[Rose]
"Di mo ba naiintindihan? Kamusta ka simula ng takbuhan mo'ko?"
Wow! As in Wow! Sa tingin niya, masaya ba ako?
Naiiyak na ako. Bakit ba kasi mali ang timing ng tadhana? Kung kelan hindi pa ako handa. Pero Oo, alam kong darating sa point na makikita ko siya dahil kay Jaden. Alam kong di naman ako malalayo dun.
Inabot ko na yung doorknob.
"So, ganun. Tatakbuhan mo nanaman ako ngayon?" Natatawa niyang tanong.
Ano bang gusto niyang isagot ko? Di ko alam pero, sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya alam ko lahat yun mula sa puso niya, mula sa puso na may kasamang galit.
Di ko naman siya masisisi e. Kaso, kailangan niyang intindihin. Kahit na ngayon, di pa din nila pwedeng malaman.
"Maiwan na kita." Sambit ko.
"Di mo na kailangan mag-paalam. Bakit dati? Sinabi mo bang iiwan mo'ko? Hindi naman diba. Kaya sige, umalis ka na."
Di na ako makatimpi. Nakabukas na kaonti yung pintuan. Kaso binagsak ko uli yun para isara at hinarap ko siya.
"ANONG GUSTO MONG SABIHIN KO?! NA MASAYA AKO NUNG PANAHONG INIWAN KITA?! NAGDIWANG AKO NUNG INIWAN KITANG NAG-IISA?!" Then there i cried so loud. Humagulgol ako, kaya tinakpan ko yung mukha ko.
"Jimin, di ako masaya. Mahirap maging masaya sa mga bagay na dapat di ko ginawa noon pa."
Tinignan ko siya at pilit na pinunasan yung mga luha ko pero patuloy pa din to sa pag-agos.
"Umaasa ako na sana hindi pa huli ang lahat. Pero, alam ko imposible ng maging maayos ang lahat dahil diyan sa galit na nanaig sa puso't isip mo." Dagdag ko.
Pinilit kong ngumiti.
"I'm glad to see you, Mr. Park Jimin. Kalimutan mo na lahat, kasi I'm just your fangirl from now on."
Tinalikuran ko siya. Di ko alam kung sasagot pa siya o hindi kaya mas mabuti ng iwan ko na siya. Sapat na siguro yung mga sinabi ko.
"Rose? Saan ka pupunta?" Nakasalubong ko si Jaden.
"Rose, umiiyak ka ba?"
"Please, leave me alone." Sambit ko at nilagpasan ko na siya.
Di ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Sa ngayon, ang tanging alam ko lang nasasaktan ako.
Kahit sinabi ko na kalimutan na niya di ko kayang gawin yun. Para saakin, umaasa pa din ako.
[Mae]
"Bakit di ka mapakali?" Tanong ni Nicole.
"Kinakabahan ako e."
"Huh, bakit?" Tanong ni Eliza, habang nagsusulat siya ng iko-compose nila ni Namjoon.
Buti pa sila, kamusta naman kami ni Yoongi? Ayy, ni Suga pala.
"Si Rose."
"Anong meron kay Rose?" Tanong ni Angela. "Wait, si Rose ba yung kapatid mo?"
Tumango ako at patuloy sa paglalakad paikot-ikot.
"Di pa din siya sumasagot hanggang ngayon sa mga tawag ko." Sambit ko, alam ko namang magiging maayos ang pagkikita nila ni Jimin.
Tama, Mae. Tama, maaayos din to.
Nagulat ako ng biglang bumukas yung pinto. Bungad saakin yung mukha netong mahal na hari ko -_-
"Anong kelangan mo?"
"Ikaw."
Sa puntong yun, nag-blush ako. Shocks! Lakas talaga ng epekto niya saakin.
"Ako? Bakit ako?"
"Huwag na maraming satsat. Hindi ba sapat na kailangan lang kita ngayon?"
"Ngayon lang? Sge. Huwag na huwag mo akong kakailanganin bukas at sa mga susunod na araw ah." Pagtataray ko, aba akala niya siya lang marunong? MAS Marunong ako.
Lumabas kami ng Opisina.
"Bakit?"
"Kakausapin ka ni Manager."
Di na ako umimik. Baka ito yung epekto ng pagkakaba ko.
Pagkapasok ko dun, nagsalita agad si Manager.
"Boys, maayos na ba yung dorm niyo? Ready na ba yung apat na kwarto?"
Kumatok ako. "Mae, pasok."
"Bakit po?"
Bago pa man makasagot si Manager, bumukas uli yung pinto at bungad si Jimin.
Tahimik lang siyanh umupo sa tabi ni Jin. Yung kaba na nadarama ko kanina naramdaman ko nanaman ngayon.
"Gusto ko, ikaw ang magsabi sa iba na kakailanganin niyong tumira sa dorm ng Boys. Para naman malapit lang dito."
Tumango ako. Alam ko di na din naman magiginh hadlang to kay Mama't Papa. Besides, this is work.
"Jimin, saan ka galing?" Nabaling ang atensyon namin kay Jimin.
Sasagot pa lang sana siya kaso nag-ring yung phone ko.
"Excuse me."
Lumayo ako konti.
"Yeoboseyo?"
[Is this Mae Ahn?]
"Nae, who's this?"
[This is Doctor Seo from Haesung Hospital. Naaksidente yung kapatid mo due to Hit and Run]
Sa puntong yun, onti onti ng gumuho yung mundo ko. Umiyak na ako.
"Pa-pa-punta na p-po *sob* ako dy-dyan *sob* "
Pinatay ko yung phone ko at tumingin uli sakanila. Di ko na mapigilang maiyak ng todo.
"Mae, What's wrong?" Tanong ni Manager. Lumapit si Suga saakin at niyakap ako.
"Sino yung tumawag?"
Lahat sila napatayo na sa kinauupuan nila. Lahat sila natataranta na.
Nag-bow ako. "Sorry Manager, I have to go. Naaksidente yung kapatid ko at nasagasaan, kailangan ko siyang puntahan." Mangiyak ngiyak kong sabi.
"Holy Sh*t!" Sambit ni Jimin.
"Tara, puntahan natin." Yaya ni Jhope.
"No need. Delikado, ako na lang."
"Kami bahala. Boys, Tara na." Manager said.Lumabas kami at ako patuloy pa din sa pag-iyak anong nangyare? Bakit siya naaksidente?
"Mae? Anong meron?" Tanong ni Nicole na lumabas sa Opisina namin.
"Nicole! Si Rose! Si Rose! Naaksidente!"
"What! Saan daw?! Tara! Puntahan natin!"
Halos lahat kami natataranta na dahil sa nangyare ngayon.
Rose, What happened? Paano ko to sasabihin kela Mama't Papa? Rose!
BINABASA MO ANG
Asawa Ng Bangtan [COMPLETED]
Fanfiction"Every time I want to give up on him, there's always something inside telling me to just give it a time. " -Rose "My brain says get over him, he's not worth it. But my heart says don't give up now, It's just the beginning " -Nicole "Maybe one day, I...