Dedicated to MaeLaWet
Ngayon ko lang nabasa comment mo xD Ang galing! Tama ang dalawang hula mo ^^~Past~
"Your highnesses!" malakas na tawag ng isang knight sa Hari at Reyna na kasalukuyan nilang binabasa ang mga sulat na pinadala sa kanila galing sa ibang kaharian.
Napatayo silang dalawa dahil sa biglang pagdating ng knight at bakas sa mukha niya na may dala siyang masamang balita.
"Anong nangyari?"
Parehong nakaramdam ng kaba ang Hari at Reyna. Bumilis ang tibok ng puso nila at unang pumasok sa isipan nila ang dalawa nilang anak.
"Inatake ang dalawang prins—"
Hindi na nila pinatapos sa pagsasalita ang knight at agad silang pumunta sa kinaroroonan ng kanilang mga anak.
Pagdating nila ay sabay silang natigilan nang makita nilang nakalutang sa ere ang panganay nilang anak habang sinasakal siya ng isang mahika.
"M-mama.." nahihirapang tawag ni Cathy sa kanyang Ina nang matanaw niya sila.
Agad na nagpalabas ng kapangyarihan ang Hari at pinatama ito sa direksyon ng lalaki ngunit muli silang natigilan nang bumalik ang pinatama niyang kapangyarihan.
"N-no!"
Humakbang palapit ang Reyna sa kanila pero napatigil siya ng bumangga siya sa harang na ginawa ng kalaban. Sinubukan niyang sirain ang harang pero tulad ng nangyari sa Hari ay bumalik lang ang kapangyarihan niya.
Nilapitan siya ng Hari at tinulungan niyang sirain ang harang ngunit hindi parin sila nagtagumpay at sila lang ang nasasaktan sa ginagawa nila dahil kusang bumabalik sa kanila ang kapangyarihan nila.
"S-stop.." pinatigil ng Hari ang Reyna sa paglabas ng kapangyarihan nang makita niya itong punong puno na siya ng sugat.
Hindi siya pinakinggan ng Reyna at nagpatuloy siya sa ginagawa habang tumutulo ng mabilis ang mga luha niya.
"Damn!"
Muling sinubukan ng Hari na sirain ang harang. Pero kahit anong gawin niya ay hindi ito tinatablan.
"A-anong gagawin natin?"
Napaupo ang Reyna sa lupa na natatabunan ng mga niyebe habang nakatingin sa direksyon ng anak nila na nahihirapan sa mahikang sumasakal sa kanya.
Bigo, galit, lungkot, at iba't ibang emosyon ang naramdaman nilang pareho ng kanyang asawa dahil hindi kaya ng kapangyarihan nila ang harang na ginawa ng kalaban.
Ngunit, nagulat sila sa biglang pagdating ng puting dragon at hindi pa umabot sa dalawang segundo ay nasira niya ang harang at agad na tinulungan si Catherine pagkatapos ay pinatamaan niya ng kanyang kapangyarihan ang lalaki.
Tumalipon sa malaking puno ang lalaki at dahil sa lakas ng pinatama sa kanya ng dragon ay hindi niya naiwasan na tumama sa mga sanga ng puno. Agad siyang nahugutan ng hininga nang tumagos ang matulis na sanga sa bandang dibdib niya.
Parehong hindi makagalaw ang Hari at Reyna. Nakatingin sila sa puting dragon na nag-anyong tao habang buhat ang kanilang panganay na anak.
"M-mama..p-papa.."
Tawag ni Catherine sa kanyang mga magulang at dahil dito ay lumapit na sila sa kanila.
"A-anak.."
Niyakap siya ng mahigpit ng kanyang Ina at ganon din ang ginawa ng Hari.
"S-si L-Lexie.. N-nawalan ng malay.." nahihirapang sabi ng bata at tinuro ang kapatid niya. Pinuntahan naman ito ng kanyang ama at binuhat si Lexie.
Maya-maya pa ay narinig nila ang nagraramihang mga hakbang dahilan kung bakit nagkatinginan ang Hari at Reyna.
"Maaari mo ba kaming dalhin sa tahimik na lugar?" pakiusap ng Hari sa puting dragon na nakatingin sa kanila.
Hindi sumagot ang puting dragon. May nilabas siyang puting mahika sa kanyang palad at maya-maya pa ay pinalibutan sila ng liwanag. Pagkawala ng liwanag ay bumungad sa kanila ang loob ng silid.
"Salamat."
Tumango ang puting dragon sa kanila at tinuro ang malaking kama pagkatapos ay tiningnan ang dalawang bata na pareho ng walang mga malay.
Nakuha naman ng Hari at Reyna ang pinapahiwatig niya kaya pinahiga nila ang mga anak nila sa kama.
Gamit ang bimpo ay pinunasan ng Reyna ang bahid ng dugong nasa pisngi ng kanyang mga anak. Halatang hindi sa kanila ang dugong ito dahil wala silang mga sugat.
Napatigil sa pagpunas ang Reyna nang mapatingin siya sa leeg ng panganay niya. Bakat sa leeg ng bata ang kaninang sumakal sa kanya na mahika. Kung hindi kaagad dumating ang puting dragon ay hindi niya alam ang mangyayari sa anak nila.
Tumulo ang mga luha ng Reyna habang nakatingin parin siya sa leeg ng anak niya.
"S-salamat...salamat.."
Paulit-ulit nilang pinasalamatan ang puting dragon na nakaupo ngayon sa silyang katapat nila.
"May hihilingin kami sayo." seryosong sabi ng Hari sa puting dragon.
"Ano yon?" tanong ng puting dragon.
Kanina pa sila nag-uusap habang nasa loob ng silid ang dalawang bata. Ang akala nila ay hindi nagsasalita ang puting dragon o di kaya'y hindi kaya ng kapangyarihan nila na kausapin ang katulad niyang dragon pero nagbigla sila nang kumibo siya kaya napahaba ang usapan nila.
"Itago mo ang puting prinsesa. Ilayo mo siya sa kabilang panig. Ayaw kong maranasan niya ulit ang nangyari sa kanya ngayon. Masyado pa siyang bata para mamulat sa sitwasyon niya sa mundong ito. Hindi pa niya kayang gamitin ang kapangyarihan niya kaya hinihiling namin sayo na itago mo siya. Ikaw lang ang alam namin na makakaprotekta sa kanya."
Tiningnan ng diretso ng puting dragon ang Hari dahil sa sinabi niya. Makikita sa mga mata nito na seryoso siya sa gusto niyang mangyari. Binaling niya ang tingin niya sa Reyna na ngayon ay tumutulo na naman ang mga luha niya at tulad ng pinapakita ng mga mata ng Hari ay ganon din siya.
Bumuntong hininga siya at umupo ng maayos.
"Alam niyong kahit itago niyo siya ay hindi niya maiiwasan ang kapalaran niya. Siya ang puting prinsesa, ang nakatakdang magtatapos sa gulo ng dalawang panig kaya normal lang na mangyari sa kanya ang ganitong sitwasyon. Kailangan niyang maging malakas para maprotektahan niya ang sarili niya sa mga kalaban kaya hindi niyo siya kailangang itago."
"Alam namin yan pero tulad ng sabi ko ay masyado pa siyang bata para harapin ang kapalaran niya. Kaya kahit sampung taon lang. No, kapag nasa dalawampung taon na siya ay ipapakilala na namin siya sa mundong ito. Hahayaan na naming mangyari ang kapalaran niya kaya kung maaari ay itago mo siya ngayong bata pa siya. Tulungan mo siyang maging malakas. Protektahan mo siya..pease."
Muling nagpakawala ng buntong hininga ang puting dragon.
"Fine."
Hindi nila tinago sa bata ang naging desisyon nila. Pumayag si Catherine sa gusto nilang mangyari kahit na alam niyang hindi na niya makikita ang mga magulang at mga kapatid niya ng matagal.
Kahit na limang taon palang siya ay naintindihan niya ang mga magulang niya dahil matalino siyang bata. Alam niyang ito ang ikakabuti niya kaya ginawa ito ng mga magulang niya.
BINABASA MO ANG
Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)
FantasiaBook 1 of Dragon's World. [I do not own the photos I used in the cover. Credits to the rightful owner.] © All Rights Reserved 2016