Chapter 77

17.8K 558 5
                                    

Ken's POV

Kumatok ako sa pintuan ng kwarto ni Jana at tinawag siya pero wala akong natanggap na sagot.

Nagpakawala ako ng buntong hininga at umupo sa labas ng pintuan niya.

"Alam kong naririnig mo ako Jana.." kausap ko sa kanya.

Ilang araw na siyang nakakulong sa kwarto niya. Sa pamamagitan ng mahika ay binibigyan namin siya ng pagkain ng hindi kinakailangan na pumasok sa kwarto niya. Gusto niyang mapag-isa kaya pinagbigyan namin. Kahit hindi namin siya nakikita ay alam naming maayos ang lagay niya at kinakain niya ang pagkain na binibigay namin dahil kay White. Palihim niyang dinadalaw si Jana sa pamamagitan ng koneksyon nilang dalawa. Dragon niya siya kaya nagagawa niya ito.

"Jana.. I'm s-sorry.." piyok kong hinging tawad.

Inangat ko ang tingin ko sa kisame at pinigilan ang luha ko na tumulo.

"I'm sorry..k-kasalanan ko kung bakit nangyari sayo 'to. K-kung hindi mo inagaw ang kapangyarihan ko ay hindi ka magkakaganito..I'm sorry.."

Kasalanan ko nga ang lahat ng ito. Ako ang may kasalanan kung bakit kinakain na siya ng black magic na dapat ay sa akin. Kung hindi niya ako niligtas noon ay hindi mangyayari sa kanya 'to. Hindi siya mahihirapan. Hindi siya magkukulong. Hindi siya iiwas sa amin sa takot na baka ay matulad kami sa nangyari sa mga magulang niya at ng iba. Kung sana ay hindi ako pinanganak ay hindi ito mangyayari. Kasalanan ko ang lahat ng ito.

"P-patawarin mo sana ako.."

Tinakpan ko ang mga mata ko gamit ang braso ko nang maramdaman kong tumulo ang pinipigilan kong mga luha.

"P-patawad.."

Nagtagal ako ng ilang minuto sa labas ng pintuan niya. Hinintay ko siyang sumagot ngunit hindi parin siya kumibo.

Nagpakawala ako ng buntong hininga. Alam kong hindi niya tatanggapin ang sorry ko pero kahit ganon ay hindi ako magsasawang humingi ng tawad sa kanya.

"Mukhang naiingayan kana sa akin.  Sige, aalis na ako. Patawad ulit.." paalam ko at tatayo na sana ako nang bigla siyang kumibo.

"Natatandaan mo pa ba ang kwento ni Haring Gabriel?"

Bigla akong napangiti sa tanong niya.
Of course, natatandaan ko ang tunay na kwento ni Haring Gabriel dahil katulad din siya ni Jana. Pareho silang puting tao at siya din ang tumulong sa ancestor ko na may itim din na mahika.

Every 300 years, sinisilang ang puting tao at kasabay nito ang taong may itim na mahika. Maraming black magic pero yung saamin ay iba dahil nage-exist na ito sa tinakdang tao na mamana ang ganitong kapangyarihan at nangyayari lang ito kapag sinilang na ang puting tao. They are born together.

Lahat ng ancestors ko na sinilang na may ganitong kapangyarihan ay tinulungan lahat ng puting tao, ang mga ancestors ni Jana.

Para mapigilan na magising ang ganitong itim na mahika ay kailangan itong kunin ng puting tao dahil nasa kanya ang puting mahika na kakain sa black magic. Lahat ng mga ancestors namin ay nagtagumpay at ngayon lamang kami nagkamali.

Hindi namin alam na maaapektuhan ng kapangyarihan ni Jana nung ginamit niya ang unang kahilingan niya sa tagong mundo. Kung alam lang nila na hindi magbabago ang buhay ni Jana kapag ginamit niya ang unang kahilingan sa tagong mundong yon ay hindi mangyayari 'to.

Ikalawang buhay na sana namin ito pero tumigil kami sa unang buhay namin dahil sa kunting kamalian. Hindi namin alam kung kailan mangyayari ang pangalawang buhay ni Jana. May tatlo siyang buhay at lahat ng mga taong nag exist sa unang buhay niya ay kasama niyang isisilang sa sunod niyang buhay hanggang sa maubos ang tatlong buhay niya.

Wala pa kaming ideya ngayon kung paano maibabalik ang puting mahika niya. Kasalukuyan paring naghahanap ng solusyon sina White at Black.

"Naaalala mo pa ba ang kwento ni White tungkol sa ancestors natin?" tanong niya sa akin.

"Yes.."

Umupo ako ng maayos habang nakasandal sa harapan ng pintuan niya.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ngayong nagsalita na siya. Magpapatuloy ba ako sa paghingi ng tawad sa kanya? Pero paano kung naiingayan na siya sa akin?

"This is our fate, Ken. Walang may kasalanan sa nangyari. 'Wag mong sisihin ang sarili mo. Kahit bumalik pa tayo sa nakaraan ay tutulungan parin kita. Kukunin ko parin ang kapangyarihan mo dahil ito ang kapalaran natin. Kapalaran man o hindi ay gagawin ko parin ito dahil kaibigan kita. Ayaw kong makitang nahihirapan ang kaibigan ko. Kaya please..'wag kang humingi ng tawad sa akin."

Muli kong tinakpan ang mga mata ko dahil nagtuluan na naman ang mga luha ko. Para na akong bakla dito.

Alam kong ito ang kapalaran namin. Sinilang kaming pareho para magtulungan. Nasa amin ang pinakamalakas na kapangyarihan sa mundong ito ngunit mapanganib ang akin kaya para mawala ito ay kailangan itong kunin ng puting tao.

"Yes, I'm sorr—"

"Sabing 'wag kang mag sorry!"

Bigla akong napatawa dahil pinutol niya kaagad ako.

"Yes..yes I'm—hindi ko na uulitin." natatawang sabi ko at napangiti ako nang marinig kong sinabayan niya ako sa pagtawa.

"Dahil sa ilang beses ka ng humingi ng tawad sa akin ay kailangan mong magbayad.."

Bayad?

"Ano 'yon? Sabihin mo. Gagawin ko ang lahat."

"Gusto ko ng cake. Y-yung binigay niyo sa akin kahapon." sabi niya at halata sa boses niya na nahihiya siya.

Lalong lumawak ang ngiti ko.

"Sure, gusto mo din ba ng inumin?"

"Y-yes.."

"Sige. Wait mo lang ako hah?"

"Okay.."

Tumayo na ako para sabihin kina White ang gusto niyang kainin. Humakbang na ako paalis pero bumalik din ako dahil may nakalimutan akong sabihin.

"Jana, gusto ko lang sabihin na walang mang-iiwan sayo. Hindi ka tatalikuran ng Jaysies dahil ikaw ang puting prinsesa namin."

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon