[Rose]
Hinga malalim. Nasa biyahe pa lang kaming apat. Medyo malayo saamin ang BigHit kaya naisipan ng tatlo na umidlip. Ako di ko magawang umidlip dahil sa bawat segundo naalala ko na magkikita na uli kami.
Magkikita uli kami? Ang galing. Parang nung isang araw tahimik lang ang buhay ko ngayon nagkakagulo na dahil sa pagbabalik ng taong mahal ko. Taong patuloy kong mamahalin kahit hindi ako sigurado kung siya ba talaga yun.
Isinandal ko na lang ang ulo ko sa bintana.
"Ahh, Rose. Medyo malapit na tayo sa BigHit."
"Ahh, sge po bababa na po kami, maghanap ka na lang po ng pinakamalapit na parking tapos te-text ko na lang po kayo kung susunduin mo na po kami." Nag-okay sign naman si Mang Seb.
"Salamat po." Ginising ko na silang tatlo. At nagsuot kami ng Face Mask. Bumaba kami ng kotse at naglakad papuntang BigHit tama nga si Mang Seb di siya kalayuan pero ang haba ng pila.
"1 oras pa bago magpapasok, ganito na kahaba ang pila?" Pagtataka ni Mae.
"Makipila na lang tayo." Sambit ni Nicole.
Ilang oras din kaming nag-antay, na-delay pa nga e, kasi nakatulog daw si Yoongi.
Natawa naman si Mae, wala daw pinagbago yung best friend niya. Magkaiba kami, siya siguradong si Suga at yung best friend niya ay iisa. Ako naman di ako sigurado na kung si Jimin ng BTS ay yung Jimin na pinakamamahal ko.
Nagbukas na yung pintuan, nagpapasok na.
"Sofia!" Nagulat kami kay Nicole.
"Hindi yang Face Mask na yan ang ipinasuot ko sa'yo ah?" Sigaw ni Nicole. Hays, halong kaba at taranta na siguro ang dahilan ng malakas niyang sigaw.
Tinanggal naman ni Sofia yung Face Mask niya at tinignan. Pucha, Pangalan pa ng EXO ang nakasulat hahaha
"Hala! Dalawa ata yung nalabas mo, mianhe~ dahil sa kamamadali di ko napansin" nag-peace sign si Sofia.
"Sofia naman eh. Napagkamalan ka pa namang anak ni Song Joong--"
"Jungkook! Jungkook! Jungkook, saranghae~~" sigaw ni Sofia kasi yung mga tao nagtitinginan na.
tinakpan ni Mae yung bunganga ni Nicole. Nakalimutan siguro niya nasa Public kami.
Tinanggal na lang ni Sofia yung Face Mask niya baka kasi magkagulo tong Fandom na to kapag nalamang EXO-l kami. Tsk, di naman kasi nila alam ang dahilan kung bakit kami andito e.
Pagpasok namin nakahilera sila sa isang lamesa.
Pagpasok na pagpasok namin siya agad ang una kong nakita. Nakangiti siya ng sobrang lapad, at mayron siyang Flower crown na suot suot bigay yun ng isa sa mga naunang Fangirls.
Umuusad yung pila. Pero, nag-aanounce yung isa sa mga staff ng BigHit na limitado lang daw ang makakalapit kasi may hinahabol pa silang show.
Gustong-gusto na naming sumingit para makalapit na kami. Para naman wala kaming nasayang na pagod.
"Isang tao na lang, tayo na ang susunod" sambit ni Mae
"Ohmy.. Kinakabahan ako. Kita mo yun? Ang gwapo niya masyado mga beks." Sambit ni Sofia at tinuro-turo si Jungkook.
"*sigh. Taehyung." Bulong ni Nicole. Nakatitig lang siya kay Taehyung.
Umusad yung pila at kami na, mygash kami na ang susunod, una naming madadaanan yung table ni Rap Monster, sunod yung kay Jin, J-hope, Suga, V, Jungkook and Jimin.
Nadaanan ko na si Rap Monster, siya pala yung Leader ng BTS. ang bait bait niya at mukhang matalino, ang dami niya kasing sinabi pero naka-focus lang ako kay Jimin.
Nadaan ko naman si Jin, ang gwapo gwapo niya, feeling ko magaling siya mag-luto or something kasi kitang kita sa braso niya. Di pa din ako masyadong nakinig sa mga sinsabi niya dahil naka-focus pa din ako kay Jimin, iniisip ko pa din kung ano ang mangyayare kung sakaling ako na ang nasa harap niya.
Nadaanan ko naman si J-hope, napaka-wili niyang kausap, siguro siya ang medicine ng bangtan kapag pagod na pagod na sila, mukhang napakasayahin niya e. Sa puntong yun, kinakabahan na ako kasi malapit na ako kay Jimin.
Nasa harap ko na si Suga. Si Suga na alam kong si Yoongi para kay Mae. Tinignan ko muna si Mae na nasa tabi ko halatang kinakabahan siya kahit na si J-hope pa din ang kausap niya, isang table na bakante ang pagitan ng bawat table ng members, hindi man kalayuan.
"Annyeonghaseyo~" sambit ni Suga.
" Annyeonghaseyo" sambit ko pabalik at nag-bow ako.
Nginitian niya lang ako, napaka-cool niyang person.
Magsasalita pa sana ako pero nakita kong tumayo na si Jimin mula sa inuupuan niya, hindi lang siya kundi pati na din si Jungkook at V.
Pinapaalis na kami ng Staffs ang Guards. Napaka-rude diba? Pero kahit na sinabi nila to kanina ang unfair pa din.
"Wait, Wait!" Sigaw namin.
"Suga! Suga! Do you know my sister right? Mae Ahn! Min Yoongi, Mae Ahn is my sister!" I shouted habang bitbit ako ng guard palayo. Mukha na kaming desperada, kasi pati sila Nicole, Mae at Sofia sumisigaw na din.
"Jungkooooooook! Huhuhu" sambit ni Sofia.
Si Mae naman at Nicole nakikita mong naiiyak na.
Fvck! Bakit ba nangyayare to? Andito na kami, naudlot pa? Badtrip!
Nakalabas na kami at yung ibang Fangirls na hindi nakaabot.
Naririnig namin silang nagsasabi.
"Aww. Sayang di natin naabutan."
"Okay lang, may next time pa naman e.""Busy lang siguro sila."
"Kakalabas lang nila sa Kpop Industry pero ang hightech na ng schedule nila."
"Sapat ng makita ko sila kahit malayo."
Sapat na ba talaga yun para sakanila? Hays.
"Saeng! Andun na e. Nasa table na ako ni Rapmonster, tapos nagpaalis agad?!" Pagwawala ni Nicole. Pinapakalma naman siya ni Sofia.
"Kamusta naman ako? Ne isa wala nga akong na-meet -_- " pagmamaktol ni Sofia. "Dapat di niyo na ako sinama, ganyan naman kalupet si Tadhana saakin e." Aktong umiiyak siya pero mas tinuon niya yung pansin niya dun sa kapatid niya.
Niyakap ko si Mae. Umiiyak si Mae ngayon, pucha naman.
"Mae, a-ayos lang yan. Na-mention kita sakanya Mae. Wag kang mag-alala. Maghihintay uli tayo." Sambit ko.
"Sapat na ba yun para malaman niyang ako si Mae na best friend niya?" Naiiyak na tanong ni Mae.
Di na ako nakasagot. Maski ako hindi ko alam.
Naglakad kami papunta sa kung saan kami ibinaba ni Mang Seb. Ite-text ko pa lang sana siya kaso andun na siya.
Nag-aalala yung mukha niya. "Mang Seb, bakit ho nandito na kayo? Di pa ako nagte-text ah." Sambit ko.
"Rose, Mae. Yung Mama't Papa niyo pauwe na sabi ni Manang Ditay. Kakatawag lang nila."
Nataranta kami, sh*t! Kailangan namin makauwe dun bago pa man makauwe si Mama't Papa. Sana lang hindi traffic. Jusmiyo~ Ano pa bang kamalasan ang ibibigay mo, Tadhana ha?
BINABASA MO ANG
Asawa Ng Bangtan [COMPLETED]
Fanfic"Every time I want to give up on him, there's always something inside telling me to just give it a time. " -Rose "My brain says get over him, he's not worth it. But my heart says don't give up now, It's just the beginning " -Nicole "Maybe one day, I...