Chapter 33

43.3K 1.1K 59
                                    


"Anong ginawa mo?" galit na tanong ng lalaki kay Bourge nang dumating siya sa tahanan nito.

"Anong ginawa?" inosenteng tanong naman ni Bourge at umupo siya sa silyang katapat ng lalaking kausap niya.

"Bakit mo sinabi sa kanya ang tungkol sa kapangyarihan ng batang yon?!"

Sumandal sa pagkakaupo si Bourge pagkatapos ay pinaglaruan niya ang hawak niyang lapis habang nakatingin ng diretso sa kausap niya.

"Sinabi ko lang ang totoo. Naiirita na ako sa paggamit niya ng kapangyarihan niya." walang ganang sagot ni Bourge pagkatapos ay binaling niya ang tingin niya sa larawan na nakadikit sa pader. Isang batang babae na may kasamang dragon ang laman ng larawan.

"Naiirita ka o natatakot kang gamitin niya sayo ang kapangyarihan niya?" seryosong tanong sa kanya ng kausap niya. Tumayo siya sa pagkakaupo at pumunta sa harapan ng larawan na tiningnan ni Bourge.

"Burahin mo ang memorya niya. Hindi pa niya pwedeng maaalala ang nangyari noon." tuloy niya nang hindi sumagot si Bourge sa tanong niya.

"'Wag mo ng subukan ulit na ipaalala sa kanya ang tungkol dito kung ayaw mong bumalik sa lugar na yon."

Nanatiling nakasunod ang tingin sa kanya ni Bourge habang nagsasalita siya. Bumalik sa pagkakaupo ang lalaki. Pinagtiklop niya ang kanyang mga kamay pagkatapos ay tiningnan niya ng diretso si Bourge.

"Gusto mo bang bumalik?" tanong niya sabay tinaasan ng kilay si Bourge na hindi parin kumikibo.

Mabilis na umiwas ng tingin si Bourge pagkatapos ay tumayo siya. "Ni-hindi ka nga makalabas sa gubat na 'to kaya paano mo ako mapapabalik sa lugar na yon?" naiiling na tanong niya at naglakad palapit sa pintuan.

"Baka nakakalimutan mo na pwede ko siyang utusan para gawin yon." seryosong sagot sa kanya ng lalaki.

"Tss. Kahit kailan talaga. Sige, sige buburahin ko ang memorya niya."

Kinawayan ni Bourge ang lalaki habang nakatalikod siya pagkatapos ay tuluyan siyang naglakad palabas sa bahay ng lalaki.

Aljana's POV

Napangiti ako nang makita ko si Drek na pumasok na sa room. Agad akong lumapit sa kanya at yumuko.

"Salamat nga pala kahapon." pasalamat ko at umangat na ng tingin.

Napakunot ako ng noo nang makitang napakamot siya sa kanyang batok kasabay ng pagbuntong hininga niya.

"Actually, hindi ako ang nagdala sayo sa dorm niyo. Nagkataon lang na kasama niya ako kahapon at kinailangan niyang umalis kaagad dahil pinatawag siya, kaya ako lang ang naabutan nina Mae at Angie sa labas ng dorm niyo." diretsong sabi niya na kinabigla ko.

Hindi siya ang nagdala saakin?

"S-sino ang--" napatigil ako sa tatanungin nang makitang pumasok si Russell.

Nabaling din ang tingin sa kanya ni Drek at natigilan ako sa binitawan niya.

"Siya." mahinang sabi niya sabay tinuro si Russell.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata namin ni Russell.

"Jana!" agad akong lumapit kina Mae nang tawagin nila ako.

Umupo ako sa tabi nila pagkatapos ay kinalma ko ang sarili ko.

Binigyan ko ng sulyap si Drek at nakitang kausap na niya si Russell. Kung nagsasabi nga siya ng totoo ay si Russell ang sumalo saakin kahapon nang mahimatay ako.

Napasubsob ako sa desk ko dahil sa hiyang nararamdaman. Bakit siya pa?

Bakit sa lahat ng taong pwedeng sumalo saakin kahapon ay siya pa?

Nakakahiya.

Ahh! Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko. Paano ako magpapasalamat sa kanya nito?

Kakausapin siya? Pero umiiwas ako sa kanya kaya hindi ko kayang harapin siya.

Mag-uutos ng ibang tao o sulatan ko nalang kaya siya?

Ngunit, hindi pormal kung yan nga ang gagawin ko. Parang hindi ako sincere.

"Jana? Hey, Jana? Ayos ka lang ba talaga? Bakit ka pa kasi nag-aral ngayon?" dinig kong mga tanong ni Angie kaya umalis ako sa pagkakasubsob sa desk ko.

Ngumiti ako sa kanya at inayos ang buhok ko.

"Oo, ayos lang ako. Don't worry." sagot ko sa kanya. Nagkatinginan naman sila ni Mae na nasa tabi niya pagkatapos ay binalik din nila agad ang tingin saakin.

"Sa susunod ay wag ka ng lumabas na hindi kami kasama. Napakahina pa naman ng katawan mo kahit puro gulay at prutas ang kinakain mo." alalang sabi ni Mae na kinatango ko.

Hindi masyadong malinaw saakin ang nangyari kahapon. Ang natatandaan ko lang ay namasyal ako kahapon sa paaralan pagkatapos ay wala na akong matandaan kung bakit nawalan ako ng malay. Hindi naman ako nagpagod para manghina ang katawan ko.

Siguro ay dahil sa init ng araw kahapon kaya nahimatay ako. Baka yon nga ang dahilan.

"Opo, masusunod." masunurin kong sagot na kinailing nila saaking dalawa.

HABANG nasa klase kami ay ilang beses ko ng binigyan ng sulyap si Russell habang nag-iisip ng paraan kung paano ko siya pasasalamatan nang hindi siya hinaharap.

Napakagat ako sa kuko ko dahil sa kabang nararamdaman. Anong gagawin ko? Malapit ng matapos ang klase namin kaya kailangan ko ng mag-isip ng paraan para pasalamatan siya. Hindi ko pwedeng ipagbukas ito.

"Ayos ka lang ba talaga, Jana?" mahinang tanong saakin ni Mae nang mapansin niya na kanina pa ako hindi mapakali.

Nakalukot ang mukha kong tiningnan siya habang kagat parin ang kuko ko.

"Seriously, Jana? Hindi mo parin tinitigilan ang kakakagat mo sa kuko mo? Para ka talagang bata."

"H-Hindi ko alam ang gagawin ko, Mae." amin ko sa kanya at mas lalo kong nilukot ang mukha ko dahilan kung bakit napamura siya ng mahina.

"Now, speak." seryosong sabi niya saakin nang lumabas na ang guro namin.

Muli ko siyang binigyan ng tingin tulad ng pinakita ko sa kanya kanina.

"Tigilan mo nga yan. Ang weird ng hitsura mo, " galit na sabi niya na kinanguso ko.

Para na akong bata ngayon na may gustong hilingin.

"T-tulungan mo akong m-magpasalamat kay R-Russell.." nauutal at mahinang sabi ko sa kanya. 

Tumayo naman siya ng maayos at hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko. "Bakit ka naman magpapasalamat sa kanya? May ginawa ba siya sayong tulong kahit na hindi kayo nagpapansinan nitong nakalipas na dalawang buwan?" diretsong mga tanong niya na mas lalo kong kinanguso.

"Ano ba ang nangyari?"

"Siya ang nagdala saakin kahapon. Hindi si Drek." sagot ko sa kanya at napatakip siya sa kanyang bibig dahil sa pagkakabigla sa narinig.

"Kwento mo daliiii!" masayang sabi niya na kinabuntong hininga ko.

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon