kakaiba ang kinilos niya. Para siyang kinakabahan na natatakot.

PAGDATING namin sa kainan ay halos puno na ito ng mga tao.

Bakit parang ang dami namang manlalakbay ang dumating dito? Ganito ba talaga sa Bordeous?

"Sir, wala na pong bakante." sabi saamin ng isa sa mga nag-aasikaso ng mga taong kumakain dito.

Napatingin naman ako kay Russell na tahimik na pinagmamasdan ang paligid.

"May iba pa bang kainan dito?" tanong ko sa lumapit saamin.

"Meron po pero hindi ako sigurado kung may bakante din sila." magalang na sagot niya saakin na kinatango ko.

"Bumili nalang tayo ng makakain sa labas--" napatigil ako sa pagsasalita nang may kung anong nilabas si Russell sa loob ng damit niya pagkatapos ay pinakita niya ito sa babaeng kausap ko kanina.

"Wala parin bang bakante?" seryosong tanong niya at sabay kaming nabigla ng babae nang makita ang hawak niya.

A Royal Seal!

"Your highness!"

Tumahimik ang paligid namin dahil sa lakas ng boses ng babae pagkatapos ay nabaling na lahat ang tingin saamin ng mga taong nandito sa loob.

Agad kong tinakpan ang mukha ko gamit ang mga kamay ko at nagtago sa likuran ni Russell.

"Prince Bordeous?!" sinilip ko ang taong tumawag kay Russell at natigilan ako nang makita ang suot niyang uniporme.

A Royal knight!

Mas lalo akong nagtago sa likuran ni Russell nang lumapit siya saamin.

"Maharlika?"

"Bordeous?"

"Siya ang prinsipe ng Bordeous!"

"Magbigay galang kayo!" malakas na sabi ng royal knight sa mga tao.

Napayukod naman silang lahat at sabay-sabay nilang binati si Russell.

Oh shit!

Bakit ko nakalimutan na isang Prinsipe ang kasama ko?

Prinsipe ng kahariang ito!

"Anong ginagawa niyo dito Prinsipe Russell?" tanong sa kanya ng royal knight na nakatayo na ng matuwid.

"Kakain kami ng kasama ko ngunit walang bakante dito." walang ganang sagot ni Russell at inikot niya ang tingin niya sa paligid.

Nanatili lang tahimik ang mga tao habang nakayukod parin sila. Hindi ba sila nahihirapan sa posisyon nila?

"Sinong may sabing walang bakante? Wala bang bakante dito?!" malakas na tanong ng royal knight dahilan kung bakit nagsi-atrasan ang mga tao at akmang lalabas sila nang mabilis silang pinigilan ni Russell.

"Ipagpatuloy niyo ang ginagawa niyo. Hindi ko inutos na umalis kayo." seryosong sabi niya kaya bumalik naman sila sa kanilang mga lamesa.

"K-kung hindi niyo mamasamain ay m-may bakante po kami dito para sa katulad niyong maharlika." nakayukong sabi saamin ng babaeng kausap namin kanina.

Binaling saakin ni Russell ang tingin niya dahilan kung bakit saakin naman natuon ang tingin nila.

"K-kukunin namin!" sabi ko kaagad at muling nagtago sa likuran ni Russell.

Hinatid kami ng royal knight at ng babae papunta sa tinutukoy niyang bakanteng lamesa.

Pumasok kami sa isang silid at bumungad saamin ang bakanteng lamesa at mga upuan na maayos ang pagkakaayos ng mga ito. Halatang naka reserve ito sa mga maharlikang katulad ni Russell.

Ayos lang ba na nandito ako?

"Maaari na kayong lumabas." sabi ni Russell nang matapos ilapag (ng mga nag-aasikaso dito sa kainan) ang mga pagkain sa lamesa.

Agad naman silang lumabas at nakita ko ang kasama naming royal knight kanina na nakatayo na sa labas ng pintuan.

"Iba talaga kapag maharlika.." nanlaki ang mga mata ko nang lumabas sa boses ko ang nasa isipan ko.

Napatingin ako kay Russell na maayos ng nakaupo habang nakapatong ang mga kamay niya sa gilid ng upuan.

"Kumain kana." sabi niya.

Napatingin naman ako sa mga pagkain at kung kumakain lang ako ng mga karne at isda ay kanina pa tumulo ang laway ko dahil sa dami ng mga pagkain. Halatang pinaghandaan nila ito ng maayos. Mukhang gumamit sila ng mahika para mapadali ang pagluto sa mga pagkain.

"Siya nga pala. Bakit hindi mo ginamit ang seal mo kagabi sa bahay-panuluyan? Panigurado ay may nakahanda din silang silid para sa katulad mong maharlika." kausap ko kay Russell nang maalala ang tungkol sa royal seal na pinakita niya kanina.

Mabilis kong nilagyan ng tubig ang baso nang sunod-sunod siyang umubo. Ininom niya kaagad ang inabot kong tubig pagkatapos ay pinunasan niya ang labi niya.

"N-nakalimutan ko.." sagot niya sabay iwas ng tingin na kinakunot ko ng noo.

Nakalimutan niya?

Halatang hindi naman talaga yon ang dahilan. Malabo naman kasing makalimutan niyang isa siyang maharlika.

Kahit na wala siyang royal seal ay may kapangyarihan parin siyang patunayan na isa siyang mahalagang tao sa bayang ito sa maraming paraan. May tinatago ba siya kaya hindi niya ito ginamit kagabi sa bahay-panuluyan?

"Hindi ako naniniwala." sabi ko sa kanya pagkatapos ay binaling ang tingin ko sa kinakain kong tinapay.

"Pfft.."

Nabitawan ko ang hawak kong tinapay nang marinig siyang tumawa.

Dug-dug.. Dug-dug..

"Bumalik ka na din sa normal."

Napaangat ako ng tingin sa kanya nang marinig ang sinabi niya at lalong nagwala ang puso ko nang makita ang malawak niyang ngiti.

"Kalimutan mo na ang bumagabag sayo. Pinahihirapan mo lang ang sarili mo.." sabi pa niya at tuluyan na akong natigilan.

"Tigilan mo na ang pag-iwas saakin."

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon