Sa paaralan, lahat ng mga estudyante at ng mga guro ay nagkagulo dahil sa pagdating ng puting prinsesa.
Inanunsyo na ng Hari ang totoong nangyari sa puting prinsesa kaya kalat na ito sa buong Jaysies. Ganon pa man ay hindi parin nila pinakilala ang puting prinsesa sa publiko. Tanging sa paaralan lamang dahil kailangan niyang pumasok. Kahit na tinuruan siya ng puting dragon sa mahahalagang bagay na kailangang matutunan ng isang Jays ay hindi parin ito sapat dahil siya ang puting prinsesa kaya marami pa siyang kailangang matutunan lalo na sa kanyang kapangyarihan.
Pagsapit ng dapit hapon ay naghanda na ang mga estudyante para pumasok. Bumalik na sila sa klase kahit na hindi parin nahahanap ang mga taong nagnakaw ng mga papeles. Ang mahalaga ay nasa kanila na ang puting prinsesa at ang kailangan lang nilang gawin ay protektahan siya sa kabilang panig.
Maraming nakakalat na mga royal knight at ibang mga knight sa paaralan kaya hindi mapigilan na manibago ng mga estudyante. Hindi sila sanay na makakita ng ganitong karaming mga knight.
Napapabuntong naglalakad si Aljana papunta sa kanyang classroom. Naninibago din siya sa sitwasyon ngayon ng kanilang paaralan. Naiilang siya sa mga knight na nakakasalubong niya at sa mga nagraramihang boses na naririnig niya sa daan. Kahit na hindi siya ang pinag-uusapan ng mga ito ay naiilang siya na hindi din niya maintindihan kung bakit.
Pagdating niya sa kanyang classroom ay napahinga siya ng maluwag nang madatnan niyang tahimik ang mga estudyante dahil abala silang lahat sa kanilang mga kuwaderno. Ngayon ang pagsusulit nila kaya nagr-review sila.
"O, Jana. Hindi mo ba kasama sina Anne at Mae?" tanong ni Drek sa kanya pagka-upo niya sa kanyang silya.
"Pinatawag sila ng punong guro. Dadating din sila mamaya." sagot niya at pinagpatuloy niya ang binabasa niyang libro kanina.
May tatlumpong minuto pa silang natitira bago magsimula ang exam nila kaya nakapokus silang lahat sa kanilang mga kuwaderno.
"Hey.."
Napatigil sa pagbabasa si Jana nang maramdaman niyang may dumamping labi sa kanyang pisngi.
"Russell."
Ngumiti sa kanya si Russell at umupo sa tabi niya pagkatapos ay inakbayan siya.
Pinagmasdan naman siya ni Jana at napakunot siya ng noo nang mapansin niya ang itim na marka sa ibabang mga mata ni Russell. "Hindi ka ba natulog?" tanong niya.
Napakamot sa ulo si Russell at muling ngumiti kay Jana. "Y-yeah.."
"Bakit? Anong ginawa mo? Malabong nag-aral ka magdamag kaya puyat ka."
Sinundot ni Russell ang ilong ni Jana pagkatapos ay kinurot niya ang magkabilang pisngi niya kaya napasimangot si Jana.
"Tss. Pinanggigilan mo talaga ako." kunwaring inis na sabi ni Jana na kinatawa ng mahina ni Russell.
Hinalikan niya muli sa pisngi si Jana kaya namula na naman siya.
"May ginawa ako kaya hindi ako nakatulog."
"Ano naman ang ginawa mo kaya hindi ka nakatulog?"
"Mission."
Hindi na nagtanong si Jana sa kanya at bumalik sa pagbabasa. Alam niyang hindi pwedeng sabihin ni Russell ang mission niya kaya hindi na niya inalam kung ano 'to.
Makalipas ang sampung minuto ay dumating na ang lahat ng mga estudyante kaya nagsimula na din ang exam nila.
Lahat sila ay seryosong sinasagutan ang kanilang mga test paper. Walang gumagawa ng ingay sa kanila. Nakapokus silang lahat sa pagsagot hanggang sa natapos nila ang unang exam nila.
"Ayaw ko ng mag-aral." naiiyak na sabi ni Ben pagkalabas ng guro nila.
May sampung minuto pa sila bago magsimula ang sunod nilang pagsusulit kaya nabigyan sila ng pagkakataon na mag-usap.
"Sampu lang ang hindi ko nasagot. Masyadong mahirap ang ibang mga tanong." sabi naman ni Mae kaya nabaling ang tingin sa kanya ng mga kaibigan niya.
"Buti ka pa. Ako nga hindi ko mabilang ang mga nasagutan ko. Hindi pa ako sigurado kung tama lahat." napapabuntong hiningang sabi ni Lexie.
"Me too."
"Haysst!"
Nabaling naman ang tingin nilang lahat kay Jana na tahimik na nagbabasa sa kanyang kuwaderno. "Jana, ilan ang hindi mo nasagutan?" tanong ni Mae.
"I'm not sure. Hindi ko alam kung tama lahat ng mga sinagot ko." sagot niya.
Pinat siya sa ulo ni Lexie sabay ngumiti. "Panigurado tama lahat. Ikaw lang ang nag-aaral saamin ng mabuti dito."
Ngumiti din si Jana sa kanya.
"Hindi naman. Si Mae din.""May tanong ako." singit ni Ben kaya sa kanya naman natuon ang tingin nila.
"Wala ba kayong napansin sa puting prinsesa?" mahinang tanong niya at kinuha ang silya pagkatapos ay umupo siya sa harapan nila.
"Anong meron kay Ate?" takang tanong naman ni Lexie.
Umubo ng dalawang ulit si Ben pagkatapos ay nilapit niya ang ulo nila sa kanya.
"Hindi ko alam kung napansin niyo pero palaging mainit ang ulo niya saakin. Ni hindi nga niya ako pinapansin. Sa tuwing kinakausap ko naman siya, hindi siya nagsasalita. Alam niyo hindi talaga siya mahiyain. Napakasadista niya dahil palagi niya din akong binabangga." diretsong sabi niya at pinalo naman siya sa braso ni Lexie kaya napadaing siya at lumayo sa kanila.
"Ate mo siya Ben. 'Wag mo siyang pagsalitaan ng ganyan. Hindi siya nagsasalita sa tuwing kinakausap mo siya dahil wala ka din namang masabi. Palaging tikom yang bibig mo sa tuwing nasa harapan mo siya at sabing hindi siya sadista! Nagkataon lang na nagkakabanggaan kayo dahil hindi mo alam kung saan ka dadaan kapag malapit siya sayo tss." inis na sabi ni Lexie.
Napanguso si Ben sa sinabi niya at hindi na niya siya kinontra.
Tinapik naman siya sa balikat ni Drek ng dalawang ulit. "Ayos lang yan Ben. Nandito parin kami."
Nawala ang nguso ni Ben at akmang yayakapin si Drek nang mabilis siyang umiwas.
"Uwahh masyado niyo talaga akong mahal.."
BINABASA MO ANG
Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)
FantasyBook 1 of Dragon's World. [I do not own the photos I used in the cover. Credits to the rightful owner.] © All Rights Reserved 2016