Chapter 29

43.6K 1.3K 32
                                    


Mabilis akong lumabas ng room nang makita kong tumayo si Russell sabay binaling ang tingin niya saakin.

"Jana, Wait!" malakas na sabi saakin ni Mae kaya huminto ako sa paglakad.

"Bakit ka nagmamadali? Hindi mo kami hinintay." tampong sabi ni Ate Lexie saakin na nakasunod din kay Mae.

Tipid naman akong ngumiti sa kanila. "Sorry. Nagugutom na kasi ako," dahilan ko at napatango sila saakin. Kahit ang totoo ay hindi naman talaga ako nagugutom.

"Tara na. Nagugutom na din ako," yaya ni Angie na nakalapit na din saamin kasama si Joy.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa canteen at pagdating namin ay agad na bumili sina Ate Lexie at Joy ng mga pagkain namin tulad ng kanilang ginagawa kapag pumupunta kami dito.

Naghanap naman kami nina Mae at Angie ng mauupuan. 

"Yung totoo Jana.."

Nabaling ang tingin ko kay Angie nang kausapin niya ako. Nakaupo siya sa tapat ko habang si Mae ay nasa bandang kaliwang tabi ko.

Napalunok ako ng laway nang makita ang seryoso niyang mukha. Mapati si Mae ay nararamdaman ko ang kaseryosohan niya kahit na hindi ko ibaling ang tingin ko sa kanya.

"Iniiwasan mo ba si Russell?" tanong ni Angie at dahil dito ay tuluyan akong natigilan.

"Papasok na sila!"

"Andyan na sina Prince Russell!"

Nabaling ang tingin ko sa malaking pintuan ng canteen nang marinig ang bulungan ng mga estudyante.

Muling nagwala ang puso ko nang makita ko siyang seryosong pumasok habang nakapamulsa. Nakaakbay sa kanyang kanang si Ben at nakasunod sa kanila sina Zen, Drek at Eross.

Napaiwas agad ako ng tingin nang ibaling nila ang tingin saamin. "Nandon sila!" dinig kong sabi ni Ben at wala pa sa limang segundo ay nakalapit na sila saamin.

"Iniwan niyo kami." tampong sabi ni Ben na nasa likuran ko.

Napansin kong tiningnan ako nina Mae at Angie kaya napayuko ako at pinaglaruan ang mga kamay ko.

"Sorry, nagugutom na kasi kami." dahilan ni Angie kay Ben.

"Umupo na nga kayo. Ang gulo niyong tingnan," dinig kong sabi ni Joy na dumating na galing sa counter.

Agad namang umupo ang mga lalaki sa mga bakanteng upuan. Tamang tama lang ang pinili naming lamesa para magkasya kaming lahat. Palagi kaming magkakasabay na kumain kaya nasanay na kaming mahabang lamesa ang pinipili namin.

Tatlong buwan ko na silang nakakasama dito sa paaralan kaya nasanay na ako sa kanila. Mas lalo ko silang nakilala at hindi na din ako naiilang sa kanilang mga lalaki maliban lang sa isa.

Inangat ko ang tingin ko at natigilan ako nang magtama na naman ang mga mata namin. Mas lalong lumalim ang kaseryosohan ng mga mata niya kumpara dati. Hindi ko na nakitang nag-iba ang emosyon niya at hindi ko na din siya narinig na kumibo.

Ayaw kong mag assume na may kinalaman ang pag-iwas ko sa kanya kaya siya nagkaganito.

Dalawang buwan ko na siyang iniiwasan. Habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya kaya umiwas ako. Kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko dahil masasaktan lang ako lalo.

"Jana," tawag saakin ni Drek pagkatapos ay tumabi siya sa kanan ko.

"Drek," balik na tawag ko sa kanya.

"Salamat nga pala sa binigay mo. Gumana ito saakin." nakangiting sabi niya.

Minsan ng nabanggit saakin ng iba na hindi siya nakakatulog ng maayos kaya binigyan ko siya ng gamot na makakatulong sa kanya.

"Talaga? Mabuti naman. Nakakatulog kana ng maayos?" tanong ko sa kanya.

"Yeah. Salamat talaga."

"No problem."

+++

Napapahikab akong naglalakad papunta sa hardin dito sa paaralan. May tatlumpong minuto pa akong natitira para magpahangin bago magsimula ang klase namin.

Hindi ko kasama ang iba dahil hindi sila sumama saakin. Tinamaan na naman sila ng katamaran.

Agad akong umupo sa damuhan pagdating ko at pinakiramdaman ang hangin.

"Dyosa.."

Napangiti ako nang magsilabasan na sila at lumapit saakin. "Kumusta kayo?"

"Ayos naman Dyosa." sagot saakin ng kuneho at binuhat ko siya papunta sa lap ko.

"Dyosa, malungkot na naman po ba kayo?" tanong saakin ng itim na pusa na nakaupo sa harapan ko kasama ang mga kaibigan niya.

Ngumiti ako sa kanila at binaling ang tingin sa kalangitan. Malapit ng dumilim kaya isa-isa na ding nabubuksan ang mga ilaw sa paligid.

"'Wag ka na pong malungkot. Kakantahan ka ni Birdy!" malakas na sabi saakin ng kunehong nakaupo saakin.

Nabaling naman ang tingin namin sa ibon na nanatiling lumilipad sa takot na galawin siya ng mga pusa. Naalala ko tuloy sina Leon at Wofy. Lahi na nilang hindi magkasundo ang ilan sa kanila. Parang ang mga tao din.

Wala kaming pinagkaiba sa kanila.

"Sige nga birdy kumanta ka." sabi ko sa ibon at senenyasan siyang lumapit saakin na sinunod naman niya. Umupo siya sa kanang balikat ko.

Kahit na hindi ako nakatingin sa kanya ay naramdaman kong naghanda siya para kumanta.

"May kaibigan! May kaibigan akong palaka! Nangangain ng tutubi!" simula niya at natigilan ako nang mapansin na pamilyar ang kinakanta niya.

Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang tawa ko habang kumakanta siya.

"May kulangot, kulangot! Mabaho, mabaho siya!" pasigaw na kanta niya at hindi na nakayanan ng mga pusa na magreklamo sa kanta niya. Pinandilatan ko naman sila ng mga mata at nagsenyales na hayaan ang ibon sa pagkanta.

"Tapos na po." sabi niya pagkatapos niyang kumanta kaya napapalakpak naman ako na ginaya din ng mga kasama namin kahit na napilitan lang ang iba.

"Ang galing mo, Birdy" sabi ko sa kanya at marahan siyang hinimas sa ulo na nagustuhan naman niya dahil napapikit pa siya.

"Salamat, Dyosa. Hayaan mo kapag may bago akong matutunan na kanta ay agad kong ipaparinig sayo para hindi na po kayo malungkot." sabi niya na kinangiti ko.

"Salamat at hayaan niyo din, kapag maayos na ang nararamdaman ko ay kukuwentuhan ko kayo tulad ng ginagawa ko sa mga kaibigan ko sa lugar namin." sabi ko sa kanila na kinatuwa naman nila.

"Sige. Babalik na ako. Malapit ng magsimula ang klase ko." paalam ko sa kanila at binaba ang kunehong nakaupo saakin pagkatapos ay tumayo na.

Pagtalikod ko sa kanila ay nabigla ako nang makita si Russell na nakatingin sa direksyon ko habang nakatayo siya sa gilid ng isang puno na may kalapitan saamin.

"R-Russell.."

Dragon's World : The White Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon