Chapter 62

25.7K 742 33
                                    

Nabigla ako dahil sa pagdating ni Reid at pinatamaan niya ng kanyang kapangyarihan ang isang Slim na kaninang naramdaman kong presensya sa likuran ko.

Nilibot ko ang tingin ko nang makita ang mga dragon na naglalaban sa ere at ang nagraramihang mga kapangyarihan na nagpapalitan.

"Jana.."

Natigilan ako nang maramdaman ang dalawang kamay na pumulupot sa akin.

"Russell." tawag ko sa kanya at hinarap siya.

Nakita ko ang pag-alala sa kanyang mga mata kaya ngumiti ako at hinawakan siya sa kamay.

"Thank you." mahinang sabi ko.

Magsasalita na sana siya pero hindi niya natuloy dahil sa malakas na kapangyarihan na tumama sa banda namin.

Kundi lang agad naharangan ni Reid ay baka tumalipon na kaming dalawa.

Napatingin kami sa Slim na gumawa nito at nakita ang kalaban ni Reid kanina. Nakangisi siya saamin habang may mahikang nakalabas sa kanyang palad.

"Dito ka lang." mahinang sabi sa akin ni Russell at lumapit kay Reid pagkatapos ay sabay nilang nilabanan ang Slim.

Tinuloy ko na din ang pagtawag kina Leon at Wofy para tumulong sa kanila.

Habang hinihintay ko sila ay lumapit ako sa iba na abalang hinaharangan ang mga pinapatama sa kanila ng mga kalaban.

"Anong ginagawa mo dito Jana? Hindi pa dumadating ang mga bantay. Bakit ka umalis sa tabi ni Russell?!" gulat na mga tanong sa akin ni Angie.

Napatingin ako sa kanang braso niya na hawak niya. Ginamit ko kaagad ang kapangyarihan ko para gamutin ang sugat na natamo niya.

"A-anong ginagawa mo?" tanong niya na hindi ko pinansin.

Napahinga ako ng maluwag nang makitang nawala na ang sugat niya. Hindi masyadong malalim ang natamo niyang sugat kaya madali ko lang itong nagamot.

"Healer ka Jana?" nanlalaking mga matang tanong niya.

Hindi ko pa pala nabanggit sa kanila ang tungkol sa kapangyarihan kong ito kaya normal lang na magulat siya.

Hindi ko siya sinagot at binaling ang tingin ko sa mga Slim na patuloy na nagpapatama ng kanilang mga kapangyarihan.

"Umalis ka muna dito Jana. Masyadong mapanganib—" sabay kaming tumalon ni Angie palayo sa dragon na bumagsak sa pwesto namin kanina.

"Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya sa akin. "Ayos lang ako. Pero Jana, mas mabuting lumayo ka muna. Wala pa ang mga bantay. Hintayin mo sila." diretsong sabi niya.

Hindi na ako umangal sa kanya at tumakbo sa likuran ng gusali. Mas mabuti ngang lumayo muna ako sa kanila dahil magiging pabigat lang ako ngayong hindi pa dumadating sina Leon at Wofy.

"Bakit ang tagal nila?"

Nagsimula na akong kabahan nang lumipas na ang limang minuto pero wala parin sila. Ngayon lamang sila natagalan. Dati naman ay agad silang dumadating sa tuwing tinatawag ko sila.

Nakakapagtaka.

Kagat ko ang kuko ko habang pinapanood ang mga knight, guro at ibang mga estudyante na nilalabanan ang mga Slim. Masyado silang marami at halata sa kanilang mga kapangyarihan na malalakas sila kaya kahit magsama pa ang mga knight at guro namin ay hindi nila agad matatalo ang mga taong ito.

Kahit hindi ko narinig ang usapan nila kanina ay may ideya na ako kung bakit nandito sila.

Halatang ang puting prinsesa ang pinunta nila dito.

Napapikit ako ng mga mata nang makitang tumalipon si Eross sa malaking bato dahil hindi niya naiwasan ang kapangyarihan na pinatama sa kanya ng kalaban niyang Slim.

Gustuhin ko mang lapitan siya para tulungan siya ay hindi ko ginawa dahil magiging pabigat lang ako ngayong wala pa sina Leon.

'Leon? Wofy? Nasaan na kayo? Bakit ang tagal niyo? Bakit ayaw niyong sumagot—'

Napatigil ako sa pagtawag sa kanila.

Hindi kaya..

May nangyaring masama sa kanila?!

No.

Mali 'tong iniisip ko.

'Leon, Wofy. Sumagot kayo! Ayos lang ba kayo? May nangyari bang masama?'  tinawag ko muli sila habang hindi na ako mapakali.

Sana mali 'tong iniisip ko. Hindi pwedeng may mangyaring masama sa kanila. Hindi ko sila mapupuntahan dahil sa nangyayaring laban ngayon.

"Jana!"

Napalingon ako sa likuran ko nang marinig ang tumawag sa akin at nakitang si White ito.

Napunit ang suot niyang damit at ang gulo ng buhok niya. Lumapit ako sa kanya at tinulungan siyang umupo.

"Anong nangyari sayo?" alalang tanong ko at tinulungan siyang gamutin ang mga sugat niya.

"Sumali ka ba sa laban?" gulat na tanong ko nang mapansin na sobrang lalim ng kanyang mga sugat.

Kanina naman ay maayos pa siya kaya halatang sumali nga siya sa laban.

"Ang tigas talaga ng ulo mo. Alam mo na ngang mahina ang katawan mo pero nakipaglaban ka parin."

"Mas matigas ang ulo mo. Sabing 'wag kang lumapit sa kanila. Wala kang magagawa ngayon, Jana. Hindi sila magpapakita." seryosong sabi niya na kinaangat ko ng tingin sa kanya.

Bumilis ang tibok ng puso ko. "Anong ibig mong sabihin na hindi sila magpapakita?"

"Ang mga bantay.."

Natigilan ako sa sinagot niya.

Tama nga akong may nangyaring masama.

"May kinalaman ba ang pagdating ng mga Slim kaya hindi si—"

"Nasaan ang puting prinsesa?!"

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon