[Angela Kim]
"Pwede na ba kumain?" Tanong ko kay Sofia. Pero wala akong natanggap na sagot. Kausap niya kasi boypren niya. -_-
"Oppa!" Yung boses na yun. Nilingon ko siya. Alam ko naman kasing siya yun e, Boses pa lang alam ko na.
Nakita ko siyang kumakaway kaway. Pinuntahan ko siya at...aba! May ready ng pagkain ah.
"Ikaw lang?" Pansin ko kasi siya na lang natira dito sa Table nila.
"Nope. Si Namjoon sinasamahan si Eliza pati din si Taehyung na kay Nicole, si Jhope kasama naman si Mich, nowhere? Si Suga, Jimin at Jungkook lang naman nawawala e."
Napa-'Ahh' na lang ako. Kumain na lang kaming dalawa. Madaming bumabati saakin kapag nadadaanan nila ang table namin.
Nagulat na lang ako ng biglang umupo saamin si Daddy at Mommy.
"Mom! Dad!" Sambit ko. Muntik na nga akong mabulunan e.
Well, nakakagulat naman ang kagandahan ni Mommy. Hahahah
"Hi, Iho." Bati ni Mommy kay Jin sabay hawak sa kamay. Pinalo ko yung kamay niya. "Aray, Angela."
"Mommy, Akin to. Hahaha" sambit ko sabay akbay kay Jin.
"Okay lang, Oppa. Dapat naman talaga ligawan ang mga magulang ng taong mahal mo e."
"See! Ito talagang anak mo, Woo bin. Ang damot kahit kailan." Ang cute ni Mommy, para siyang dalaga lang. Like 'hello' dalaga at may boyfriend na po ang anak niya. Hahaha
"Baka kasi palitan mo na si Daddy. "
"Aba, mas gwapo ako kay Jin."
"Hindi po halata, Dad." Sabi ko with a poker face.
Natatawa na lang si Jinjinjin ko. Madami din kaming pinag-kwentuhan hanggang sa iniwan uli nila kaming dalawa ni Jin. Gusto lang pala talaga nila makilala ng lubusan si Jin ko. Hays
"Jinjin. Kain uli tayo?" Suggest ko.
"Sure. Wait, mauna ka na dun. Susunod ako, may kukunin lang ako kay Namjoon." I nodded and jump excitedly. Mas gusto kong papakin ang Dessert ngayon.
"Isang Donut po? " sambit ko dun sa taga-bantay.
"Hi." Nagulat ako.. May umabot ng kamay saakin, at lalo akong nagulat ng makita ko kung sino.
"Kai?" Nakipag-kamay naman ako.
"Kayo na pala ni Jin." Diretsahan? Wow!
Natawa na lang ako. "Buti nagkaayos na kayo."
"Oo nga e. Ikaw ba? With this descent girl?" Tanong ko habang kumukuha pa ng ibang dessert.
Narinig ko at nadama ko ang pagbuntong-hininga niya.
BINABASA MO ANG
Asawa Ng Bangtan [COMPLETED]
Fanfiction"Every time I want to give up on him, there's always something inside telling me to just give it a time. " -Rose "My brain says get over him, he's not worth it. But my heart says don't give up now, It's just the beginning " -Nicole "Maybe one day, I...