Dedicated to Night_Raven21 hi bb! Thank you for reading my stories ^^
(Check her stories guys. Magugustuhan niyo :>)----
Ang Lihim (1 of 5)Warning : 'Wag niyo basahin ang kabanatang ito kung kumakain kayo. Binalaan ko na kayo ah? At 'wag niyo rin pansinin ang dating comments. Revised version 'to at sobrang layo nito sa original version kaya hindi connected ang ibang comments. Thanks sa pag-intindi ^^
A L J A N A ' S P O V
Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago ko inabot ang supot na pinaglalagyan ng uling sa lamesa.
Sa dami ng hawak ko ay nahirapan pa akong abutin ito. Muntik ng mahulog ang mga prutas, buti nalang ay nabalanse ko kaagad ang katawan ko.
Lumabas na ako ng bahay nang madala ko na ang lahat. Umakyat na ako ng bundok habang nahihirapan sa mga dala ko.
"Saang banda sila?" tanong ko sa mga ibon na nakasunod saakin.
Napangiti ako ng abutin ng Usa ang mga dala ko gamit ang malaking sungay nito. Tumigil ako sa paglalakad at sinabit sa sungay niya ang supot. "Ako din!" malakas na sabi saakin ng maliit na Kangaroo kaya naman ay binigay ko sa kanya ang plastic na pinaglalagyan ng kanin.
Hindi na ako nahirapan sa mga dala ko ng kunin saakin ito ng mga hayop na nakasunod saakin.
"Nasa kaliwa sila, Dyosa.." sagot saakin ng mga ibon na kinangiti ko.
Muntik na naman akong matawa nang marinig ang tinawag nila saakin. Hanggang ngayon ay parang bago parin saaking pandinig ang Dyosa na tinatawag nila saakin. Hindi ko na matandaan kung kailan nila ako sinimulang tawagin na Dyosa. Ang natatandaan ko lang ay simula ng matuklasan kong naiintindihan ko ang mga lenggwahe ng mga hayop ay hindi na nila ako ang tigilan sa kakausap.
Hindi naman ako nagrereklamo dahil natutuwa din ako sa kanila. Bihira lang makatanggap ng ganitong kakayahan ang isang tao kaya nagpapasalamat ako na binigyan ako nito, kahit na patago ko itong nagagamit.
"Angieeee ilayo mo saakin yan!"
Agad kong pinaalis ang mga hayop at kinuha sa kanila ang mga dala ko kanina nang marating na namin ang kinalalagyan ng dalawa.
"Paalam Dyosa!"
Ngumiti ako sa kanila at tumango bago ako naglakad palapit sa dalawang kaibigan ko na mukhang nagkukulitan na naman.
"Jana!" sabay nilang tawag saakin nang makita nila ako at mabilis na lumapit saakin para tulungan ako sa mga dala ko.
"May uling?" tanong ni Mae at binuksan ang mga supot para hanapin ang uling. Tinaas ko ang hawak kong supot na pinaglalagyan ng uling.
"The best ka talaga!" masayang sabi niya at akmang yayakapin ako nang mabilis akong umiwas sa kanya dahil sa dumi ng mga kamay niya.
"Ano na naman ba ang pinaglaruan mo?" tanong ko habang nakakunot ang noo ko.
Ngumiti siya saakin ng pilit sabay nilagay sa likuran niya ang kanyang mga kamay.
"Yung tae ng kambing Jana!" sumbong ni Angie na nasa malayo habang nakangiwi.
Nanlaki ang mga ko sa sinabi niya at umiwas kay Mae. "Wag mong subukan na ihawak saamin yan Mae!" malakas na sabi ko sa kanya at tumakbo kay Angie.
"Kyahhh!" napatili ako nang biglang tumili si Angie. Agad ko naman siyang pinalo dahil hindi naman lumapit saamin si Mae para tumili siya.
"Ang aarte niyo! Hindi ako humawak ng tae ng kambing Angie! Sabing nakuha ko lang ito sa mga kahoy na pinulot ko." nakangusong sabi ni Mae habang nakaturo sa mga kahoy na nasa lupa.
Nagkatinginan kami ni Angie pagkatapos ay tinulak ko siya. "Aray Jana!" natatawang sabi niya na kinairap ko sa kanya.
Kung ano-ano ang pinagsasabi. Naniwala tuloy ako na naglaro talaga ng tae si Mae dahil sa kaseryosohan niya. Iisipin ko palang kung paano naglalaro si Mae ng tae ng kambing ay kinikilabutan na ako.
Kinikilabutan ako dahil senyales na baliw na ang kaibigan namin kung nagkataon ngang naglaro siya ng tae.
Teka nga--bakit ba ito ang iniisip ko? Hindi naman totoong naglaro ng tae si Mae kaya dapat ay kalimutan ko na ito. Kung ano-ano nalang ang iniisip ko tss.
"Jana, ikaw na ang bahala sa apoy. Maghuhugas muna ako 'don sa ilog!" paalam ni Mae saakin.
Agad ko namang hinanda ang paglulutuan nila. Sila lang ang magluluto dahil hindi ko kakayanin na makita ang mga niluluto nila.
Nilagay ko ang mga uling sa taas ng pugon pagkatapos ay sinindihan ko ang papel at nilagay sa loob ng pugon. Sinimulan ko itong ihipan hanggang sa pinaypayan ko na ito ng mabuhay ang apoy.
Napatakip ako sa ilong nang pumunta saakin ang usok.
"Ang galing mo talaga Jana pagdating dyan!" natatawang sabi ni Angie na ngayon ay kasalukuyan niyang inaayos ang tela sa
damuhan kung saan kami kakain."I know.." tamad kong sabi at nagpatuloy sa ginagawa.
Palagi nalang ito ang ginagawa ko bukod sa pagdadala ng mga kailangan namin sa tuwing naiisipan naming mag bonding dito sa bundok. Nasanay na ako sa ginagawa ko dahil wala din naman akong alam na pwedeng itulong sa kanila.
"Buhay na ba ang apoy Jana?" tanong saakin ni Mae pagdating niya galing sa ilog.
"Hmm.." sagot ko lang at ako naman ang nagpaalam na pupunta sa ilog para maghugas ng mga kamay. Ang itim na ng mga kamay ko dahil sa uling.
Hindi kataasan ang bundok na ito. Mababa ito kaya madali lang umakyat dito. Maraming magagandang tanawin dito kaya sa tuwing naiisipan naming magbonding ay dito kami pumupunta.
Hinawi ko ang mga dahon na tumatakip sa daan papunta sa ilog na nandito sa bundok. Hindi ko alam kung gaano kahaba ang ilog na ito dahil kahit saang banda kami ng bundok pumunta ay palaging may ilog.
Hinugasan ko ang mga kamay ko habang nagh-hum.
Nang mawala na ang uling sa mga kamay ko ay tumayo na ako para bumalik kina Angie at Mae. Bigla akong mapaatras nang makita ang isang lalaking nakasakay sa puting kabayo.
"Ahh!" napapikit ako ng mga mata nang mawalan ako ng balanse sa pag-atras ko.
Naku po. Mahuhulog ako sa ilog..
Ayaw kong mabasa!
"Ahem.."
Napamulat ako ng mga mata nang maramdaman na may kung anong pumalibot saaking likuran para pigilan akong mahulog sa tubig.
Mabilis akong tumayo ng tuwid nang mapansin na kapangyarihan pala ng lalaki ang pumigil saakin.
"Thank yo-" napatigil ako sa sasabihin nang maklaro ko ang kasuotan niya.
"P-Prince?!"
BINABASA MO ANG
Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)
FantasiBook 1 of Dragon's World. [I do not own the photos I used in the cover. Credits to the rightful owner.] © All Rights Reserved 2016