12

156 9 0
                                    

[Rose]

"Don't tell me, nagkita kayo ni Jungkook?!" Sigaw ni Nicole.

Nasa Starbucks kami ngayon, vacant kasi namin sa mga trabaho namin e. Saktong babalik pa kami mamayang 6pm.

Si Sofia sa Yonsei nagdo-dorm, which means di siya umuuwe kayla Tito Joong Ki. Si Nicole lang ang umuuwe dun, kami naman ni Mae sinisikap naming umuwe gabi-gabi kahit sabi ni Papa na masyadong delikado.

"Oo nga."

"Baka nagi-ilusyon ka lang? Matanda ka na Sofia. Stop daydreaming."

Binagsak ni Sofia yung Iniinom niya. "Sinasabi ko na nga ayaw pang maniwala."

Umawat na si Mae. "Teka, teka. Di naman sa hindi naniniwala, pero parang Imposible naman diba?"

Nakikinig lang ako sakanila.

"Bahala kayo. Basta!"

Nanahimik sila. Nakatingin lang sila saakin, "oh, bakit?" Tanong ko.

"Wala ka bang masasabi?"

Umiling ako. At nabaling yung tingin ko uli sa ginagawa ko. Pambihira naman kasi si Director e. 6 months pa lang ako sa Taemin Hospital pero tignan mo tambak na agad gawain, may galit lang saakin?

"Pasensya na ah. May iniatas kasi talaga saakin e. Kailangan mamaya ko na to ipasa."

"Utos nanaman ba ng Director yan?" Tanong ni Mae.

Tumango ako habang nagsusulat.
"Hanga na ako sa'yo Dra. Ahn." Sambit ni Sofia.

Natawa na lang ako.  Di din nagtagal natapos yung bonding naming apat.

"Seeyah, Aalis na ako hahatid pa ako ni Ate Nicole." Paalam ni Sofia

"Ate kapag may kailangan?!" Iritang sabi ni Nicole. "May klase pa ako e." Dagdag ni Nicole.

Nag- wave goodbye kami ni Mae. "May last class din ako, Rose. Okay lang ba, mauna na ako?" Tumango ako. Niyakap niya ako at tuluyan na siyang umalis.

Nag-stay lang ako sa pwesto ko. Nag-antay ako ng masasakyan pabalik sa Taemin.

Natigilan ako ng biglang nag-ring yung phone ko.

"Yeoboseyo?"

[Dra. Ahn? Where are you? Hinahanap ka na ni Director. Tapos mo na ba yung pinapagawa? Need na this instance.]

Nasa kabilang linya si Chief Park. Co-doctor ko sa Taemin, siya palang ang naging close simula't sapul na pinasok ako ni Tito Yu Seok sa Taemin.

"Chief Park, nag-aantay palang po ako ng sasakyan. Pabalik na po ako diyan, tapos ko na yung pinapagawa ni Director"

Nagulat ako dahil binabaan niya na lang ako bigla.

"Bastusan? Tss." Minsan kasi may pagka-pilyo si Jaden. Papara na sana ako ng Taxi ng biglang may humarang na kotse sa harap ko.

"Hop in, Rose." Sumakay naman ako.

"Paano mo nalaman na nandito ako?" Sambit ko sakanya.

"Nakabukas kasi yung GPS mo nung tinawagan kita kaya na-locate kita haha." Sira talaga to.

Umalis agad kami pero napansin kong nag-iba agad yung direksyon namin.

"Sa-san ta-tayo p-pupunta?" Tanong ko.

"Kabado, tss. Wala akong gagawin sa'yo. May Dadaanan lang tayo."

"Diba, sabi mo hinahanap na ako ni Director, baka pagalitan ako."

Nakangisi lang siya. "Di naman tayo magtatagal." Nakapamewang na lang ako. May magagawa pa ba ako?

Di din nagtagal, nahinto kami sa isang dorm. Bumaba siya at pumasok dun. Iniwan niya ako.

Habang nagmamasid-masid nahagip ng mata ko yung building ng BigHit Entertainment.

Maya-maya bumalik si Jaden at pumasok na sa loob ng kotse.

"Aish."

"Bakit?"

"Si Jimin kasi e. Di dinala yung pinapadala ni Mama."

Jimin?

"Okay ka lang?"

Di ako sumagot. Ayokong sumagot, baka may malaman pa ako.

"Kilala mo din ba yung kapatid ko? Fan ka din ba ng BTS?" Tanong niya.

Si Jimin na iniisip ko at si Jimin na kapatid niya ay iisa?

[Mae]

"So, don't forget your project tomorrow." And I dismissed the class.

Lahat sila lumabas na. Ako naupo pa ako sa teacher's table. Ang sakit lang ng katawan ko, ang hirap pala talaga maging part time Teacher sa Music, lalo pa't nasa mataas ka ng paaralan sa Seoul.

Kabago-bago ko pa lang dito pero tignan mo naman yung stress diba? Di ko masisisi kung doble yung paghihirap ni Rose saakin.

Nabasag lahat ng katahimikan na meron sa loob ng silid na to ng biglang kumatok si Eliza.

"Pagod ba, Teacher Ahn?"

I reply her with a double thumbs up.

"Tara, treat kita ng dinner. Maga-alas sais na din naman e." Tumango na lang ako para ligpitin yung gamit ko sa desk at sa Office.

|Time Skip|

"Don't worry. Konting tiis na lang makakaalis na din tayo sa University."

"Sana nga. Paano kung di tayo bitawan ni Principal Kang?"

Natigilan siya sa pag-inom ng juice.

"Wala siyang karapatang pigilan tayo, besides di naman talaga to yung dapat position natin e. Dapat nasa higher Companies or Entertainments tayo nagta-trabaho ngayon."

Kung sa bagay tama siya, naalala ko pa nung nagalit si Tita Ara saakin kung bakit daw tinanggap ko yung offer ng University and hindi naman daw dapat dun yung posisyon ko.

"Alam naman to nila Tito Jae Hyun diba?"

Nag-nod ako. "Eh Ikaw? Alam ba to nila Tita Suzy?"

Tumango din siya. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin.

Nabasag din agad yun ng bigla siyang nagtanong.

"Hindi ba nahihirapan sila Tita sainyong dalawa ni Rose?"

Napataas naman yung kilay ko.

"I mean, syempre. Mahirap para sa isang magulang, makitang nahihirapan anak nila."

"Di naman. Besides, natutuwa nga sila e. Lalo na si Mama, Over protective naman kasi si Papa e. Nagkabaliktad nga sila ng Attitude simula nung nagka-trabaho kami ni Rose."

"Ahh." Di talaga siya maka-relate kasi only child lang si Eliza. Anak siya ni Tita Suzy at Tito Min Ho.

Kahit kaibigan ko siya, di ko pa din sinasabi na kapatid din namin si Unnie Tzuyu. Alam kong over kung mag-react to kapag nalaman niya. Kasi katulad namin, di sila exposed sa labas.

At I'm sure hahanap at hahanap siya ng paraan para maging close si Unnie. At ang dahilan...

Kim Namjoon.

Asawa Ng Bangtan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon