13

144 13 3
                                    

[Nicole]

I dragged myself towards the sofa. Doon di pa din maalis sa isip ko yung nangyare kanina.

Flashback

"WHAAAT?!" Sigaw ko sa harap ng Principal. Pinatawag kasi niya kami ni Angela.

Si Angela Kim ang co-teacher ko dito sa Yonsei University. Kagaya ni Mae, this is really not my  position. Tinanggap ko lang din to for part-time. Inaantay ko pa kasi yung tawag ng kumpanyang inaplyan ko.

May malaking tsansa ang mga katulad namin ni Angela na nakapag-tapos sa kursong major in English sa mga malalaking kumpanya.

"Ayaw mo ba?"

"Saan naman, Sir?"

"BigHit Entertainment wants the both of you."

Napaupo ako sa upuan sa harap ng Table niya. Ganun lang ba kadali yun? Kukunin na lang kami basta-basta, tapos kapag 'Okay' na bibitawan na lang kami bigla.

"Sorry, I forgot. Kaya ganun yun kadali, dahil BigHit says nakapasa daw kayo sa Kumpanya nila. And I'm sad to say this, Your not working for the University anymore."  Na-enlighten ang mukha ko sa mga sinabi ng Principal saamin. Bakit kasi di niya sinabi agad, Tss.

Pinainit pa ang ulo ko.

"And May you Pack your things kasi magsisimula na kayo magtrabaho sakanila, bukas. Goodluck Teacher Song & Teacher Kim." Thumbs up na sabi ng Principal saamin.

End of Flashback

Nagulat ako kay Papa. Bigla bigla na lang siya susulpot. "Pa, Ikaw pala?" Umayos ako ng Upo at niyakap siya ng mahigpit.

"Pagod na Pagod ang Prinsesa ko ah?"

I giggled. Namimiss ko na maging bata. Namimiss ko na yung pagbuhat saakin ni Papa at isinasakay sa likod niya. Di pa din ako kumakalas sa pagkakayakap ko sakanya.

"Nae. Pero, I have good news, Pa."

Bumitaw siya sa yakap at tinignan ako.

"Wala na ako sa Yonsei. I've been transferred at BigHit kasi pasado ako!"
Kitang-kita sa mga mukha ni Papa yung pagkagulat at the same time ang pagkasaya.

Niyakap niya uli ako ng mahigpit at nagsisigaw na para tawagin si Mama.

"Wae? Ingay mo, hon."

"Si Nicole, magkakaroon na ng trabaho under BigHit Entertainment." Sambit ni Papa.

"That's Nice. Galing naman ng anak ko. I'm proud of you" then she hugged me.

Nag-group hug pa nga kami. Ang saya kaso, di kami kumpleto. Naputol lang ang lambingan namin ng bigla kaming tawagin ni Yaya na kakain na.

----

"So, When will you start?" Tanong ni Mama, habang nililigpit yung pinagkainan namin.

"Bukas na agad, Ma. Kaya nga madami akong inuwe na gamit."

Hinarap niya ako at hinagod ang buhok ko, " Sge na magpahinga ka na."

Nginitian ko siya at umakyat ako sa kwarto ko. Tinapon ko yung sarili ko sa malambot kong kama.

Aish, di pa naman ako inaantok. Ma-text nga si Sofia.

To: Sofia

Pst?

Sent!

Wala pang ilang minuto nag-reply na agad siya. Talaga bang hindi siya busy? Tss. Buti pa siya.

From: Sofia

Wut? Miss mo na ako agad? Haha

Lakas ng topak. Miss ko na daw, Utot niya!

To: Sofia

Daydreaming again, huh?

Mas mabilis pa talaga kay Flash mag-reply tong babaeng to.

From: Sofia

Na 'Ah. Hey, Stop using English Language. I'm nosebleeding. Shet! Tama na, bakit mo ba ako ti-next?

Busy-busyhan? -_-

To: Sofia

Magta-trabaho na ako bukas. Pasado ako sa BigHit.

Di ko alam pero pagka-send ko nun. May reply na agad siya.

From: Sofia

What?! BigHit?! As in BigHit Entertainment?! Nicole! Yan ang Mangement na nagha-handle sa Bangtan!

Sa puntong yun di na ako naka-reply. Naalala ko na lang kasi bigla yung tawag. One year ago, hays. Isang taon na ang nakalilipas pero di pa din nangyare uli yon.

Pero, tama nga si Sofia. Sa BigHit Under ang BTS. Pero, di na ako aasa na sila ang makakasalamuha ko araw-araw.

Malaki ang kumpanya kaya I'm sure, may iba pa kaming pagtutuunan ng pansin ni Angela.

|TIME SKIP|

"Teka, Nicole! Papasok na ba talaga tayo?"

Nasa tapat na kami ng BigHit. Napaka-aga nga namin dito e. "Ano ka ba! Syempre, Oo! Tara na!" Naghihilaan na kami dito.

"Teka, Di pa ako ready!"

"At, bakit?! As if naman may tinataguan ka dito." Sambit ko.

"Oo, meron." Bulong niya. "Si Jungkook, yung ex ko."

Tumawa ako ng malakas! Yung malakas na malakas! Para naman matauhan 'tong si Angela. Wala na akong pake kung marinig ako ng mga gwardya dito. Kung ano-ano ang pinagsasabi ni Angela, pinakain ba ni Tita Min Ah ng Almusal to bago kami pumunta dito?

"Tama na ilusyon, halika na." Hinila ko siya

Nagpupumiglas pa din siya. "Nics, di mo'ko gets e. Nics! Nics!" Papasok na sana kami ng biglang bumukas yung pinto causing' me to fall. Akala ko babagsak na ako sa lupa kaya pinikit ko yung mata ko pero wala akong naramdaman kahit na anong gaspang ng lupa.

"OMG! Nics?" Dinilat ko yung mata ko. Shet! Shet! Shet! Totoo ba to? Itinayo niya ako at pinagpagan ang likuran ko.

"O-okay na." Sambit ko.

"Kay tagal kitang inantay. Kailangan ko pa palang sumikat para mapansin mo." Nagpanting ang tenga ko at tinignan ko siya. Papalapit na siya saakin at feeling ko magtatama na di oras ang mga labi namin.

"A-anong s-s-sabi m-mo?"

Di niya ako sinagot but his lips are locked on mine.

What the hell are you doing, Kim Taehyung? Bakit sa harap pa ng grupo mo?

Asawa Ng Bangtan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon