[Mae]
"Sa totoo lang, Ma. Natatakot ako."
"Huwag kang kabahan, Ikaw lang ang mag-isa don, ano ka ba?"
Natawa na lang ako. "Andito na tayo, Ma'am." Sambit ni Mang Seb.
Bumaba na kami, masyadong malaki ang building na pagpapasukan ko.
"Ready?" Tanong ni Mama. Tumango na lang ako. Pumasok kami at nag-bow yung Guard. Si Mama nakasalamin para di siguro mahalata na siya si Ku Hye Sun. Ako, nakayuko lang, halata sa buong kinikilos ko na kinakabahan ako.
Hinagod ni Mama yung likod ko kaya, napatingin ako sakanya.
"Just Calm, baby. Wala ka pa sa loob, ganyan na itsura mo." Natatawa talaga ako kay Mama. Lahat ng seryosong bagay para sakanya, parang wala lang.
Kaya siguro naging successful siya kasi ganyan siya ka-kampante.
Sumakay kami ng elevator at pumunta sa 12th Floor. Naglakad kami pakanan ni Mama at naupo sa mga bakanteng upuan dun.
Tama nga si Mama, Ako at tanging ako lang ang magta-take ng Bar Exam. Hindi ba, mas nakakakaba to?
Nung una ayaw namin ni Rose, kaso walang choice dahil hindi kami masasamahan nila Mama at Papa sa Public kung sakali man. Sabay pa naman ngayon yung Exam namin. Kamusta na kaya si Rose?
"Ms. Ku Hye Sun? Ready na po ba si Mae?" Tanong nung babaeng lumapit saamin.
Nginitian lang siya ni Mama at i-nassist na ako nung babae papasok sa pangatlong kwarto.
Nakita ko yung babaeng magbibigay saakin ni Exam.
"Ms. Mae Ahn?" Nginitian ko siya. "Po?"
"You may start now." Sabay bigay saakin nung limang pages na sasagutan ko. Kinuha ko yun at umupo ako sa isa sa mga table desks. Ang weird, akala ko pa naman ige-greet niya ako, ang lambing pa naman ng pagkakasabi niya. Mukha siyang masungit, lalo tuloy akong kinabahan.
Hays, concentrate kailangan ko pumasa.
|TIME SKIP|
"Kamusta? "
"Okay naman, Ma." With matching thumbs up.
"I told yah. Akala ko hihimatayin ka na e."
"Ma, naman! Haha" Inakbayan niya ako. "Joke lang, baby. Saan mo gusto kumain?"
Magla-lunch na kasi. Napaisip na lang ako bigla. Hays, Ang dami kong gustong puntahan na kainan pero syempre kelangan kung saan safe si Mama diba?
I'm craving for seafoods kaya I think sa Goraebul na lang kami kakain.
"Ma, Punta tayong Gangnam. Sa Goraebul, kung saan tayo kumain nung nagsho-shooting palang si Papa atsaka sila Tito Seung Gi ng YAS."
"That's a great idea. Sge."
Nakarating na kami sa Parking Lot ng biglang nag-ring yung phone ni Mama.
"Oo, Hindi na kami kakain diyan. You should hang out with Rose too. Sge na, take your time."
Si Papa yung tumawag.
Pasakay na sana si Mama ng kotse dahil nakasakay na ako kaso biglang may tumawag uli.
"Yeoboseyo, Later na lang. Pupunta din ata si Seung Gi. Hahaha, Loka ka Ara. Oo, kasama ko..."
Wah, Si Tita Ara. Lalo tuloy akong naging interesado dahil yung pinaka paboritong Tita namin ni Rose.
Napaka-kwela niya kasi talaga. Nasakanya na lahat, ang galing galing din niya.
Di din nagtagal, pumasok din si Mama sa kotse. "Si Tita Ara mo, pupunta mamaya. Pero si Tito Seung Gi mo. Dadaanan na daw ng Papa mo at ni Rose."
Waah, makakasama uli namin sila. Grabe lang, masyado lang silang busy dahil sa mga shoots. Mahirap lang talaga maging Sikat dito sa Korean Industry. Dahil hindi ka lang naman dito sa bansa mo sikat e, kundi sa buong Asya na din.
Tsaka, isa lang din sila sa mga nakakakilala saamin ni Rose. Tago kasi kami e. Si Unnie Tzuyu lang ang kilala nilang anak ni Ahn Jae Hyun at Ku Hye Sun.
Minsan masakit kasi parang ang unfair pero matagal na din naman ng panahon ang tiniis namin. Ngayon pa kaya kami susuko?
[Sofia]
"Di ko na talaga keri. Yung puso ko kumakabog."
"Oy, Sofia. Bunganga mo!" Aba, ang bastos neto ah. "Napagkamalan ka pa namang K-Idol, Oppa. Tapos ginaganyan mo lang ako? I-bash kita gusto mo?"
"Sofia!" Sigaw ni Mama from the front seat besides Papa. Nag-peace sign ako, ayaw nga palang nagiiskandalo kami through social media. Kaya tutok si Mama't Papa saamin pagdating sa Fangirling e.
"Ayan. Kasi, mananakot ka na nga lang yung hindi mo pa kayang gawin." Pagtataray ni Nicole, kailan ba to mauubusan ng pagtataray? Simula ng ma-grounded kami hanggang sa matapos, hanggang sa ngayon na magta-take kami ng Bar Exam, ganyan pa din yan.
"Hey, My Princesses? Goodluck, Don't Fail Eomma & Appa, Arraeso?"
Nag-salute naman ako. "Arraeso, Captain Yoo Si Jin." Sambit ko sabay chuckle. Hahaha
Pinisil ni Papa yung mukha ko at hinalikan ako sa Noo, Si Mama kasi sasama saamin sa Loob. Maiiwan lang si Oppa Yunhyeong at Papa dito.
Niyakap ni Nicole si Papa at hinalikan din siya ni Papa sa Noo.
Sumunod na agad kami kay Mama. Hindi naman kalayuan pero, nagtaka kami bigla kung bakit andito si... Tita Suzy!
"Tita!" Sambit ko sabay takbo papalapit kay Tita Suzy. Niyakap ko siya ng mahigpit ngayon, nakahanap ko na din yung ka-vibes ko. K-popper yan e. Hahaha
"Annyeonghaseyo, Sofia. Nicole." Niyakap kami ni Tita pabalik. "Goodluck sa Exam niyo ah." Sambit ni Tita with matching heart heart pa.
Nag-salute ako at niyakap siya uli ni Nicole.
May isang babaeng nag-assist saamin papunta sa kung saan kami magta-take ng Exam. Magkaiba kami ng Room ni Nicole.
Dito, bumalik ang kaba ko, masyadong mabigat yung akin. For sure yung kay Nicole, alam na niya yan. Magaling si Nicole, kaya kampante lang siya. Mana kasi talaga siya kay Mama e, No doubt.
Natagalan ako ng 2 hours. Kasi nag-concentrate lang talaga ako. Paglabas ko ng Room, Wala si Nicole.
Nagulat na lang ako ng may biglang nagtakip ng mata ko. Sisigaw na dapat ako kaso nakapa ko yung kamay "Oppa! Cut it out!" Natanggal ko yung kamay niya. Naka face mask ang unggoy haha. Asa siyang pagkakaguluhan siya dito.
"Where's Nics?" Tanong niya.
"Idunno. Kakalabas ko lang diba? Tss." Ginulo niya yung buhok ko. "Pilosopo. Tara na nga. " inakbayan niya ako palabas. May pagka-pilyo talaga tong si Oppa.
Nakakabilib lang kasi parang ang bilis ng panahon. Parang nasa High School lang kami, tapos eto na nagta-take na kami ng Exam.
Yes, We Already Take it. Can't wait to tell Rose & Mae. Miss ko na sila. :(
BINABASA MO ANG
Asawa Ng Bangtan [COMPLETED]
Fanfiction"Every time I want to give up on him, there's always something inside telling me to just give it a time. " -Rose "My brain says get over him, he's not worth it. But my heart says don't give up now, It's just the beginning " -Nicole "Maybe one day, I...