Chapter 24

41.7K 1.3K 83
                                    

Battle (4 of 4)

"L-Lobo!"

"Anong ginagawa ng lobo dito?"

Lahat ng mga estudyante ay napatigil sa pagrereklamo nang biglang lumabas ang isang lobo sa gitna nina Jana at Smith.

Napatigil din sa paglabas ng kapangyarihan si Smith dahil sa pagdating ng lobong ito.

Nagkagulo naman ang mga guro. Hindi nila alam kung ihihinto ba nila ang laban at kunin muna ang lobo na nasa gitna nila o hayaan sila.

Akmang uutusan ng isang knight ang mga tauhan na lumapit sa lobo nang patigilin siya ng isa sa mga punong guro at nabigla silang lahat sa binitawan niya.

"Isang bantay ang lobong yan."

"W-what?"

"Anong ibig mong sabihin na bantay ang lobong yan? Anong ginagawa ng isang bantay dito?" gulat na mga tanong ng mga guro.

"Aljana ang pangalan ng batang 'yan, hindi ba?" balik na tanong niya sa kanila habang nakatingin kay Jana na seryosong nakatingin kay Smith.

"Oo. Bakit niyo natanong? May kinalaman ba siya sa biglang pagsulpot ng bantay na yan dito?" tanong ng guro at binaling nilang lahat ang tingin nila sa punong guro na pumigil sa knight.

Nanatiling nakapokus ang tingin niya kay Jana habang may iniisip.

"Guro?" tawag ng isa sa mga kasama niyang punong guro.

Nabaling ang tingin niya dito pagkatapos ay nagpakawala siya ng buntong hininga. "Nakokontrol niya ang bantay na yan. 'Wag kayong makialam." seryosong sabi niya at dahil dito ay nabigla silang lahat.

"I-tuloy ang laban!" malakas na sabi ng knight na inulit ng emcee para marinig ng lahat.

"What? Seryoso ba sila?"

Muling nagbulungan ang mga estudyante habang nagtataka ang mga ito dahil sa lobong nasa gitna parin nina Smith at Jana.

Binaling ni Jana ang tingin niya kay Russell na huminto din sa pakikipagpalitan ng kapangyarihan kay Marlo.

"Left Dyosa!"

Mabilis na lumipat sa kaliwa si Jana nang patamaan siya ng kapangyarihan ni Smith.

"Seryoso ba talaga sila? Paano kung may gawin ang lobong yan sa kanila?"

"Oo nga! Halatang hindi ordinaryo ang kapangyarihang meron sa lobo!"

Nagpatuloy sa pagsasalita ang mga estudyante na hindi pinansin nina Jana at tinuloy nila ang laban.

"Anong balak mo, Dyosa?" dinig niyang tanong sa kanya ni Wofy.

"Dyan ka lang hanggang hindi pa nauubos ang limang minuto ni Tiara." sagot agad sa kanya ni Jana na abalang umiiwas sa mga yelong pinapatama sa kanya ni Smith.

"Yes, Dyosa!"

"Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng lobong ito sa gitna natin pero nakakasiguro akong may kinalaman ka dito." seryosong sabi sa kanya ni Smith na hindi niya pinansin.

"Done na Dyosa!"

Agad na umalis sa kanya si Tiara pagkatapos ay pumalibot siya sa leeg ni Jana at pumwesto sa taas ng ulo niya. "Dito lang ako Dyosa sssshhh.."

"Namamalikmata ba ako na may lumabas  na ahas sa newbie na yan?!"

"Snake! May ahas!"

"Anong nangyayari?"

Naghiyawan ang mga estudyante nang mapansin nila si Tiara. Lalong lumakas ang sigawan nila nang lumapit ang lobo kay Jana pagkatapos ay bigla itong naglaho nang hawakan siya ni Jana.

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon