[Mae]
Di ko maintindihan kung bakit ganun siya umakto kanina, tinawag niya ako. Hindi bilang 'Mae' kundi sa kung ano yung tawagan namin back then.
Gising siya kaya nalaman niya yung usapan namin ni Kookie.
Nag-leave ako ng isang buwan sa BigHit. Nakakahiya diba? Kabago-bago, wala pa nga akong ginagawa e. Kakainis!
Pero, para kay Rose. Kahit ano pa man ang i-give up ko. Igi-give up ko.
Pabalik ako ngayon sa ospital ng may nakasabay ako papasakay sa isang taxi.
"Ano ba?! Nauna ako e!" Sambit ko.
"Alam ko! Pero gusto ko, Ako ang mauna e! Pake mo ba?!"
Aba! Ang aga-aga di ko gusto ang tabas ng dila ng babaeng to.
"May sasabihin ka pa ba? Pwedeng mauna na ako?" Sambit ko.
"Di pa!" Hinatak niya ako.
"Close tayo?! Makahatak! Kilala mo ba ako?!"
Tinaasan niya ako ng kilay. Lumapit siya sa tenga ko at bumulong.
"Kilala kita. Anak ka ni Ku Hye Sun diba?" Tapos lumayo siya. Nakangisi na siya ngayon.
"Saan mo naman nakalap yang balitang yan?! Naniwala ka naman! Sino ka ba?"
Nakapamewang na siya ngayon.
"Dra. Riva Soo of Haesung Hospital. May itatanong ka pa ba? Mauna na ako! Mae Ahn." Sabay kindat.
Riva Soo? Who the hell are you, btch!
Di ko muna siya pinansin pero nakakapagpabigat ng damdamin dahil kilala niya ako hindi bilang ako. Kundi bilang anak nila Mama't Papa.
Lagoot ako! May Issue na between me and BTS, May nakakakilala na saakin, naaksidente pa si Rose.
Nag-para na lang ako ng ibang taxi at sumakay pabalik ng Haesung.
Pagdating ko sa Haesung nakita kong nagtatakbuhan yung mga Nurse.
Nasagap ng mata ko si Mama na umiiyak. Patakbo na siya paakyat ng Kwarto ni Rose.
"MA! MA! MA! ANONG MERON?!"
"Si Rose...." Di na natuloy ni Mama dahil nawalan agad siya ng malay. "MA! MA!"
"Doc! Si Mama." Sambit ko at dinala si mama sa Emergency Room. Iniwan ko muna siya saglit at umakyat ako sa Kwarto ni Rose.
"Mae! Ang Mama mo?" Tanong ni Papa. Makikita mo sa mga mata niya yung pag-aalala. "Na-nasa Emergency Room, Pa. Nahimatay siya."
"What?! Dito ka muna pupuntahan ko muna siya." Iniwan ako ni Papa at nagulat ako ng inilabas yung Hospital Bed ni Rose.
"Doc! Saan mo siya dadalhin?!"
"Kailangan namin siyang dalhin uli sa OR. Bumabagal ang tibok ng puso niya." Mabilisang sabi ni Dr. Seo.
Sumama ako sakanila pabalik ng OR.
Nasa labas lang ako pero, nakikita yung ginagawa nila. Tinignan nila yung mata ni Rose. At Ini-scan yung ulo niya. Mabilisang X-ray kumbaga.
Habang pinagmamasdan si Rose. Naiiyak ako, naiiyak ako dahil di ko akalain na aabot sa ganito.
Patuloy pa ding tumatakbo sa isip ko na...
Anytime pwede siyang kunin saamin ni Lord. Pwede siyang mawala saamin.
Hindi kasi talaga biro ang sitwasyon ni Rose. Pwede siyang bumitaw sa loob-looban niya kung sakaling di na talaga niya kaya. Pero, Ayoko. Ayokong mawala siya.
"Rose. Matapang ka diba? Matapang ka." Bulong ko.
Sa puntong yun, nakita ko uli si Riva. Papasok ng OR.
Kumunot yung noo ko. Siya ang mag-oopera kay Rose? Sht! Wala akong tiwala.
Pinalitan niya si Dr. Seo sa posisyon.
Lumabas si Dr. Seo, hinabol ko siya.
"Doc. Ano yon? Bakit iniwan mo yung kapatid ko dun?"
"Dra. Soo will take care of everything. Alam na niya ang gagawin niya. Maiwan na kita." Sambit niya at nabaling yung atensyon ko sa Bintana ng OR. Nakatingin siya saakin ngayon, lalo kumulo yung dugo ko ng ngisian niya ako.
Sarap basagin ng pinto ng OR at sugurin siya once na may hindi magandang nangyare sa kapatid ko.
I can't take any longer naupo na lang ako.
Ilang minuto din ang nakalipas lumabas ang bruhilda.
"I'm sorry." Sinampal ko siya.
"SORRY?!" sambit ko.
"Sorry pero ginawa ko na lahat! Lahat ng best ko! Doctor ako kaya alam ko ang ginagawa ko! Patay na ang kapatid mo! Tanggapin mo na yun!" Di ako nakasagot. Dumating si Papa
"Dra. Kamusta ang Anak ko?"
"I'm sorry. Mr Ahn. But Rose did not survive the operation."
Natulala si Papa. "Excuse me." Sambit niya at nginisian ako ng palihim.
Kahit nasa harap ko ngayon si Papa, hinila ko yung buhok niya.
"Nagdoctor ka pang gaga ka! Di ka din naman pala marunong magligtas ng buhay ng iba! Walanghiya ka! Mag-resign ka na!" Inawat ako ni Papa.
"Mae. Let go." Sambit ni Papa
"Wala akong magagawa. Sorry." Nagbow pa siya. At tumakbo paalis.
"Anak. Tama na." Humagulgol na ako. Hindi pwede to.
Kumalas ako sa pagkakayakap kay Papa. Tumakbo ako papasok sa OR kahit na bawal. Niyakap ko si Rose.
"Rose. Rose. Rose! Rose! Wag mo kaming iwan! Rose! Rose!" Sambit ko. Pero tama nga si Riva.
Wala na siya.Tinignan ko yung Lifeline niya. Diretso na. Iniwan niya ako, Iniwan niya kami.
"Saranghaeyo~ Saeng! Maging masaya ka sana." Bulong ko.
After 3 weeks.
"Anak! Mahal na Mahal ka namin ng Mama mo, ng Ate Tzuyu at Ate Mae mo. Sana Masaya ka na kung nasaan ka man. Tandaan mo, di ka mawawala sa puso't isip namin." Sambit ni Papa
Pagkatapos nun nagsalita na yung Pari. Nagsabi siya ng konting dasal bago pa man kami maghulog ng bulaklak.
"Mahal na Mahal ka namin." Bulong ni Ate.
"Pasensya na kung di man lang tayo nagsama. Mahal na Mahal ka ng Ate mo." Sambit ni Unnie at Niyakap ako. Humagulgol na din siya.
Tapos na ako magsalita dahil ako ang nauna bago si Mama. Nagulat ako ng may nagsalita pa.
"Rose, Hindi totoo to diba? Buhay ka kasi Mamahalin pa kita! Mamahalin pa kita, Rose! Hindi totoo to!" Nabaling ang atensyon namin kay... "Jimin?"
Minsan parang ang bilis ng mga pangyayare, noon kasama mo pa. Ngayon, Wala na.
Condolence sa Pamilyang 'Ahn' Rose will be happy now.
BINABASA MO ANG
Asawa Ng Bangtan [COMPLETED]
Fanfic"Every time I want to give up on him, there's always something inside telling me to just give it a time. " -Rose "My brain says get over him, he's not worth it. But my heart says don't give up now, It's just the beginning " -Nicole "Maybe one day, I...