Ano daw? Maguusap kami? Ba-bakit?
Nag-thumbs ako in reply at tumakbo papasok ng banyo.
Humarap ako sa salamin at naghilamos. May dumi ba ako sa mukha kaya gusto niya ako kausapin? O baka naman may muta pa ako? Tsk. Nakakahiya. Sa harap pa talaga niya? Pero wala naman e.
"Easy, Mae. Nandito ka para sa trabaho." Bulong ko sa sarili ko.
Huminga muna ako ng malalim bago ko maisipang lumabas ng banyo. Sinilip ko muna siya, andun pa din siya at nakasandal sa pader habang umiinom.
Hinga malalim uli.
Naglakad ako dirediretso. Natigilan ako ng harangan niya ako.
"Magtatrabaho na po ako." Sambit ko.
He leaned at me at lumapit sa mukha ko.
"Huwag mo'kong isahan Mae. Alam ko namang hindi mo pa alam kung saan yung Office ni Manager-hyung." Ngisi niya.
Aba, antipatiko pala to. Nag-aral ako. Sadyang di lang nasama sa pinag-aralan ko yung tungkol sa building na to. Tss
"What's with the face?" Tanong niya kasi naka-kunot na yung noo ko.
"Please, step a side. Hahanapin ko pa yung co-worker ko."
"Si Eliza? Well, she's with Namjoon already. Kami lang naman ni Namjoon ang iha-handle niyo e."
What?! Don't tell me, siya ang makakasama ko? Di naman sa nagrereklamo. Pero, ayoko lang talaga. Di ko alam, pero parang di ata maganda para saakin.
"I want to see the Manager." Sambit ko at nilagpasan ko siya. Narinig ko siyang nagsisisigaw. "Di ka pa nga nag-uumpisa! Nagrereklamo ka na?"
Napunta ako sa isang pintuan, siguro naman Office to ni Manager.
Pagbukas ko bungad agad saakin yung mukha ni...
"Nicole?"
"Mae?"
Nagyakapan kami na para bang di pa kami nagkikita. "Anong ginagagawa mo dito?" Tanong niya.
"Hired na ako dito as Composer at the same time Teacher. Eh ikaw?"
"Same as you. Shocks! Di ko akalain na makakasama kita." Sambit niya at niyaka uli ako.
Di kalaunan, nakarinig kami ng away sa kabilang corridor.
"Sa susunod kasi mag-ingat ka!" Naabutan namin si Eliza at yung isa pang babae.
"I'm trying to be nice here." Sagot ni Eliza.
"Well, hindi nakakatulong. Tss"
"Edi wag. Kung di naman pala." Nilapitan namin sila.
"Angela? Stop." Sambit ni Nicole dun sa babae.
"Eliza, anong nangyare?"
"Kasi di ko naman sinasadya na mabangga siya. Ang laki kasi niya masyado."
"Eh, Ikaw! Ang Payat mo naman masyado." Sabat nung Angela
"May sinabi ba akong mataba ka? Ikaw lang nagsasabi nun sa sarili mo!" Magsasalita pa sana ako kaso umeksena si Jin.
Omo! Ang gwapo niya talaga.
"Excuse me, Ano pong nan---" di na natapos yung sasabihin niya kasi niyakap agad siya ni Eliza. Fan na Fan kasi siya ng BTS.
"Seokjiniiee~ Omo! Ang gwapo gwapo mo!"
Di din naman sunasagot si Jin siguro nasasakal na sa kahigpitan ng pagkakayakap ni Eliza.
"Get your hands off Jin. Parang awa mo na sige na bati na tayo. Huhuhu, huwag lang ang Seokjin ko." Nakaluhod na sabi ni Angela.
Natawa naman kaming lahat pati si Jin. Kumalas na si Eliza sa pagkakayakap at lumapit si Jin kay Angela.
Iniabot neto ang kamay niya.
"Let me help you. " sambit niya. Kinuha naman yun ni Angela at nakatayo naman siya ng maayos.
Nagulat kami sa susunod na ginawa ni Jin. Niyaka niya din si Angela ng mahigpit. Yung mukha ni Angela sobrang nagulat.
Ilang minuto din ang tinagal nun at kumalas na si Jin.
"Para di ka na magselos." Sabay kindat.
"Alis na muna po ako. Kitakits mamaya sa Lunch." And then he left.
Tinutukso tukso namin si Angela.
Nagkakasiyahan na kami kaso ..
"Ehem?" Lahat kami natigilan dahil kay Suga. "Waaah! Yoongi~ah!" Tinaas ko yung kamay ko sa mukha ni Eliza bago pa man niya yakapin si Suga.
"Ba-bakit?" Tanong ni Eliza.
Lumapit siya saakin at hinila niya ako.
Nakalayo na kami ng maisipan niya akong bitawan.
"Hey, don't you dare do that thing again!" Sambit niya.
Ano bang pinuputok putok ng butsi neto?
"Ano?"
"Huwag na huwag mo akong tatalikuran! Tandaan mo trabahante ka lang dito."
"Aba! Trabahante ka lang din!"
"Yeah. But we're family."
Ang laki ng pinagbago niya. Di naman siya ganito ka-rude nung mga High School pa lang kami ah.
Lumaki lang ba talaga ulo niya dahil sikat na siya at pinagkakaguluhan?
"Now. Can we start?" Sambit niya at hinila ako papasok sa isang kwarto.
Madilim lang dito. Binuksan niya yung isang ilaw sa dulo ng kama. Kama? May kama dito?
"Sit here." Tapik niya sa tabi niya. Nakaupo siya sa higaan. Di pa ata ako ready. Masyado pa ata akong bata para sa ganito.
"Ba-bakit? Dito?" Di naman kami makaka-compose ng Kanta sa isang madilim na lugar.
"Ang dami mong satsat!" Hinatak niya ako palapit sakanya kaya napahiga kami sa kama. Ang masaklap nasa ibabaw ako. Huta! Hawak niya yung braso ko at nakatingin lang siya saakin ng diretso. Kingina! Mababaliw na ako! Papalapit na siya saakin...Di pa naman to diba? Bata pa ako.
Ano ka ba, Mae. Ang dumi ng utak mo.
"Suga?"
BINABASA MO ANG
Asawa Ng Bangtan [COMPLETED]
Fanfiction"Every time I want to give up on him, there's always something inside telling me to just give it a time. " -Rose "My brain says get over him, he's not worth it. But my heart says don't give up now, It's just the beginning " -Nicole "Maybe one day, I...
![Asawa Ng Bangtan [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/78734041-64-k2064.jpg)