23

125 10 1
                                    

[Nicole]

Papunta kami ngayon sa Ospital.

"Bwiset! Traffic!" Sambit ni Jimin. Si Manager na ang nag-drive dahil biglaan at saktong wala yung official driver ng BTS.

"Wala na bang mas bibilis pa sa segudo na takbo ng stoplight  na yan?!" naiiyak na tanong ni Mae. "Kailangan na ako ng kapatid ko ngayon!" dagdag niya pa.

Kulang na lang magwala na siya sa loob ng van at sipain ang bintana para mabasag at makalabas siya.

Ilang minuto din ang nakalipas ng umandar uli yung kotse.

"I think we should take the short cut papuntang Haesung." suggest ni Manager, di naman kami umangal, di na dapat kami umangal dahil buhay na ni Rose ang nakasalalay dito.

"Bessy. Bakit?" bulong ko. Nagulat na lang ako ng may humawak sa kamay ko. Siya lang pala, "Wag kang mag-alala. Magiging okay din si Rose." Sambit niya.

"Paano ka nakakasigurado? Hit and Run yun, Taehyung. Wala tayong alam sa maaring epekto nun sakanya." Naiiyak kong sagot. Pero mahina lang, ayokong madagdagan yung mga bagay na tumatakbo sa isip ni Mae ngayon.

"Just Trust yourself."

"What do you mean?" Nginitian niya ako.

"Alam ko naman sa sarili mo na ayaw mong may mangyareng hindi maganda kay Rose diba? Just trust yourself na yang bagay na ayaw mong mangyare, ay hindi mangyayare." sambit niya.

Sa puntong yun, nanlambot yung puso ko.

"Masyado kang madaming alam." sagot ko.

"Naranasan ko kasi, nalaman ko na yung mga bagay na nakakapagpabagabag sa isip at puso ko, maaring di mangyare sa taong yun. Pero, di ko kasi alam kung totoo ba o hindi e. Wala pa din akong clue hanggang ngayon." Sambit niya.

Di ko na lang siya sinagot kasi baka mapunta nanaman sa hindi maganda ang pag-uusap namin.

Bumalik yung atensyon ko sa kalsada, pero di pa din niya binibitawan yung kamay ko. HInayaan ko na lang, kasi alam ko nakakapagpagaan din naman to sa loob ko.

"FVCK SHT! Manager, ihinto mo! Huwag niyo na pong pagsiksikan ang Van. Ako na po bahala! Salamat!" Sambit ni Mae, sa puntong yung lumabas siya ng kotse at tumakbo, traffic din kasi sa tinahak naming shorcut.

"Teka, bababa na din po ako. Sumunod na lang po kayo dun. Di ko po kaya kung mahuhuli ako sa kung ano man ang nangyare sa kaibigan ko." Sambit ko.

Pero, di pa din binitawan ni Taehyung yung kamay ko. "Let Go!" Sambit ko.

"Nanaman?"

"Taehyung, we don't have much time! Please? I'll be back." sambit ko at binitawan ko siya. Lumabas ako ng Kotse at tumakbo, hinabol ko si Mae.

Pero, nagkamali ako. Masyadong mabilis si Mae na halos di ko na siya maaninag. Pero, nagpatuloy pa din ako hanggang sa makadating ako sa Haesung.

Dumiretso agad ako sa Patient & Visitor Information.

"Ah, Miss? Saan po naka-room si Rose Ahn?" tanong ko dun sa isang Nurse na naka-bantay sa Information.

Kinuha niya yung libro at hinalungkat ito. "Ms. Ahn is in OR pa din, Ma'am. Operating Room #3. Third Floor po." Sambit niya.

"Salamat."

Tumakbo agad ako papuntang elevator. Pinindot ko kaagad yun at buti na lang bumukas din agad. Bago pa man, nag-sara bumungad saakin yung mukha ni...

"Sofia?!"

"Nicole?!"

hinarangan niya ng paa niya yung elevator kaya di ito sumara. Hinatak ko siya papasok, may kasama siya ngayon na kaklase ata niya.

Asawa Ng Bangtan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon