Chapter 32

45.8K 1.2K 30
                                    


"Isa kang bantay sa lugar na yon." seryosong sabi ni Jana sa lalaki dahilan kung bakit nanlinsik ang mga mata nito.

Akmang aatakehin niya si Jana nang mapatigil siya dahil sa pagdating ng leon.

"Dyosa" tawag ng leon kay Jana nang mabilis na tumakas ang lalaki pagkakita niya sa leon.

"Hayaan mo na. Makikita ko din siya. Hindi siya makakalabas sa paaralan dahil estudyante siya dito." seryosong sabi ni Jana kaya hindi na hinabol ng leon ang lalaki.

MAAGANG nagising si Jana dahil sa ingay ng mga hayop na narinig niya sa kanyang isipan.

Napayakap siya sa kanyang sarili nang maramdaman na tumindig ang mga balahibo niya.

Agad siyang bumangon sa kanyang kama at nagmadaling naligo pagkatapos ay lumabas siya sa kanilang dorm.

Tahimik siyang namasyal sa loob ng paaralan. Iilan lang ang nakita at nakasalubong niyang mga tao dahil masyado pang maaga kaya tulog pa ang mga estudyante.

"Dyosa, pinatawag niyo ako?" tanong sa kanya ng malaking ibon nang dumating ito sa harapan ni Jana.

"May nangyari ba sa gubat? Sa dagat?" seryosong mga tanong niya.

"Hindi ko alam Dyosa. Hindi kami nakapaglibot nitong mga araw. 'Wag kang mag-aalala maglilibot kami ngayon at kapag may nakuha kaming balita ay agad naming ipaparating sayo." sagot ng ibon sa kanya.

"Sige. Salamat ulit."

Umalis na ang ibon kaya nagpatuloy siya  sa paglalakad habang iniisip ang narinig niyang mga ingay ng mga hayop kanina.

Ramdam niyang may nangyaring masama kaya hindi niya mapigilan na mangamba at mag-alala sa mga kaibigan niyang mga hayop.

MABILIS siyang lumiko sa kabilang daan nang maramdaman niya ang pamilyar na presensya.

"Tumigil ka!" malakas na pigil niya sa lalaking mabilis na naglalakad palayo sa kanya.

"Bourge" tawag niya sa pangalan ng lalaki dahilan kung bakit tumigil siya sa paglalakad at hinarap si Jana.

Nanlinsik ang mga mata niya at kinuyom ang kanyang mga kamao. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" matigas na tanong niya. Lumapit sa kanya si Jana habang hindi niya iniiwas ang tingin dito.

"Hindi na mahalaga yon. Gusto ko lang malaman kung anong ginagawa mo dito. Bakit ka nag-aaral dito? Are you a spy?" seryosong mga tanong ni Jana.

"Hindi kami nakikialam sa away niyong mga tao. Tanging ang mga dragon lang ang nauuto niyo." diretsong sagot niya kay Jana dahilan kung bakit lumambot ang mga mata ni Jana.

"Then, anong ginagawa mo dito kung hindi ka spy ng lugar na yon?"

"Matagal na akong nandito bata. Hindi ka pa dumadating ay nandito na ako." sagot ni Bourge at inalis na niya ang pagkakakuyom  sa kanyang mga kamao.

Naglakad siya palapit sa isang puno pagkatapos ay sumandal siya dito. Nakasunod naman ang tingin sa kanya ni Jana.

"'Wag mo ng alamin ang dahilan kung bakit nandito ako. Wala akong masamang balak." tuloy niya at tumingin siya sa malayo.

"Ikaw bata. Anong binabalak mo? Patuloy mo bang gagamitin ang kapangyarihan ng mga bantay? 'Wag mong sabihin na gagamitin mo din sila sa laban niyo?" nakangising mga tanong sa kanya ni Bourge na kinakunot ng noo ni Jana.

"Anong ibig mong sabihin na laban?" naguguluhang tanong niya na mas lalong kinangisi ni Bourge.

"Hindi parin ako makapaniwala na inagaw mo ang kapangyarihan ng batang yon. Sabihin mo, ginamit mo ba ang kahilingan para makuha ang kapangyarihan niya?" balik na tanong ni Bourge at hindi sinagot ang tanong ni Jana.

Mas lalong naguluhan si Jana sa sinabi niya. Hindi niya alam ang tinutukoy nito.

"Anong kahilingan? Bakit ko naman aagawin ang kapangyarihan ng iba? Wala akong kakayahan na umagaw ng kapangyarihan at kung meron man ay hindi ko gagawin ang bagay na yan." seryosong mga tanong at sabi niya na tinawanan ni Bourge kaya nakaramdam ng inis sa kanya si Jana.

"May kakayahan kang ganyan bata at nagawa mo ng umagaw ng kapangyarihan." naiiling na sabi ni Bourge habang nakakrus ang mga kamay niya. Binigyan niya ng tingin si Jana na parang hindi siya makapaniwala sa kanya.

"Hindi ko alam ang mga sinasabi mo. Wala akong natatandaan na ginawa ko yan. Hindi pa ako nawawala sa sarili ko para gawin yang tinutukoy mo at uulitin ko..wala akong kakayahan na umagaw ng kapangyarihan ng iba." laban ni Jana habang masama na ang tingin niya kay Bourge na patuloy paring tumatawa.

"Bilib na ako sayo bata. Mukhang binura ng lalaking yon ang memorya mo." hindi makapaniwalang sabi ni Bourge at umalis siya sa pakakasandal pagkatapos ay lumapit kay Jana.

"Hindi man lang kayo naawa sa sitwasyon ng batang yon. Dahil sa hiling mo ay naghihirap siya ngayon." bulong ni Bourge sa kanya bago nilagpasan si Jana at umalis palayo.

Agad siyang sinundan ng tingin ni Jana.
"S-sino ang taong tinutukoy mo?" habol na tanong niya kay Bourge kaya napatigil siya sa paglalakad.

"Kailangan ko bang sagutin yan?" balik na tanong niya habang hindi humaharap kay Jana. Nanatili lang siyang nakatalikod sa kanya.

Hindi sumagot si Jana at hindi din umalis sa kinatatayuan niya tulad ni Bourge.

"Wag mo ng alamin. Matatandaan mo din naman ang lahat kapag dumating na ang tamang oras." sabi ni Bourge sa kanya at binaling na ang tingin niya kay Jana.

"May magagawa ka pa naman ngayong hindi mo pa naaalala ang ginawa mo." nakangisi niyang tuloy.

Diretsong lang na nakatingin sa kanya si Jana habang nakikinig sa mga bininitawan niya.

"Yon ay ang makuha ang loob niya para kapag nalaman na niya ang totoo na ikaw ang umagaw sa kapangyarihan niya ay maaaring mabawasan ang galit niya sayo." huling sabi niya bago tuluyang umalis.

Naiwan namang nakatayo si Jana at patuloy na pinapasok sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Bourge.

Hindi niya alam kung bakit ang lakas ng epekto ng bawat binibitawan ng lalaki sa kanya. Kahit wala siyang matandaan sa sinisisi sa kanya ni Bourge ay nakaramdam siya ng pagsisisi.

"Ginawa ko ba talaga ang bagay na yon?" tulalang tanong niya at tuluyang tumulo ang mga luha niya dahil sa bigat na nararamdaman.

"Bakit nararamdaman ko 'to? Bakit parang may ginawa nga ako malaking kasalanan?" 

Napakapa siya sa kanyang dibdib nang bigla itong sumakit pagkatapos ay nahirapan siya sa paghinga.

Bumigat lalo ang nararamdaman niya at hinahabol na niya ang hininga niya.

"Aljana!"

Bago siya tuluyang bumagsak ay agad na may sumalo sa kanyang mga braso.

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon