Nagkagulo ang mga estudyante nang maabutan nilang bukas ang pintuan ng kanilang mga kwarto.
Galing sila sa klase at pagka-uwi nila ay ito ang naabutan nila sa dalawang gusali. Agad na nakarating sa palasyo ang nangyari kaya may mga dumating na knight para tingnan ang sitwasyon nila.
"Walang nawala saakin."
"Ako din!"
"Parang wala namang pumasok dahil ganon parin ang kwarto ko nung iniwan ko ito. Ang pintuan lang ang bukas."
"Nakakakilabot tuloy. Sino kaya ang gumawa nito?"
Tulad ng sabi ng mga estudyante ay walang nawala sa kanila. Walang gumalaw sa mga gamit nila. At wala din silang nakitang bakas na mga paa at mga kamay sa loob ng kanilang mga kwarto kung may nakapasok ba. Pati sa daan ay sobrang linis nito kaya hindi nila maintindihan kung bakit bukas ang mga pintuan.
"Humangin yata ng malakas?" hula ni Mae habang nakakapit sa braso ni Jana.
Nasa labas silang lahat dahil patuloy parin na nag i-imbestiga ang mga knights sa kanilang dorm.
"Bakit hindi natin naramdaman kung humangin nga ng malakas?" balik na tanong sa kanya ni Angie.
Napanguso naman si Mae at nag-isip muli ng dahilan kung bakit naabutan nilang bukas ang kanilang mga pintuan.
"Kahit na gumamit ng kapangyarihan ang taong ito ay may maiiwan parin siyang bakas." puna ni Lexie na nasa tabi din nila.
"Bakit parang isang tao lang ang suspect niyo? Halatang grupo ang gumawa nito kaya ganito kalinis ang galaw nila." sabi naman ni Joy kaya natigilan sila.
"Oo nga naman."
"Ang bobo natin talaga." napapatangong sabi ni Mae.
"Maaari na kayong bumalik sa inyong mga dorms. Mag-iiwan kami ng mga knights sa labas para bantayan kayo. Kung may napansin man kayong mali sa inyong mga kwarto ay isumbong niyo kaagad saamin." anunsyo ng isa sa mga guro kaya isa-isa naman silang nagsibalikan.
"Sis, pwedeng sa kwarto mo muna ako matulog ngayong gabi?"
Ngumiti si Jana kay Lexie at tumango siya. "Yey! Thanks!"
"Saamin ka na din Joy. Wala kang kasama." sabi naman ni Mae kay Joy at hinila niya siya papunta sa dorm nila.
Walang nagawa si Joy kundi ang sumama sa kanila dahil tulad ng sabi ni Mae ay wala siyang kasama dahil si Lexie ang kasama niya sa dorm nila.
Dahil sa nangyari ay hindi agad nakatulog ang mga estudyante. Natakot ang iba sa kanila na baka ay bumalik ang taong pumasok sa dorm nila at baka sa pagkakataong yon ay may gawin na siya/silang masama o 'di kaya'y may iniwan sila sa kanilang mga kwarto na hindi nila napansin kaya patuloy parin ang iba sa pag check ng kanilang mga gamit.
Kinabukasan ay bumungad sa kanila ang bagong balita na hindi lang ang dorm nila ang pinasukan kundi mapati ang ibang mga opisina na nasa paaralan nila.
Muli silang nagkagulo at dahil sa nangyari ay inanunsyo ng mga guro na wala muna silang pasok hanggang sa hindi nila nahahanap ang mga gumawa nito.
"Pinapatawag tayo sa opisina ng punong guro." mahinang sabi ni Ben kina Lexie nang makasalubong nila sila sa daan.
"Lahat tayo?"
"Yeah."
"May nawalang papeles?" gulat na tanong ni Lexie nang marinig ang sinabi ng punong guro nila.
"Oo, at lahat ng ito may koneksyon sa puting prinsesa." seryosong sabi ng punong guro kaya natigilan silang lahat.
Hindi nila inasahan na mangyayari ito. Na may makakapasok ngang kalaban ng hindi manlang nila napapansin.
"Ano na ang gagawin natin? Kailan niyo kami bibigyan ng misyon? Paano kung maunahan nila tayo?"
Bumuntong hininga ang punong guro at tumayo siya. "Hindi masyadong mahalaga ang papeles na nawala. Kaya 'wag kayong mag-alala. Hindi nila malalaman kung saan nakatago ang puting prinsesa sa mga papeles na yon. Tungkol naman sa misyon niyo ay wala parin kaming nakukuhang utos galing sa Hari. Hintayin natin siya."
"Pinatawag ko kayo para tulungan kami na hanapin ang mga kalaban na nakapasok at alamin kung may nagt-traydor dito. Hindi sila makakapasok dito ng ganon kadali kung walang tumulong sa kanila. Maaasahan ko ba kayo?"
"Opo." sagot nilang lahat.
"Sige, maraming salamat. Pwede kayong pumasok sa mga opisina kung gusto niyong makita ang impormasyon ng mga nagt-trabaho dito at ng mga estudyante. Mag-ingat kayo palagi. Hindi ordinaryo ang kalaban natin."
"Opo, punong guro."
Mag-isang naglalakad si Jana papunta sa canteen. Hindi niya kasama ang iba dahil umuwi muna sila sa kanilang mga dorm at susunod lang sila sa kanya.
Tahimik siyang naglalakad sa gilid ng mga room nang biglang siyang napatigil dahil sa kalabog na narinig niya sa loob ng isang room.
Dahan-dahan siyang lumapit sa pinanggalingan ng ingay at dinikit niya ang kanyang tenga sa pintuan pagkatapos ay pinakinggan niya ang loob.
Inalis na niya ang tenga niya sa pintuan dahil wala na siyang narinig na ingay sa loob pero agad din siyang natigilan nang biglang bumukas ang pintuan.
"Ken?"
BINABASA MO ANG
Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)
FantasyBook 1 of Dragon's World. [I do not own the photos I used in the cover. Credits to the rightful owner.] © All Rights Reserved 2016