Nakatingin parin ng masama si Russell sa estudyanteng nasa harapan nila na nakayuko parin.
"Let's go." seryosong sabi ni Russell at hinawakan niya sa kamay si Jana.
Tahimik namang sumunod sa kanya si Jana habang nakatingin sa likod nito. Kahit na nakatalikod siya ay alam niyang hindi parin nawawala ang masamang tingin niya.
Napalunok siya ng laway at sinubukan niyang kausapin siya. "N-nakita mo ba sina Ate Lexie at Angie?" kabang tanong niya at pinunasan niya ang tumulong pawis sa kanyang noo.
"Wala." tipid na sagot ni Russell kahit ang totoo ay nakita niya kanina kung paano siya iniwan ng dalawa.
"G-galit ka ba saakin?" mahinang tanong ni Jana. Dahil dito ay tumigil siya sa paglalakad at hinarap si Jana.
"No." sagot niya.
Inangat ni Jana ang tingin niya at napasimangot siya nang makita ang nanlilinsik na mga mata ni Russell habang nandidilim parin ang paligid niya.
'Hindi daw galit..'
"Ilang beses ka ng nilapitan ng batang 'yon?" seryosong tanong ni Russell at sinubukan niyang pakalmahin ang nararamdaman niya nang makita ang maamong mukha ni Jana.
Napakunot naman ng noo si Jana dahil hindi niya alam kung sino ang tinutukoy ni Russell na bata. "Who?"
Tiningnan siya ng masama ni Russell pagkatapos ay pinitik nito ng mahina ang noo niya. Agad naman siyang napahawak sa kanyang noo at binigyan din ng masamang tingin si Russell.
"Bakit mo pinitik ang noo ko?" tanong niya habang nakatingin parin ng masama kay Russell.
"Nothing." mahinang sagot ni Russell at tinaas niya muli ang kamay niya papalapit sa mukha ni Jana.
Napapikit naman ng mga mata si Jana at hindi inalis ang kamay niya sa noo.
Hinintay niya ang pitik ni Russell ngunit makalipas ang ilang segundo ay wala siyang naramdaman kaya nagmulat siya ng mga mata.
Nanlaki ang mga mata niya nang makitang pinipigilan ni Russell ang tawa niya habang nakatakip ang kaliwanag kamay niya sa kanyang bibig. "B-bakit ka tumatawa?"
Dahil sa tanong niya ay tumayo ng maayos si Russell at binalik ang kaseryosohan niya.
"Sa susunod, 'wag mo ng hayaang may lumapit sayong ibang lalaki." seryosong sabi niya at binigyan niya ng tingin si Jana na para bang ano mang oras ay may aagaw sa kanya.
"Why? Pati ang mga kaibigan natin?"
"Yeah. Maliban sakin."
Lumukot ang mukha ni Jana sa sinagot niya. "Bakit nga? Bakit mo ko inuutusan na iwasan sila? Kaibigan ko sila kaya normal lang na lumapit sila saakin. Wait, ayos lang ba na ako ang lumapit sa kanila? Teka—hindi ko kailangan ang permiso mo kung pwede nila akong lapitan o hindi." nalilitong mga tanong at sabi niya habang magkasalubong ang magkabilang kilay niya.
Hindi na napigilan ni Russell na mapangiti dahil sa ekspresyon niya. Natutuwa siya kapag nakikita niya ang iba't ibang reaksyon at emosyon na pinapakita niya sa tuwing magkasama sila. Hindi niya mapigilan na pagmasdan siya at hangaan siya lalo.
"Fine. Ayos lang saakin na lapitan ka ng mga kaibigan natin basta 'wag lang iba."
"Bakit nga? Anong meron sa kanila? Paano kung may iaabot silang mensahe saakin? Teka nga—sabing hindi ko kailangan ang permiso mo. Kaya 'wag mo akong utusan na—" napatigil siya sa pagsasalita nang putulin siya ni Russell.
"Nagseselos ako."
Napanganga siya nang marinig ang sinabi ni Russell. Tinaas niya ang kamay niya at tinuro si Russell habang hindi siya makapaniwala sa sinabi niya.
"W-what..n-nagbibiro ka ba?" tanong niya at pinagmasdan ang mukha nito.
"Mukha ba akong nagbibiro?" balik na tanong sa kanya ni Russell.
Napalunok ng laway si Jana at sinubukan niyang magsalita ngunit walang lumabas na salita sa kanya.
"Nagseselos ako sa tuwing may lumalapit sayo na ibang lalaki kasama ang mga kaibigan natin, lalo na si Drek." nakasimangot na amin niya kaya lalong nabigla si Jana.
Muling napalunok ng laway si Jana. "W-why?"
Bumuntong hininga si Russell at humakbang siya palapit kay Jana. "Do you like me?" seryosong tanong niya.
Napakurap ng mga mata si Jana at lalong bumilis ang pintig ng puso niya.
"Do you hate me?" tanong pa ni Russell nang hindi siya sinagot ni Jana sa tanong niya.
"Answer me." seryosong sabi niya kaya sunod-sunod na umiling si Jana.
Nalito naman si Russell sa sagot niya. Hindi niya alam kung saan sa dalawang tanong niya ang inilingan niya. "You don't like me?"
"N-no.." sagot ni Jana at iniwas ang tingin niya ngunit mabilis na hinuli ni Russell ang magkabilang pisngi niya at hinarap niya sa kanya.
"Then.. Do you love me?"
Hindi sumagot si Jana sa tanong niya at binaba ang tingin niya.
"Silence means yes." mahinang sabi ni Russell pagkatapos ay hinaplos niya ang pisngi ni Jana.
"I love you too.."
Lalong namula si Jana sa sunod na binitawan ni Russell at natigilan siya nang halikan siya nito sa kanyang noo.
"Your mine now, sweetheart.." bulong ni Russell sa kanya at hinalikan niya ang kanang pisngi nito.
Napangiti siya nang manlaki ang mga mata ni Jana at hindi na gumalaw. "Let's go."
Tulalang sumunod sa kanya si Jana habang pilit na pinapasok sa kanyang isipan ang mga binitawang salita ni Russell sa kanya.
"Here wear this. Nakalimutan mo kanina sa tindahan."
Natauhan si Jana nang isuot sa kanya ni Russell ang binigay sa kanyang sombrero ni Angie.
"P-paano mo nakuha 'to?" tanong niya.
Binigyan siya ng ngiti ni Russell at inayos ang sombrero niya.
"Pretty.." mahinang sabi niya at binigyan ng nakakatunaw na tingin si Jana.
"Hinihintay na tayo ng iba." tuloy niya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Jana.

BINABASA MO ANG
Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)
FantasíaBook 1 of Dragon's World. [I do not own the photos I used in the cover. Credits to the rightful owner.] © All Rights Reserved 2016