[Nicole Song]
Phew. Ilang araw din akong nagpagod sa kakabantay kay Taehyung. Kung bakit naman kasi naligo siya pagkatapos ng con diba? Tsk. Alien talaga.
"So, treat kita. Pambawi na lang din sa pag-aalaga mo saakin. Saan mo gusto?" Aya niya.
"Ikaw bahala, Okay naman kahit saan e." Sagot ko.
Napataas siya ng kilay at nagisip kung saan pwede pumunta. Biglang may nag-pop up na Idea sakanya at hinatak ako palabas at sumigaw "MANAGER-HYUNG! I'LL BORROW THE CAR!" sumakay kami sa loob ng di pa inaantay ang sagot ni Manager.
Chill chill lang ang BTS ngayon. Kasi bago sila lumipad para sa World Tour nila sa bago nilang album aatend muna sila sa isang Red Carpet Premiere.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.
"Basta." Sagot niya at binigyan ako ng nakakalokong ngiti.
Inirapan ko na lang siya at nagpaslak ng earphone.
Bahala ka diyan, Kim Taehyung. Magdaldal ka lang, nakikinig ang mga Alien Friends mo diyan sa tabi-tabi. Hahahhahaha
Time Skip
"Jagi?"
Di ko namalayan nakatulog pala ako. Pagkamulat ko... Totoo ba to!? Gabi na!?
"Oy! Asaan tayo!? Bakit gabi na!? Saan mo'ko dinala!?"
Natawa lang siya. Sapakin ko kaya to ngayon ng makatanggap naman ako ng matinong sagot? Pero shocks! Pati siya di ko maaninag.
Naramdaman kongBumaba siya ng Kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Inalalayan niya ako.
"Taehyung, bulag na ba ako?" Tanong ko.
"Hindi, mabubulag ka lang sa pagmamahal ko." Hinampas ko siya ng mahina.
"Loko ka talaga, ano nanaman bang pakulo to?"
"Nagpapakulo ako ng sabaw na may ingredients ng masarap na yakap with matching matamis na halik at binudburan ng pagmamahal. Ipapatikim ko sa'yo yang pinakuluan ko." Sambit niya.
"🌽 " Me be like hahaha
Nahinto din kami agad at sa puntong yun, tinaggal na niya yung blindfold.
Bumungad saakin yung isang pair of table na may pulang rosas na korteng puso sa paligid. May malaking kandila na nakalagay sa gitna.
Nag-snap ng finger si Taehyung at lumabas yung nag-vi-violin at yung mga kakanta ata itong iba? Iniabot niya saakin yung kamay niya.
"Ano to?" Tanong ko. May gana pa pala akong magtanong. Akala ko speechless ako e.
"Kamay ko, nangangati e. Hawakan mo daw." Eto ka talaga Taehyung o 🌽.
Pero deep inside kinikilig na ako. Ayoko lang sumabog kasi parang di pa oras para sumabog ako sa kilig e.
Iniabot ko din naman agad yung kamay ko. Nagsimula ng tumugtog ang nagvi-violin at kumanta na ang mga kakanta.
[Now Playing: Right Here, Right Now by: Zach Efron & Vanessa Hudgens (from: HSM3)]
Can you imagine what would happen, If we could have any dream?
I wish this moment was ours to own it and that it would never leave.
BINABASA MO ANG
Asawa Ng Bangtan [COMPLETED]
Fanfiction"Every time I want to give up on him, there's always something inside telling me to just give it a time. " -Rose "My brain says get over him, he's not worth it. But my heart says don't give up now, It's just the beginning " -Nicole "Maybe one day, I...