Dedicated to: -xxllacunaxx- Enjoy.
[Jung Hoseok]
"Wala ba talagang gustong sumama saakin ngayon?" Katok ko sa bawat kwarto nila Taehyung.
No response means No one wants to join me.
"Bahala kayo diyan." Bulong ko.
Sarap kaya mag-exercise kapag ganitong kaka-umaga lang.
Lumabas ako sa Dorm without make-up syempre. Then nag-jogging ako. Nagsa-stop ako sa bawat punong makikita ko para mag-stretch.
Sa pang-apat na puno may napansin akong babae na familiar saakin. I took off my glasses at tinignang mabuti yung babae.
Sinundan ko siya pero di ako nagpapahalata. Nagtatago ako sa bawat poste o puno na makikita ko.
The next thing I know nasa Sementeryo na pala ako. Pumasok siya sa loob. I tip toed and followed her.
Pumasok siya sa pangatlong corner. Andun lang ako sa dulo dahil di naman kalayuan ang puntod ng pinuntahan niya.
"Eomma." Sambit niya.
"Kamusta ka na? Ako, Eto. Doctora na as you wish diba?" Sambit niya in a low voice pero rinig ko dahil kulob dito at hindi masyadong maingay.
Lumuhod siya. Umiiyak ba siya? Shocks! I want to comfort her. Mahirap talaga mawalan ng mahal sa buhay lalo na't ito ang mga magulang mo.
"Eomma, mianhe~" sabay punas sa mukha. "Sorry kasi hanggang ngayon, di ko pa din kayang kalimutan lahat ng nangyare sa'yo. Sainyo ni Appa."
Then ngumiti din siya agad.
"Huwag po kayo mag-alala. Pagbubutihin ko ang pagiging Doctor." Sabay hawi sa puntod nung Mama niya.
I feel bad for her. Masyado siyang inosente para mangyare sakanya tong mga bagay na to.
Wala na akong choice at nilapitan ko din siya agad. I touch her shoulders. And she turned her head on mine.
"Jhope?"
Timeskip
"Nice to see you again, Mich." Sambit ko. Naglalakad kami ngayon pabalik.
Nginitian niya lang ako. Nakaka-awkward. Baka nagtataka siya dahil nandoon ako kanina.
"Ahh, Michelle. About dun sa kanina..."
"No need to explain. Okay lang." Then she smiled at me again. Nagpatuloy na siya sa paglalakad pero andito pa din ako sa pwesto ko.
Her smile makes my heart pumps so hard.
"Wae?" She turned again to look for me.
"Wa-wala." I laugh then ran towards her.
Nagkaroon uli ng katahimikan. Nakaka-awkward talaga kasi the first time I saw her, feeling ko talaga mahiyain siya. Well, Mahiyain pala talaga siya.
Pabo! Jung Hoseok! Idol ka diba? Ang bobo! Malamang mahihiya siya dahil may kasama siyang Idol. Tss
"Bakit mo pinupukpok sarili mo?" Nagtataka niyang tanong.
"Wala." I laughed.
"Masiyahin ka huh? Kaya nga bias kita e." Na-stock nanaman ako sa pwesto ko.
Bi-bi-bias ni-ni-niya a-a-ako?
"Uy. Pst. Hahahaha" tumawa siya? Tumawa siya dahil sa inakto ko. Hahahaha! Yes! Achievement yun, Jung Hoseok. Minsan kasi I find it weird lalo na kapag ginagawa ko yung mga nakakatawa sa tapat ng mga boys.
Pero sakanya, wala pa tumawa na siya.
Tumakbo ako papalapit sakanya.
"Tara maupo muna tayo." Yaya niya. "Matagal-tagal pa naman bago ako maglo-log sa Haesung."Naupo kami sa isang bench.
Nako-curious ako kaya naitanong ko na.
"Mama mo?" Tumango siya.
"Sila ng Papa ko pero di ko alam kung nasaan ang katawan niya. Sabay silang namatay nung susunduin dapat nila ako mula sa Field trip nung High School."
"Sorry." Sambit ko. "Sorry kasi natanong ko pa."
"Okay lang, sabi nga ni Sofia dapat daw maging Open ako sa mga bagay na to. Dahil kapag hindi baka daw habang buhay daw akong sawi."
"Sa tingin mo, Patay na ba talaga ang Papa mo?" I don't know pero lumabas na lang bigla sa bibig ko yun.
"Anong ibig mong sabihin?" Kumunot yung noo niya.
"Wala. Sorry."
Nagkaroon ng limang segundong katahimikan pero nagsalita din siya agad.
"Di ko alam kung tama ba tong naglalabas ako ng personal na buhay sa'yo. Idol ka, tapos ako..."
"Doctor?" Singit ko. Tumawa siya ng mahina.
"Nakakagaan ng loob kapag kausap ka. Feeling ko wala akong problema. Kaya yang pagiging masiyahin mo, ipagpatuloy mo lang yan." Tapik niya sa balikat ko.
Napabuntong hininga siya. "Kung sakaling buhay siya ngayon? Yayakapin ko siya ng mahigpit. Bubuhayin ko uli yung pamilya namin kahit na kulang na."
"Kapag kailangan mo ng tulong. Andito lang ako." I pat her back.
"Pwede ba yun? Id---"
"Kahit na Idol pa ako. Friends tayo diba?" Iniabot ko yung kamay ko.
"Friends." The we shake hands.
"Sge mauna na ako." Sambit niya.
"Kitakits. Ingat ka." Paalam ko sakanya.Nag-bow siya at pumara ng taxi. Di ako umalis hanggang sa di siya nakakaalis.
I don't know, pero ang bigat para saakin na nakikita siyang nasasaktan at nahihirapan. It feels like I want her to be safe and sound.
[Michelle Seo]
Tumakbo ako papasok ng Ospital baka kasi malate ako sa unang araw ko.
"Mich?" Tinig ni Sofia yun ah. Napahinto ako sa kakatakbo.
"Saan ka ba galing?"
"Sa Mama ko."
"Hays. As expected. Sge na mag-log ka na." Bago ako makaalis. Hinatak niya uli ako at bumulong.
"Beware of the btches." Sabay kindat.
"Seeyah on the Office Dra. Seo" nagbow ako. Naalala ko, Working Hours na pala kaya dapat show respect to others.
Tumakbo ako papapunta sa Log book, near the Information.
Buti na lang kabisado ko na, dahil pinakabisa na samin to ni Dr. Joo
Nag-log na ako. Muntik muntikan ko ng mabangga si Dr. Seo
"Mian~" and I bowed down. Paalis na sana ako kaso, tinawag niya ako.
"Dra. Seo?"
I turned to him. "Please, See me in my Office." Kinakabahan ako. Isa kasi si Dr. Seo sa pinakamalalaking pangalan dito sa Haesung.
Sumunod ako sakanya at later on nakarating din kami sa Opisina niya.
"Take a seat." Sambit niya.
Ilang minuto din na katahimikan ang nadama ko dahil parang ine-examine niya pa ako.
"Please tell me about your life."
BINABASA MO ANG
Asawa Ng Bangtan [COMPLETED]
Fanfiction"Every time I want to give up on him, there's always something inside telling me to just give it a time. " -Rose "My brain says get over him, he's not worth it. But my heart says don't give up now, It's just the beginning " -Nicole "Maybe one day, I...