Chapter 16

46.8K 1.5K 16
                                    

Training (1 of 5)

T H I R D   P E R S O N   P O V

"Magsisimula na ang final selection sa susunod na dalawang linggo. Mayroon kayong labing limang araw para mag-ensayo sa magaganap na battle." anunsyo ng guro sa mga estudyanteng nasa baba ng stage.

Nagsimulang magbulungan ang mga estudyante sa sinabi ng guro.

"Ibig sabihin ay Battle ang mangyayari sa selection? Anong klasing Battle po ba ito?" tanong ng isa sa mga estudyante dahilan kung bakit natigil sa pag-uusap ang ilan at binaling ang tingin sa guro.

"Magandang tanong. Ang mangyayaring Battle ay maaaring grupo laban sa grupo, pair to pair at mayroon ding single . Malalaman niyo kung saan kayo sa tatlong yan pagbalik niyo sa klase niyo." sagot ng guro at muling nag-ingayan ang mga estudyante.

"Ano po ang pagbabasehan sa laban? Ang mananalo ba ay diretso ng malalagay sa first section? Paano kung walang natulong ang ibang miyembro? Anong mangyayari?" tanong ng estudyante.

"Oo nga! Hindi po ba magiging unfair yon sa natalong grupo?  Paano po yung mga hindi tumulong?"

"Tungkol dyan ay hindi nakabase sa nanalong team ang pwedeng malagay sa first section. May rate na mangyayari sa bawat na mga player kaya lahat ay magp-participate." sagot ng isa sa mga guro na nasa harapan din.

"Magsibalik na kayo sa inyong mga klase. I-a-anunsyo ng papasok na guro sa inyo kung saan kayo sa tatlo. Kung may iba pa kayong mga katanungan ay maaari niyong tanungin ang mga gurong papasok sa inyo. Yon lang, salamat"

A L J A N A ' S   P O V

"Lexie, Ben, Liona, and Jaz, Kayo ang 1st group.  Sina Zen, Drek, Kristy and Corren ang makakalaban niyo."

Nanatili kaming nakikinig sa guro namin na kasalukuyan niyang inaanunsyo ang magkakasama sa klase namin. May ibang mga estudyante din na nabanggit galing sa ibang mga section na kasama ng ilan sa mga kaklase namin.

"Aljana and Russell V.S Smith and Marlo"

Namilog ang mga mata ko nang marinig ang pangalan ko at agad na nabaling ang tingin ko kay Russell.

Magkasama kami?!

"Wow. Pair. Goodluck, Jana" nakangiting sabi saakin ni Ben.

Tumango ako sa kanya at ngumiti pabalik.

"Yon lang. May mga katanungan pa ba kayo?" tanong saamin ng guro nang matapos siya sa pag anunsyo.

"Wala na po!"

"Sige, simula ngayon ay wala na kayong klase. Mag pokus kayo sa trainung niyo." huling sabi ng guro namin bago siya tuluyang lumabas.

Pagkalabas niya ay nagsimula ng mag-ingayan ang mga kaklase namin habang pinag-uusapan ang tungkol sa mangyayaring Battle. Nagkumpulan din ang ilan sa mga magkakasama at pinagplanuhan ang gagawin nila.

"Magkalaban pa talaga kayo" naiiling na sabi ni Mae kina Ben at Zen.

"Kaya nga, e." napapakamot sa ulong sabi ni Ben pagkatapos ay tinapik niya sa balikat si Zen.

"Dadating kambal mo?" dinig kong tanong ni Lexie kay Zen.

"Yeah." tipid na sagot ni Zen.

Nasabi na nila saakin ang tungkol sa kambal ni Zen na kung hindi ako nagkakamali ay kasali siya sa team ni Zen.

"Jana, matanong ko nga pala. Paano mo gagamitin ang kapangyarihan mo sa battle? Kokontrolin mo ba ang mga hayop?" takang tanong ni Ben saakin at dahil dito ay nabaling ang tingin nilang lahat saakin.

Napakurap ako ng mga mata ng dalawang ulit nang maalala na Battle nga pala ang mangyayari sa selection. Isang labanan! Shit!

"S-siguro?" hindi siguradong sagot ko.

Ngayon ko lang napagtanto na kapangyarihan namin ang gagamitin namin sa laban na mangyayari kaya hindi ko ito napag-isipan ng mabuti.

"Anyway, saan tayo mag-sasanay? Tulad parin ba ng dati?" singit ni Mae kaya sa kanya natuon ang atensyon nila sa kanya.

Napakagat ako sa labi habang iniisip ang tungkol sa battle. Sino ang tatawagin ko?
Ilan?

Gumagana parin ba kaya ang kapangyarihan ko?

"Mukhang hindi na tayo pwedeng magsama lahat sa training natin. May ibang mga team tayo, may pair, solo at may magkalaban na team kaya kailangang magkakahiwalay." sagot ni Eross at napatango naman silang lahat.

"Sige. Kina Russell at Jana nalang ako sasama total solo naman ako," sabi ni Mae.

"May mga training room ba ito? O lugar na pwedeng pagsanayan?" tanong ko sa kanila.

Hindi pa ako nakakita ng lugar dito sa paaralan na pinagsasanayan ng mga estudyante.

Maraming ispasyo dito sa paaralan pero lahat ng ito ay may nakatayong gusali sa gilid o di kaya'y sa gitna ng mga ito kaya malabong mag training dito ang mga estudyante dahil maaaring matamaan ang mga gusali dito.

"About dyan Jana. Sa likuran ng paaralan natin ay may malaking ground doon na pinagsasanayan ng mga estudyante pero hindi kami doon nagsasanay, e. Madalas sa punuan kami or sa tahimik na lugar kami nag-t-training." sagot ni Angie saakin.

"Punuan? Wala namang punuan dito sa loob ng paaralan ah? At wala din akong nakitang ground sa likuran ng paaralan natin." takang mga tanong at sabi ko.

Totoong wala akong nakitang ground sa likuran dahil mataas na bakod lang ang nakita kong nakaharang doon. At ang punuan na tinutukoy nila ay hindi ko alam. Wala akong nakitang punuan dito sa loob.
May mga puno pero magkakalayo kaya hindi ko alam ang tinutukoy nilang punuan.

"Ah. Sa likuran ng bakod, nandoon ang ground at ang mga punuan na sinasabi ko ay sa bandang kaliwa ng paaralan natin." sagot naman saakin ni Joy.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Sa likuran ng bakod? Wait--pwedeng lumabas?" gulat na mga tanong ko.

Papaanong sa likuran ng bakod?

Ibig sabihin ba nito ay pwedeng lumabas ang mga estudyante doon?

"Ahh. Oo nga pala, hindi namin sayo nasabi. Actually, pwede namang lumabas ng paaralan ang mga estudyante basta dito lang sa taas ng sentro ng Austin ngunit hindi lahat ay pwedeng puntahan. Tanging ang mga lugar lang na malapit sa paaralan natin ang pwedeng tapakan natin, tulad ng market na nasa kanang bahagi ng paaralan." paliwanag ni Mae at tumango ako ng tatlong beses sa kanya.

Ibig sabihin ay hindi naman pala ako mapapagalitan noong lumabas ako sa bakod ng paaralan. Ngunit, bakit ang sabi saakin ni Russell noon ay maraming guwardya ang naglilibot sa paaralan?

Nabaling ang tingin ko kay Russell nang maalala ito. Tahimik siyang nakatingin ng diretso sa kanyang harapan habang nakasandal siya ng maayos sa kanyang upuan.

Ano kaya ang tumatakbo sa isipan niya?

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon