3

213 14 7
                                        

[Rose]

"Hmmm?" Bakit ang bigat ng pakiramdam ko? Yung feeling na para bang may nakadagan saakin na mabigat na bagay.

Nahirapan pa akong dumilat kasi nga inaatok pa ako. Pero dahil hindi ako makahinga dahil sa mabigat na nakadagan saakin, napilitan ako.

"Mae!!" Yung buong legs niya nakadagan sa tiyan ko kaya di ako makahinga ng bongga. Ibang klase din matulog to e. Parehong-pareho sila ni Papa.

"Hmmm?" Humikab pa siya bago tumayo. She rubbed her eyes at tumingin saakin, yung kaliwang mata niya nakapikit pa.

Natauhan kami ng bilang sumulpot si Papa at agad binuksan ang pinto.

"Mae! Akala ko nawawala ka! How come na nandito ka sa kwarto ni Rose?" Kitang-kita mong nag-aalala si Papa, napaka over protective talaga. Hindi sumasagot si Mae kasi galing lang talaga siya sa pagkakatulog, yung tipong ginising ka bigla tapos ang sarap ng tulog mo.

"Well, sleepy heads, baba na. Kakain na tayo, aalis kami agad kasi may taping pa kami." Tumayo ako at nag-unat lumabas na si Papa ng kwarto. Aktong papasok si Mae sa banyo ko per hinarangan ko siya sa may pinto.

Nakapikit pa din yung isang mata niya. Tinulak ko siya palabas ng kwarto ko "Doon ka na sa banyo mo Mae." Narinig kong humikab lang siya.

Natatawa ako sakanya. Ibang klase tong katabi ko. Sana kapag nag-asawa to parehas silang antukin ng malaman niya kung sino ang katapat niya.

Naghilamos ako at nagsipilyo. Nagbihis at bumaba para kumain ng breakfast. Wala pa si Mae sa baba kaya naupo muna ako sa Sala.

Si Aling Ditay naman inaasikaso yung pagkain namin katulong ni Mama.

Si Mama nakasuot na ng pang-alis dahil aalis nga pala sila ni Papa agad.

"Baby, upo na dito. Antayin na lang natin si Mae." Di din nagtagal bumaba na din si Mae. Ibang-iba talaga itsura niya kapag maayos at kapag bagong gising hahaha

"Bakit?" Ay, tumawa ba ako? Akala ko sa isip ko lang yon.

"Wala wala." Tahimik kaming kumain ng almusal, di din nagtagal natapos din kami.

Nagmamadali na si Mama't Papa na umalis kaya binilin nila kami kay Aling Ditay at Mang Seb.

Si Mang Seb ang guard ng bahay namin. Nasa looban siya kaya di halata na may guard talaga tong bahay namin.

Nakaalis na sila Mama't Papa. Bubuksan ko na sana yung TV ng bigla akong pigilan ni Mae.

"Oh, bakit?"

"Tara. Magbihis na tayo." Hinila niya ako papuntang taas. "Ba-bakit? Alah. Hindi alam to nila Mama"

"Nagpaalam naman ako kay Aling Ditay e. Hindi naman tayo lalayo." Pinasok niya ako sa kwarto ko at pinagbihis niya ako.

Ano nanamang pinaplano ni Mae?

[Sofia]

"So, tayo nanaman mag-aantay dito?" Nasa starbucks kasi kami, napag-isipan namin ay este nila pala na pag-usapan yung tungkol sa BTS. Masyado na silang focus sa boy group na yon.

Kung sa bagay, ang gwapo kasi talaga nila e. Lalo na yung Jungkook? Tsk. Kapag talaga ako nakapasa sa next semester. Ire-request ko kay Papa na gusto ko ma meet yang BTS na yan, or kahit si Jungkook na lang. Haha

"Maka-'tayo nanaman' baka ako nanaman. Nung last time kaya na lumabas tayo, kami ni Rose ang nag-antay dito."  Bakit ba ang sungit netong kapatid ko? Mana talaga siya kay Mama.

Ganyan daw ka-sungit si Mama nung mga panahon na sinusuyo pa siya ni Papa e. Para daw PMS si Mama araw-araw.

"Okay fine." Wala na akong maibato sakanya haha, nauubusan talaga ako ng bala.

After a couple of minutes dumating din sila Mae.

"Sa wakas." Sambit ni Nicole

"Dumating din sila!" Dagdag ko.

"Baliw, ang sabihin mo Sa wakas nakumpleto din tayo. Di mo ba namimiss? " tapos inirapan nanaman niya ako.

Aba matinde to. Kung nakakasugat lang tong mga irap ni Nicole, matagal na akong sugatan.

Naupo na sila Mae at Rose. Magsisimula na sila sa Meeting nila ng biglang mag-suggest si Rose "pwede order muna tayo?"

"Kakakain lang natin ah?" Tanong ni Mae

"Sige na umorder ka muna. Takaw mo e" sambit ni Nicole.

Nagsimula na silang mag-usap. Nakakagulat nga kasi nag-suggest si Mae na pumunta sa BigHit e. Dahil daw nabasa niya na may Upcoming Meet Up ang BTS sa BigHit mismo, mami-meet mo sila harap harapan.

"Seryoso ba yan?" Interrupt ko. "Tara." Dagdag ko pa.

Baka hindi ko na kailang pumasa sa next sem para makita si Jungkook.

Natatawa ako mga iniisip ko haha

"Wow? Interesado?" Tanong ni Mae.

"Tss. Bias niya yung Jungkook." Sambit ni Nicole.

"Ahh, basta ako kahit di pa ako sigurado, bias ko dun si Suga." Sagot ni Mae.

"Ako si Taehyung, naiinspire ako." Okay, dalawa lang talaga mood ni Nicole e, ang magtaray at ang magpantasya.

"Ako si Ji-jimin." Bakit ganun siya, kinakabahan siya sa pagsabi ng name ni Jimin?

Hinahagod ni Mae yung likod ni Rose for her to calm down.

"Okay lang yan. Maalala ka niya." Sambit ni Nicole.

"Sana nga." Sambit ni Rose.

Kagaya pala ni Nicole, kilala niya yung Jimin. So, sige sila na ang may kilalang sikat ngayon. Hays Jeon Jungkook, makikilala rin kita ng husto.

Bumalik kami sa pagpaplano, desperada na kasi talaga silang malaman kung ano ang mangyayare kung sakaling makita sila nung mga HS Batchmates nila. "Hindi ba ang panget kayo gagawa ng first move?" Tanong ko.

"Hindi ba ang tagal kung mag-aantay tayo? Wala namang ginagawa si Tadhana e. Nakatunganga lang tayo." Sagot ni Mae

"Wait lang, parang nung isang araw lang natin nalaman na may BTS ah. Matagal agad?"

"Matagal na para saamin ang almost half a decade na hindi namin sila nakita o nakausap man lang para maayos ang dapat maayos." Sagot ni Rose

"Saeng! Tikom mo na nga lang bibig mo. Sige ka, kapag hindi namin makausap at hindi kami magkakaayos, Walang Jeon Jungkook?" Banta ni Nicole sakin.

"Ang lakas ah? Pati si Jungkook dinamay pa! Sge na, mananahimik na" nag-pout ako at pinakealaman ko na lang ang cellphone ko.

Hinayaan ko na lang sila, hindi naman sa wala akong pakialam, sila lang talaga ang mas nakaalam sa siwatsyon nila ngayon. Ako na lang ang taga-suporta nila, sana lang maging maayos tong Planong to.

Asawa Ng Bangtan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon