Ang Lihim (2 of 5)
T H I R D P E R S O N P O V
"Prince?!"
Agad na napatakip sa bibig si Aljana at yumuko para bigyan ng galang ang taong nasa harapan niya.
"P-Paumanhin sa kabatusan na aking nagawa. Hindi ko alam na kayo ay narito." nakayukong sabi niya at tumibok ng mabilis ang puso niya dahil sa kaba.
"I-angat mo ang iyong ulo." seryosong utos sa kanya ng Prinsipe na agad naman niyang sinunod.
Hindi niya makita ang mukha ng Prinsipe dahil natatakpan ng itim na tela ang ibabang mukha niya. Senyales na isa ngang maharlika ang kaharap niya ngayon.
"Hindi ko alam kung bakit ka humingi ng tawad ngunit nakakasiguro ako na wala kang ginawang masama." sabi niya at napatingin naman sa kanya ng diretso si Aljana.
"Humihingi ako ng tawad sa biglang pagpunta ko dito nang hindi kayo napansin na nandito at hindi humingi ng permiso sa inyo." sabi niya habang pilit parin na nilalabanan ang kaba niya.
"Hindi ko pagmamay-ari ang ilog na ito para humingi ka ng permiso saakin at nauna kang dumating dito kaysa saakin kaya hindi mo kailangang humingi ng tawad." sabi naman ng Prinsipe sa kanya.
"Ako'y napadaan lang dito at kailangan ko ng umalis." tuloy pa niya at hinawakan ng mahigpit ang tali ng kabayo.
Nataranta naman si Aljana sa sinabi niya at agad na yumuko.
"S-Sige po. Maraming salamat sa pagtulong, mahal na Prinsipe." sabi niya sa kanya habang nakayuko parin.
"Walang anuman. Ako'y aalis na.."
Narinig niyang umungol ang kabayo hanggang sa tumakbo na ito palayo kaya umangat na siya ng tingin.
Nabigla pa siya nang mahuling nakatingin sa kanya ang Prinsipe habang pinapatakbo nito ang sakay niyang kabayo.
"Check your nose, Miss!" natatawang sabi ng Prinsipe pagkatapos ay tinuon na niya ang tingin sa kanyang harapan at pinatakbo ng mabilis ang sakay niyang kabayo.
Nanatiling nakatingin si Aljana sa direksyon niya hanggang sa tuluyan ng nawala sa paningin niya ang Prinsipe.
"Ano daw? Ic-check ko ang ilong ko?" kunot-noong tanong niya at napahawak sa ilong niya.
Nanlaki ang mga mata niya nang malagyan ng itim na marka ang kamay niya. Agad siyang lumapit sa ilog at tiningnan ang repleksyon sa tubig.
Napangiwi siya nang makita ang marka ng itim sa ilong niya dahil sa uling kanina.
"Nakakahiya!"
A L J A N A ' S P O V
Tahimik akong napapapunas ng mga luhang tumutulo galing saaking mga mata habang pinagdadasal ang buhay ng manok na ngayon ay wala ng mga balahibo at ulo. Ang maypaka dilaw nitong balat ay dahan-dahang pumupula at may mga itim na din sa ibang parte nito.
"Rest in peace, Chicken... Ipagdadasal ko sa susunod mong buhay na hindi mo na mararanasan ang nangyari sayo ngayon.." naiiyak kong sabi at suminghot.
"MAE! ILAYO MO SABI SI JANA DITO!" malakas na sabi ni Angie kay Mae na tinawanan lang niya.
"Haha. Hayaan muna Angie. Hindi yan titigil sa pagluluksa hanggang sa hindi natin nauubos yan" natatawang sabi ni Mae.
Sinamaan ko siya ng tingin na mas lalo lang niyang tinawanan.
"Hindi ba kayo naaawa sa kanya? Kinuha niyo ang buhay niya sa kanya dahil sa kagustuhan niyong kainin siya. Hindi ba niyo alam kung gaano kahalaga ang buhay para lang kunin ito? Pinaghirapan niyang mabuhay sa mundong ito nang hindi umaasa sa iba. Hirap na hirap siya sa paghahanap ng makakain niya para lang mabuhay ngunit ganon lang kadali sa inyo na patayin siya! Wala ba kayong mga awa?" galit na mga tanong at sabi ko sa kanila.
Sinamaan ako ng tingin ni Angie habang si Mae ay patuloy lang sa pagtawa.
Akala ba niya ay nagbibiro ako dito para pagtawanan niya ako?
Problema sa kanila ay hindi nila maintindihan ang nararamdaman ng mga hayop. Kahit anong gawin at sabihin ko sa kanila tungkol sa mga hayop na kinakain nila ay hindi nila ito pinapansin. Labas lang sa kabilang tainga nila ang mga payo ko na tigilan na nila ang kakakain sa mga hayop dahil tulad din namin silang may buhay! May feelings din sila at pamilya kaya hindi magandang gawain na ninanakaw ang buhay nila dahil lang sa kakainin sila.
"Alam mo Aljana. Nabubuhay sila sa mundong ito para kainin natin sila. Naiintindihan namin ang pinaparating mo. Alam naming nakakaramdam din sila ngunit magkakaiba ng papel ang mga nilalang sa mundong ito. Nandito sila sa mundong ito para kainin natin, kaya tigilan mo na ang pagluluksa sa tuwing nakakakita ka ng nilulutong mga hayop okay?" mahabang sabi saakin ni Angie sabay tinusok ang kutsara sa iniihaw niyang manok.
"No!" malakas kong pigil sa kanya.
"Ano ba Jana! Umupo ka nalang don sa tabi ni Mae!" reklamo niya.
"Ngunit-"
"No buts." seryosong sabi niya kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya at tumabi kay Mae.
"Hayaan mo na siya, Jana. Sabay nating ipagdadasal ang kaluluwa ng manok.." natatawang sabi ni Mae at hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil makikiramay siya o maiinis dahil sa pagtawa niya.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga at kinagat ang mansanas na nasa basket.
+++
"Ang sarap talaga!" nakangiting sabi ni Angie habang nakahawak siya sa kanyang tiyan.
"Ang ganda talagang kumain dito.." sabi naman ni Mae habang nginunguya niya ang huling ulam na nasa plato niya.
Nakasimangot akong napatingin sa kanila pagkatapos ay kinagat ang repolyo na sinawsaw ko sa sauce.
"Subukan mo kasing kumain ng iba Jana. Ako ang naaawa sayo. Puro gulay at prutas nalang ang kinakain mo." baling saakin ni Angie. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa kinakain ko.
"Hayaan muna. Magluluksa lang yan kapag pinilit mo pa" natatawang sabi ni Mae.
Tss. Problema talaga sa kanila ay hindi nila maintindihan ang nararamdaman ng mga hayop. Hindi nila alam kung gaano kahirap kumain ng mga hayop sa sitwasyon kung ito.
Kung nakakaintindi lang sila ng mga lenggwahe nila ay hindi ko alam kung kakain pa ba sila ng mga kinakain nila.
Sinubo ko na ang huling kinakain ko pagkatapos ay uminom ng tubig.
"Umuwi na tayo!"
~~~
Sorry po sa mga grammatical errors at typos.
BINABASA MO ANG
Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)
FantasíaBook 1 of Dragon's World. [I do not own the photos I used in the cover. Credits to the rightful owner.] © All Rights Reserved 2016