7

149 10 4
                                    

[Mae]

"From now on, until sa susunod na linggo walang EXO o kahit na anumang KPOP Groups." Utos ni Mama at tuluyan ng umakyat sa kwarto nila.

Literal kaming nakanganga. Is this really happening? Narerealize ko lang na habang tumatanda kami, pabigat ng pabigat ang mga punishments na inaatas saamin.

Napaupo na lang kami sa Sofa. Nakakalungkot lang kahit na 1 week lang yon. Confiscated ang Laptops at Phones namin. The heck?

Lumapit saamin si Papa. "It's okay, babies. Alam ko namang alam niyo kung bakit ganun umakto ang Mama niyo, diba?" Nginitian ko na lang siya, si Rose di pa din natitinag.

"Good, then go upstairs and prepare your things." And pinat ni Papa yung ulo namin.

Oo nga pala, dahil walang Fangirling for 1 week, inilipat kami ni Mama ng kwarto. Doon kami matutulog  sa tabi ng kwarto ni Mang Ditay, may bakante kasi doon e, tinutulugan yun ng mga dating katulong ni Papa nung hindi pa sila ni Mama.

Umakyat na kami, inakay ko si Rose dahil mukhang di pa din siya satisfied sa mga desisyon na ginagawa ni Mama ngayon.

Alam ko deep inside, galit na siya at gusto na niyang lumaban pero dahil bunso siya at wala siyang karapatan kalabanin ang magulang namin, mas minabuti ng itikom na lang niya ang bibig niya at magpanggap na para bang walang nangyayare.

"Rose, Mae. Ito na ang gamit niyo." Inilabas ni Aling Ditay yung mga maleta namin.

At this point, feeling ko pinapalayas na kami. Huwag naman sana, sobra na ata yon. Mabuti na lang sana kung malaki na talaga ang kasalanan namin, for example, nabuntis kami ng bias namin.

Okay, stop this Mae! Wala nga mung fangirling from now on until the next sunday diba? Tsk.

Kinuha namin ni Rose yung maleta namin at nag-bow kay Aling Ditay na agad namang bumaba.

Pababa na sana kami ng biglang lumabas si Mama sa kwarto nila at ni-lock yung pintuan namin.

"Ngayon, isipin niyong mabuti yung ginawa niyong paglabag." Sambit nito at pumasok uli sa kwarto nila.

Nagkatinginan na lang kami ni Rose at napabuntong hininga na lamang.

Matindi talaga ang galit saamin ni Mama. Ay, mali.

Matindi ang pagtatampo niya.

Bumaba na kami, tinulungan pa nga kami ni Papa magbuhat ng ilang gamit papunta dun sa kwarto na tutuluyan namin.

Pagdating namin dun, agad naman kaming iniwan ni Papa dahil may meeting siya with the director.

Pumasok kami, medyo maliit nga siya at medyo madumi din. Pinasok na namin yung mga gamit at naupo ako sa ibabang bahagi ng kama. Double deck kasi to.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ni Rose. Makikita mo sa mukha niya na hindi pa din talaga siya satisfied sa desisyon na to.

Nilapitan ko siya at niyakap. "Okay lang yan Rose, 1 week lang naman."

Kumalas siya sa pagkakayakap saakin. "Bakit, ganon lang yon kadali sa'yo? Am I immature enough to understand?" Naluluha na siya.

Pinunasan ko yung luha niya. "Aish. Rose naman, baby ka ni Ahn Jae Hyun tapos iyakin ka? Tuluran mo kaya ako? Haha"

Buti na lang effective siya at natawa naman si Rose kahit papaano.

"Tara na, ligpitin na lang natin to." Kinuha namin yung maleta namin at nagligpit kami. Parusa to kaya, gaya ng sabi ni Mama. Bare with the Punishment.

[Sofia]

"Pa, Ayoko! Gusto ko dito lang" hindi ako bumitaw sa pagkakayakap kay Papa. Ise-send niya kasi kami sa bahay ni Tita Ji won.

Takot ko lang dun noh, ang sungit sungit kaya nun. Tss

"Bare with the Punishment, Sofia. Sumama ka sa Ate mo kaya kasama ka din sa parusa ko." Sambit ni Mama habang bitbit yung bag niya, ida-drive niya kami papunta sa bahay ni Tita Ji won.

Tinignan ko ng masama si Nicole, naka-earphones lang siya na para bang hindi siya ang pasimuno nito.

Tinignan niya ako with matching taas kilay pa. Inirapan ko siya, aba. Dinamay-damay niya ako dito, bakit hindi ako magagalit diba? Tss.

"Sakay na." Sambit ni Mama.

"Pakabait kayo dalawa kong prinsesa." Paalam ni Papa sabay halik sa noo namin. Niyakap naman kami ni Oppa Yunhyeong.

Pagkatapos nun sumakay na kami sa kotse papunta sa bahay ni Tita Ji won.

"Ipagkakatiwala ko kayo kay Ji won. Arraeso?"

"Ma, Bakit?! Aalis ba kayo?" Tanong ko.

"Tss. No, you silly. Parusa niyo nga to diba?"

"Why her, Ma?"

"At bakit, Sofia Song?! Umaangal ka?! Yan ngang si Nicole na siya mismo ang may kasalanan, hindi umaangal. Besides, Siya lang ang mapagkakatiwalaan ko." Explain ni Mama.

Bakit pa ba ako nagtatanong? Wala naman akong choice eh.

Palibahasa kasi close si Nicole at Tita Ji won. Ayoko dun kasi ang boring boring ng bahay niya, puro old songs ang meron. Walang Kpop. -_-

Nakarating din kami. Nasa labas na si Tita Ji won. Ready siya ah?
Niyakap kami ni Tita, Kumaway naman si Mama. "Ji won. Alam mo na ah? We talk about this earlier. :) "

"Of course. Haha, ready na ang kwarto nila."

Bago pa man nakaalis si Mama, kinapa niya yung buong katawan namin at kinuha ang cellphones and Ipads.

"No, cellphones or any gadgets."

At tuluyan na siyang umalis. Pinapasok na kami ni Tita Ji won at pinahatid sa kwarto namin.

Maganda pero, gaya nga ng sinabi ko boring tss.

"Bwiset! Paano natin mako-kontak sila Mae at Rose tungkol dito sa pinasok natin?" Pagdadabog ni Nicole.

"Kasalanan ko? Pati ba naman dito damay ako?" Sambit ko.

"Aba, huwag mong sabihin na di mo ginusto to?"

"Talagang hindi!" Sagot ko. "Oo, aaminin ko! Gusto kong makita si Jungkook! Pero, hindi agaran! Kayo kasi nagmamadali kayo!"

Aktong sasampalin niya ako pero natigilan siya. Dala na din ng temper niya. "Huwag mo'kong sisisihin, di mo alam ang sitwasyon ko!"

"Talagang hindi!" Sagot ko pabalik at nagdabog ako palabas papunta sa kusina.

Doon uminom ako ng tubig at pinakalma  ko ang sarili ko.

Di ko naman ginusto na sagut-sagutin si Nicole, kahit na isang taon lang ang pagitan ng edad namin, Ate ko pa din siya. Pero sht lang! Nadala kasi ako ng galit ko. Ayoko lang talaga na nahihiwalay kela Mama't Papa.

Inisip ko uli yung sinabi ni Mama. "Just bare with this punishment."

Asawa Ng Bangtan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon