[Ku Hye Sun]
"Salamat, Ara ah. Babawi ako sa'yo. Sainyo ni Seung Gi."
Nasa kabilang linya ngayon si Ara. Siya muna ang pinabantay ko kay Rose sa Ospital. Palitan sila ni Seung Gi dahil naka-leave naman silang pareho.
Galing ako sa Manager ko para magpa-leave din para naman mabantayan ko ng mabuti si Rose. Di ko din kasi kakayanin kung may masayang akong segundo sakanya.
Maski kay Mae, ayokong may mangyareng masama sakanya. Nasaktan nga ako ng saktan siya ni Jae hyun nung araw na nalaman naming naaksidente si Rose. Ayaw na ayaw kasi ni Jae hyun na napapahamak si Rose simula bata pa to.
Di ko alam pero nanghina ako ng malaman kong naaksidente siya. Halos di ko na siya makilala ng makita ko siya. Napakasakit para sa isang ina.
Nakarating na din ako sa bahay ni Manager. Sakto nasa labas siya kaya in-approach ko na lang din siya agad.
"What's wrong, Hye Sun?" Tanong ni Manager.
Inexplain ko sakanya yung nangyare kay Rose. Buti na lang pumayag din siya agad. Maliban kayla Seung Gi at Ara alam din naman ng directors and Managers namin ang tungkol kay Mae at Rose.
Siguro balang araw maipapakilala din namin sila. Hindi muna siguro ngayon.
"Salamat po."
Nag-drive na din ako pabalik sa Ospital. Nagulat ako kasi si Jae Hyun na ang bantay ni Rose.
I kiss his Cheeks. "Kamusta?" Lumapit ako kay Rose.
"As usual, ganon pa din." Hinagod niya yung buhok ni Rose. Mahal na mahal talaga niya tong bunso namin.
Naalala ko kasi nung pinagbubuntis ko pa lang si Rose, Akala namin lalaki na. Nag-pangalan nga siya agad. Pinangalanan niya itong Red.
Red, kasi parang bad boy daw at tigasin. Tsaka favorite color din niya.
Kaso, it turns out na babae. Kaya nalungkot siya bigla pero natuwa din dahil yung ineexpect niyang mukha nung baby boy dapat namin ay naging itsura naman ni Rose.
"She'll be fine. I can feel it." Sambit ko to cheer him up.
"Kakaalis lang ni Ara." Sambit niya at kumuha ng tubig na maiinom.
"Oo, nag-usap na kami. Tara, kain na tayo. Gisingin mo nga yang si Mae."
Lumapit naman siya kay Mae at tinapik to.
"Jagi, Si Mae!" Tinignan ko siya at nakita kong tumitirik yung mata ni Mae at nanginginig.
"Dalhin natin sa Emergency Room!" Sambit ko. Sht! Ano ng nangyayare sa mga anak ko? Onti na lang talaga bibigay na ako dahil sa kaba na nagsasama na. Pero dapat maging malakas ako para sakanilang dalawa.
"Doc!" Nagtatawag na kami. Buhat buhat ni Jae hyun si Mae pababa. Di ko alam pero iniwan ko si Rose mag-isa. Ang tanga kong Nanay. Bumalik din ako agad kasi alam kong magagalit si Jae hyun if ever nalaman niyang iniwan ko si Rose.
Ilang oras din ang nakalipas ng bumalik si Jae hyun. Pawis na pawis siya, I ran towards him and hugged him.
"Asaan si Mae? Kamusta siya?"
"Okay lang siya medyo pagod lang siya at maraming iniisip. Nasa Emergency room pa din siya. Ililipat siya sa Private Room pagkatapos, Ise-seperate na lang natin sila ni Rose dahil iba ang kondisyon ni Rose sakanya." Tumango ako.
"Naiiyak na ako dahil naghihirap na ang mga anak natin ngayon. Ano ba ang pagkukulang natin at nangyayare sakanila to?" Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Alam kong nahihirapan ka na. At alam kong hindi makatarungan ang lahat ng ito para sa pamilya natin, pero kailangan natin tanggapin lahat ng pagsubok. Hindi masaya kapag palagi na lang masaya. Minsan kailangan natin ng kahit katiting na problema para malaman kung hanggang saan ang kayang tahakin ng pamilyang ito. Wag ka mag-alala jagi. Onting tiis na lang matatapos din to." Sambit ko.
And then our lips touched. Hinalikan ko siya para malaman niyang kaming dalawa ang magkasama sa pagsubok na to.
I hope everything is back to normal.
[Yoongi]
"Asaan si Mae?"
"Di ba siya papasok?"
"Malala pa din ba lagay ni Rose?"
"May sasagot pa ba saakin dito?!"
Lintek na yan oh! Nagmumukha akong baliw kakatanong dito."What the fvcked!" Rinig kong sigaw ni Nicole sa kwarto nila.
Nagtakbuhan naman si Angela na galing sa Kusina at si Eliza na galing sa kwarto nila ni Mae.
"Anong nangyare?!"
"Si Mae! Na-ospital" sambit ni Nicole.
"Hephephep. Nasa ospital naman talaga si Mae. Like binabantayan naman talaga niya si Rose?" Singit ko.
"Yoo--" pinandilatan ko siya ng mata. "Suga, seryoso to. Tumirik daw ang mata ni Mae at nag-collapse. Kailangan namin siyang puntahan ngayon." Sambit ni Nicole.
Napanganga ako. Bakit nangyare sakanya to ngayon? Sht naman oh! Hindi ba siya kumakain? Ini-stress niya ba sarili niya? That Pabo Girl tss.
"Sasama ako." Sambit ko at nagusot na ng Cap at Shades.
Ako na nagdrive papunta sa Haesung.
Nandun yung Mama't Papa niya sa kwarto ni Rose samantalang yung kwarto naman ni Mae nasa harap lang ng kwarto ni Rose.
"Pwede ako muna? Dun muna kayo kay Rose." Pabor ko.
Tumango naman sila kaya pumasok na ako sa kwarto ni Mae.
Ang amo-amo ng mukha niya. Sana gumising na siya. Di ko ata kakayanin kung may mangyare sakanyang masama.
Habang tinititigan ko siya. Napunta ang tingin ko sa mga labi niya, May parte saakin na gusto ko siyang halikan.
Napunta sa mga mata niya yung tingin ko. Grabe! Ang lakad ng Charisma niya. Di ko alam pero onti onti ng lumalapit yung mukha ko sa mukha niya. Hinalikan ko siya sa Noo.
Hinalikan ko siya sa Pisnge. Feeling ko siya si Mayi, masyado silang maraming pagkakatulad.
Nabaling nanaman ang atensyon ko sa mga labi niya.
"Your so georgeus?" Sambit ko then I peck her lips.
That moment nagising siya. Nagising siya? Nagising siya!
She's like Snow White and I'm his prince charming.
BINABASA MO ANG
Asawa Ng Bangtan [COMPLETED]
Fanfiction"Every time I want to give up on him, there's always something inside telling me to just give it a time. " -Rose "My brain says get over him, he's not worth it. But my heart says don't give up now, It's just the beginning " -Nicole "Maybe one day, I...