Chapter 60

27.9K 785 35
                                    

"Bakit mo ako tinawag?" tanong ng babae sa lalaki.

Tumayo ang lalaki at nilibot niya ang tingin niya sa paligid.

"Wala bang nakakita sayo?" tanong niya.

Tumango sa kanya ang babae at siya naman umupo sa malaking kahoy. "Wala. May nangyari ba?"

Nagpakawala ng malalim na hininga ang lalaki at binaling ang tingin sa malaking puno.

"Mag-ingat ka. Naghihinala na siya sayo. 'Wag mo ng hayaan na mahawakan ka pa niya ulit dahil tuluyan ng masisira ang spell na nilagay ko sayo." seryosong sabi ng lalaki.

Napayuko ang babae sa sinabi niya at pinaglaruan niya ang mga daliri niya. "Pasensya na. Hindi ko sinasadyang mahawakan niya ako. 'Wag kang mag-alala, hindi ko na hahayaang mahawakan pa niya ako."

"Pero kailan mo ba balak sabihin ang totoo sa kanila? Patuloy parin ba natin sila lolokohin? Mapo-protektahan naman nila siya at kaya na din niya ang sarili niya." tuloy ng babae habang nakatingin ng diretso sa lalaki.

Napabuntong hininga ang lalaki habang hindi iniwas ang tingin niya sa malaking puno. "Alam ko. Alam kong kaya na niya ang sarili niya. Ngunit, hindi ko parin siya kayang bitawan. Sa oras na ipakilala ko siya sa mundong ito ay magbabago na ang lahat. Magkakaroon na naman ng malaking gyera na ayaw kong masilayan ng kanyang mga mata."

"Naiintindihan kita pero baka nakakalimutan mo na ito ang kapalaran niya. Hindi niya ito matatakasan. Nasa kanya ang malakas na kapangyarihan. Siya lamang ang nakakakontrol sayo."

Natahimik naman ang lalaki sa sinabi ng babae. Hindi siya nagsalita at binaling ang tingin niya sa malayo.

"Kailangan ko na ba talaga siyang bitawan?" maya-maya ay tanong niya.

"Hindi mo siya kailangang bitawan dahil makakasama mo parin siya. Ang gawin mo lang ay ang sabihin ang totoo. Ipakilala mo siya sa mundong ito at samahan mo siya sa kanyang laban. Ito na din ang pagkakataon niyo para matigil na ang laban na namamagitan sa dalawang panig. Gamitin mo ang kapangyarihan niya."

Muling tumahimik ang lalaki sa sinabi ng babae. Lahat ng mga sinabi nito ay tama kaya hindi mapigilan ng lalaki na sumang-ayon sa kanya.

"Siguro nga ay mas mabuting ipa—" sabay silang natigilan na dalawa nang maramdaman nila ang isang presensya.

"Akala ko ba ay walang nakakita sayo?" gulat na tanong ng lalaki sa babae.

Namutla naman ang babae at napakagat siya sa kanyang labi. "W-wala akong napansin na kakaiba nung pumunta ako dito kung may sumunod ba saakin. Sinigurado kong walang makakakita saakin." tapat na sagot niya.

Nagpakawala ng malalim na hininga ang lalaki at binaling niya ang tingin niya sa mga puno kung saan ay ramdam nila dito ang isang presensya na papalapit sa kanila.

Hindi na nila sinubukan na magtago dahil wala silang ibang matatakasan dito.

"White?!"

Aljana's POV

Hinila ko ang buhok ko sabay inuntog ang ulo ko sa poste dahil sa tumatakbo ngayon sa isipan ko.

Kaya nagagalit saakin ang iba dahil kung ano-ano nalang ang iniisip ko. Ngunit, hindi ko mapigilan na isipan ang bagay na ito dahil tinatamaan na naman ako ng kausisaan ko.

Hindi ko mapigilan na paghinalaan ang puting prinsesa dahil sa nangyari kahapon.

May kung ano akong naramdaman sa kanya nung mahawakan ko siya. Hindi ko maintindihan kung bakit parang pamilyar siya saakin. Parang nakita ko na siya dati at ng puting dragon.

Nagpatuloy ako sa paghila sa buhok ko. Buti nalang ay walang dumadaan dito sa bandang kinaroroonan ko. Hindi ko alam ang iisipin nila sa akin kapag nakita nila ang sitwasyon ko ngayon. Baka isipin nilang nawawala na ako sa sarili.

Umabot pa ng ilang minuto kong hinihila ang buhok ko hanggang sa napatigil ako dahil natanaw ko sa hindi kalayuan ang puting prinsesa na lumabas sa isang gate dito sa paaralan.

Bigla akong kinutuban kaya palihim ko siyang sinundan. Inatake na naman ako ng kausisaan ko kaya hindi ko na ito kayang pigilan.

Palagi siya lumilingon sa kanyang likuran na para bang tinitingnan niya kung may nakasunod ba sa kanya. Buti nalang ay magaling akong magtago kaya hindi niya ako makita. Hindi din niya ako maramdaman dahil nasa malayo lang ako.

"Dyosa.."

Nabaling ang tingin ko sa kunehong tumawag saakin. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya saakin.

"May sinusundan ako." mahinang sagot ko at binalik ang tingin ko sa puting prinsesa pero nagulat ako nang makitang wala na siya.

Umalis ako sa pagkakatago at nilibot ang tingin ko.

"Nakita mo ba kung saan dumaan ang puting prinsesa?" tanong ko sa kuneho.

Umiling siya saakin at tulad ko ay nilibot din niya ang tingin niya.

Pareho na namin hinanap ang prinsesa. Naglibot kami ng ilang minuto hanggang sa napagdesisyunan kong sumuko na dahil malabong makita namin siya dito sa gubat.

Uupo na sana ako sa nakita kong malinis na lumang kahoy nang mapatigil ako dahil sa presensyang naramdaman ko.

Agad akong naglakad sa direksyon nito at habang papalapit ako ay bumibigat ang nararamdaman ko.

Tuluyan akong natigilan nang makita ko ang kulay abong mga mata na nakatingin sa direksyon ko.

"White?!"

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon