19

145 9 0
                                    

[Jungkook]

"Saan ka galing?" Bungad saakin ni Bang PD-nim.

"Outside." Sambit ko.

"Di mo ba alam kung gaano ka-delikado sa labas, Jeon Jungkook?! Kahit na saplutan mo pa yang buong katawan mo para di ka ma-recognize. Walang epekto yan." Galit ba si PD-nim? Ayoko silang magalit pero, kung sasabihin ko yung dahilan kung bakit ako lumabas, baka di na nila ako payagan at baka di nila ako pagkatiwalaan.

Di lang naman kasi ako nakatimpi, gusto ko lang naman siya makita uli e. Kasi, alam ko namang matatagalan pa lalo kapag magkikita uli kami. Busy ako, and I'm sure magiging busy na din siya.

Marami akong alam dahil sa Ate niya... dahil kay Nicole.

flashback

"Di ka nga masusundo ni Papa at Mama, lalo naman ni Oppa. May gagawin sila. Umuwi ka na lang mag-isa."

Narinig ko si Noona Nicole may kausap ngayon, pupuntahan ko sana siya kasi may itatanong ako na hindi ko masyadong maintindihan.

Nakikinig lang ako from the back. Ayoko muna siyang istorbohin.

"Sofia Song naman! Makinig ka minsan, hindi naman sa lahat ng oras, makukuha mo ang gusto mo!"

Sofia? Song?

Naalala ko uli yung araw na may nakilala akong babae. Sa Anseu Bakeshop. Sofia Song? Yung babaeng nabiktima ko dahil nung araw na yun, nagliwaliw ako sa labas ng Dorm na hindi alam ng mga hyung's. Muntik na akong mapahamak dahil sa mga Fangirls pero nakita ko siya, kaya nakaisip agad ako ng plano.

Nung nakita ko siya parang naramdaman ko uli yung naramdaman ko nung unang Fan meeting, nung nakita ko yung babaeng nakapila kaso di man lang umabot saamin. Nabighani ako, yung tibok ng puso ko, ang bilis, di pwede to sa isang maknae, pero bakit naman hindi diba? Tao lang din naman ako, may karapatan din naman akong magka-gusto.

Asawa Ng Bangtan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon