[Mae Ahn]
Dinilat ko ang mata ko. Nasisinagan ako ng araw. Napahawak ako kay Zero.
Laking gulat ko ng maramdaman kong Flat ng yung tiyan ko. Panaginip lang ba lahat? Pati ang pagbubuntis ko?
Lumingon-lingon ako at nakita kong nakahiga si Suga sa tabi ko. Sila Rose sa mini bed sa gilid. Yung ibang boys naman sa sahig.
Naramdaman siguro ni Suga na nagising ako kaya namulat na din siya.
"Mayi?" Ngumiti siya labas gilagid.
"Yoongi. Si Zero?"
"Dinala muna saglit ni Sofia sa labas para painitan. Kasama niya si Jungkook." Speaking of them...
Pumasok sila bitbit ni Sofia si Zero. Si Jungkook naman may dalang lampin, lampin siguro ni Zero. Napangiti na lang ako ng malapad. Nae-excite akong mahawakan ang anak ko.
"Baby Zero si Mommy oh.." Sambit ni Sofia at tinuro ako.
Inilapag ni Sofia si Zero sa tabi ko. Maputi siya at chubby cheeks. Naalala ko yung baby pictures ni Suga.
"Hi baby." Bulong ko at nilalaro ko yung ilong niya.
"Oops. Bawal." Pagpipigil saakin ni Yoongi. Binuhat niya si Zero mula sa tabi ko. Ewan ko pero naiiyak ako. Naiiyak ako kasi magkaka-Pamilya na ako.
"Zero Min! Magba-basketball tayo ah." Sambit niya.
Gusto kong tumayo para agawin si Zero sakanya. Sumosobra na siya ah. Malamang kanina pa niya hawak yan habang tulog ako. Hustisya naman saakin diba? Ako ang naghirap iluwal yan.
Napansin kong nagising na silang lahat.
"Mae!! Kamusta! May masakit ba?" Tanong ni Angela.
"Okay naman na. Siguro effective yung Anesthesia, wala naman akong masyadong maramdaman e."
Nabaling naman yung atensyon ko kay Eliza.
"Oy! Babae! Kailan ka?!" Tanong ni Nicole.
Aba. Wala siyang pake, kain siya ng kain ng di naman alam kung anong pagkain yun. Nagtatawanan namin yung pitong lalaki dun. Pinagpe-piyestahan si Zero ko.
"Min Yoongi! Pahiram muna ako! Anak ko din yan diba!?" Pagmamaktol ko. Mahina lang naman boses ko kasi wala pa akong gaanong lakas para sumigaw na abot sa kabilang kanto.
"Ayoko nga. Kunin mo muna." Abnormal ba siya? Gusto niya bang mapunit ang tahi ko?
"Oo nga, Mae. Abutin mo." Pang-aasar ng lahat. Sila din? Jusko. Yung mga tingin nila kakaiba.
Kaya tinry ko na lang din tumayo mula sa higaan pero kamalas-malasan. May naapakan ako.
Pinulot ko yun at singsing siya? Singsing na may nakasulat.
"Will you marry me? -Gilagid"
Napangiti ako. Nakita kong iniabot niya si Zero kay Sofia.
Kinuha niya yung singsing saakin at lumuhod sa harap ko. Nakaupo na ako ngayon sa higaan, di naman gaano naapektuhan yung dextrose.
"Mayi? I know maraming nangyare simula nung araw na pumasok ka sa BigHit para pagsilbihan ang katarantaduhan ko hanggang sa nakabuo tayo ng ikasasaya ng kinabukasan natin... Pero di naman yun makukumpleto kung di tayo magpapakasal diba? Mae Ahn would you be my Mrs. Min and a Mother of My Zero?" Napangiti ako. Naramdaman ko na lang na tumulo na ang luha ko.
"Yes... Yes of course Yoongi! I will marry you!" Then we hug each other.
"HAPPY WEDDING DAY!!!!" Sigaw ni Jhope.
Natawa na lang kami.
"Hobi, Wala pa." Bulong ni Mich.
"Ahhh... Wala pa ba? Gusto mo tayo na mauna?" Then Mich gave him a glare. Natawa na lang uli kami then he hugs Michelle.
Siguro nga tapos na at wala ng dadagdag pang iba.
[Nicole Song]
*suka* "yuck" *suka* "d-di k-ko n-na..." *suka*
"Mahal? Ayos ka lang?" Natatarantang tanong ni Taehyung.
*suka* *suka* *suka*
Wala akong matinong naisagot. Nakakainis, wala naman akong masyadong kinain ah. Ayoko ngang kumain dahil this past few days nagpipili na ako. Nandidiri ako sa mga malalagkit na pagkain na nakikita ko. Ayoko din ng masyadong maalat. Putek, ako na choosy?
"I'll get the car then I'll drive you to the nearest center."
I nodded. Wala na akong maisagot. Baka kabag lang to? Ewan. Mas mabuti ng maipatingin ako.
Dali dalian ng nag-drive si Taehyung papuntang Center.
"Angela! Kaya pa ba!?" Napalingon ako sa likod.
"Kay-- *suka* "
"An--- *suka* " nasuka na din ako.
"JIN!"
"V!!" sabay pa sila? -_- Dalhin na kaya nila kami sa loob. Onti na lang maisusuka na namin bituka namin . Naalala ko, nung isang araw lumabas kami ni Angela pagkatapos namin bisitahin si Zero sa bahay nila Mae.
May kinain kami kaso nakalimutan ko. Sana naman di kami na food poison diba? Hays
Pagpasok namin sa loob buti na lang agad kaming in-assist ng Nurse, di na kami nag-antay pa ng matagal.
Sinabi namin na okay lang kung sabay na. Kasi, magkakilala naman kami e.
"Okay What's supposed to be the problem?" Tanong nung doktora
"Nagsusuka po kami. Namimili na kami sa pagkain, na-food poison na po ba kami? Last week pa to." Sambit ni Angela.
Napa-'Hmm' yung doktora. Nilapitan siya ni Jin at may binulong dito. Nagkatinginan na lang kami ni Angela
"Come here you two."
"Teka. Jin, Ayoko. Okay na ako. Ayoko ng injection." Pagmamakaawa ni Angela.
"Tara na, para nga malaman natin kung ano ang problema diba?" Aya ko sakanya.
Sinundan namin si Dra. Matagak din yung test siguro umabot ng 20 minutes. Then, pinalabas din kami agad.
Di namin kasabay si Dra palabas dahil ie-examine niya pa daw.
"Kinakabahan ako."
"Okay lang yan, for sure may gamot yan." Pagpapakalma saakin ni Taehyung. I leaned my head on his shoulders para naman makalma talaga ako diba? Grabe kasi yung kaba e.
Ilang minuto din inantay namin nung biglang lumabas si Dra.
Nakangiti siya. Nakahawak lang ako sa braso ni Taehyung at lumapit kami sa doctor.
"Good news. You two are positive!"
"Huh?" Sabay naming tanong ni Angela.
"Buntis kayo. 2 weeks."
Buntis kayo. 2 weeks.
Buntis kayo. 2 weeks.
Buntis kayo. 2 weeks.
Paulit-ulit na nage-echo sa utak ko. Natauhan na lang ako ng sabay sumigaw si Taehyung at Seokjin.
"Magiging Daddy na ako!" Sabay nilang sabi.
Baby Lucas Kim? Dumating ka na. 😍
BINABASA MO ANG
Asawa Ng Bangtan [COMPLETED]
Fanfiction"Every time I want to give up on him, there's always something inside telling me to just give it a time. " -Rose "My brain says get over him, he's not worth it. But my heart says don't give up now, It's just the beginning " -Nicole "Maybe one day, I...