[Rose Ahn]
"Jaden, paabot nung Pantasa. Nahulog ata sa ilalim ng lamesa mo."
"Ayoko nga."
"Edi wag! Ito tandaan mo di kita bibigyan ng advice pagdating sa panliligaw kay Rose."
"Edi wag! Alam ko namang, mahal na ako ni Rose e. Sagad hanggang buto, Rose."
"Letche ka! Buti na lang natauhan ako sa'yo. Buti na lang, di kita hinayaang ligawan ako. Hahahahaha" maasar ka please.
Napakunot ang noo niya.
"If that is the topic. I'll take it serious. Mahal talaga kita nun, Rose. Sagad hanggang buto din, pero, tanggap ko na hindi talaga ako, na si Mark talaga."
Yeah, yeah, yeah. Napasok nanaman sa usapan ang gwapo kong manliligaw.
"Kasi nga his the TUAN." Sambit ko, lakas ko talagang mang-asar.
"Tss, nalulong ka nanaman." Hinampas ko siya at ako na mismo ang kukuha ng pantasa sa ilalim ng lamesa niya. Letche talaga siya!
It's been a year simula ng ligawan ako ni Mark at hanggang ngayon, di ko pa din siya sinasagot kahit na alam ko sa sarili ko na may gusto na ako sakanya, na mahal ko na ata siya?
Napaka-komplikado kay magkaroon ng boyfriend na Idol. Well, nakaya nga ni Nicole e. Ako pa ba?
And yes, balak talaga akong ligawan ni Jaden. Kaso, humindi ako kasi he's just a brother for me. Tapos! And besides di ko kakayanin na mayroon akong boyfriend na kamukha ng isang Park Jimin. Jusmeyo~
Oo, kamukha siya ni Jimin ng BTS which is Bias ko. He's my ultimate crush, akala ko nga di na ako magkaka-boyfriend dahil sakanya lang nakatuon ang atensyon ko. He means something special saakin e? Di ko alam.
Madalas siya dito sa Taemin. Close sila ni Jaden kaya may ugnayan kami ng Bias ko. Shocks! Lakas maka-teenager.
Parang ang sarap isulat sa wattpad. "Ugnayan namin ni Bias" ang title. Siguro sisikat kasi maraming Kpoppers na ganun ang gustong mangyare sakanila ng bias nila. Pero, sorry sila. Nangyayare saakin yun, with BTS' Park Jimin pa.
Tapos isusulat ko dun sa kwento na napaka-boyfriend material ni bias dahil lagi niya akong hinahatid. Nagtutugma naman kasi ang oras ng Off ko sa pagdadalaw niya. Every 1am kaya nahahatid niya ako dahil sa walang masyadong tao. Palagi pa ngang kontrabida si Jaden saaming dalawa e. Tsk, selos lang siya.
Pero malungkot din ang magiging ending ng Story dahil after 7 months na ganun, nawala si bias. Siguro naging busy na din sila. Yun yung sabi ni Nicole dahil may red carpet pa nga sila. Next year na kasi ang World Tour nila na-move na talaga ng bongga.
Doon ko nakilala si Mark, which is di naman ako familiar sa Got7. Nameet ko lang siya dahil isa sa mga pasyente ko is yung lola niya.
Anniversary ng panliligaw niya saakin ngayon. Parati ko ngang tinatanong sakanya kung nagsasawa na ba siya o pagod na siyang mag-antay pero ang lagi lang niyang sinasagot "I'm willing to take the risk for you, Rose Ahn." Paulit-ulit.
Para siyang alarm clock na kapag nagtatanong ako kung anong oras na sa umaga yun ang parating sagot.
Alam to nila Papa, Mama, Mae, Tito Seung Gi at Tita Ara. May tiwala naman daw sila kay Mark. Pero, sayang daw si Jimin? Di naman nanligaw si Jimin e. Madalas, ayaw pag-usapan ni Mae yun kapag si Jimin ang topic.
Palibhasa walang lovelife. Tumagal na nga si Suga at yung Mayi Kang ng isang taon di pa din siya nakahanap ng reserba. Ipagtulakan ko kaya to kay JB? yung ka-member ni Mark. Hahahahaha
BINABASA MO ANG
Asawa Ng Bangtan [COMPLETED]
Fanfiction"Every time I want to give up on him, there's always something inside telling me to just give it a time. " -Rose "My brain says get over him, he's not worth it. But my heart says don't give up now, It's just the beginning " -Nicole "Maybe one day, I...