Epilogue (1)

114 8 3
                                    

[Rose Ahn]

Andito kami ngayon sa libing ni Aris. Onti lang ang tao halos lahat kamag-anak ng mga Ong at kami na sangkot sa kagagahan ng mga taong gumawa saamin neto.

"The Mass has ended." Sambit nung pari at pinalapit na kami isa-isa para maghulog ng bulaklak. May mga press na nakapaligid pero isang kilometro ang layo saamin. Ayaw kasi ng pamilya nila Aris na ipabalita, porket andito ang BTS.

"Are you sure your fine?" Bulong saakin ni Jimin. I nodded then he let me bend my head on his shoulders.

"Aris!" Sigaw ni Sofia. Di na niya na talaga mapigilan. Biglaan naman kasi talaga ang nangyare. Kung tutuusin hindi dapat kasama si Aris dito. Hindi dapat siya nadamay dito.

Tumahan naman siya ng yakapin siya ni Tito Joong Ki. Oo, andito sila Tito Joong Ki at Tita Hye Kyo. Maski si Mama't-Papa. Nasa likuran lang sila.

Binasbasan na ng pari ang kabaong ni Aris at binigyan kami ng one glance sakanya. Pagkatapos nun, dinasalan yun ng pari at tuluyan ng pinasara para ilibing.

Nagpalipad naman kami ng mga kalapati at mga puting lobo na may pangalan ni Aris.

Sa totoo lang, kung ako ang nasa posisyon ni Sofia.. Siguro hindi ko kakayanin. Nakikita ko siyang iyak ng iyak ngayon. Kung ako yan, siguro pati ako pinaglalamayan na din. Sa sobrang mahal ko yung tao, feeling ko pati ako patay na din kung pati siya patay na diba? Hays. Di ko din naman ma-explain ang nararamdaman ni Sofia ngayon e.

Nagsisialisan na ang mga tao. Onti onti na lang kaming nandito.

"Anak? Mauna na kami ng Mama mo?" Paalam ni Papa at Mama saamin.

"Sge po." Then Papa turned his face to Suga's.

"Anak! Bantayan mo yung gwapo kong apo!" Pagbibiro ni Papa. Natawa naman kami konti.

Sumunod na lang din si Tito Joong Ki at Tita Hye Kyo kayla Papa.

"Jimin?"

"Hmm?"

"Sorry.." Sambit ko. Napakunot naman ang noo niya.

"Bakit?"

"Sorry kasi natakot ako noon. Noon, na dapat tayo hanggang ngayon." Then I bowed down my head dahil sa kahihiyan.

"It's fine. Di mo kasalanan. Kasalanan ko, nagmadali ako masyado. Pero destiny tested us. Tignan mo, hanggang ngayon... Tayo pa din." Then he smirks. Niyakap niya ako.

May isa pa akong gustong sabihin or should I say, tanungin.

"Iniutos mo ba talaga yun kay Mark?" Then umiwas ako ng tingin.

Narinig kong nagbuntong hininga siya.

"Yes.." Then hinawakan niya yung baba ko para magkatinginan kami.

"Yes, kasi akala ko yun lang ang paraan, pero hindi pala. I'm sorry." I smiled.

"Pero di pa kami officially break... Makakapag-antay ka ba?" Nagulat siya.

"Kakausapin mo siya? Sasama ako." Pagmamaktol niya. "Mamaya kunin ka niya saakin." Ang kulet niya, nag-pout siya tapos kitang-kita mo yung chubby cheeks niya.

"Aish, babalik nga ako sayo tapos kukunin niya ako? Wala kang tiwala." Sambit ko sabay kurot sa ilong niya.

Then he hugs me tightly.

"I love you, my Mrs. Park"

"I love you, more my Jams."

[Sofia Song]

"Saan niyo ba ako dadalhin!?"

"Basta! Huwag ka ng pabebe, Sofia!" Sambit ni Nicole. Hinihila nila ako ngayon, kasama si Rose.

"Malapit na birthday mo diba? May request lang kami." Then they blindfolded me.

"Teka, ipa-prank niyo ba ako? Jusko naman! Huwag dito sa Ospital oh!" Nasa Ospital pa din kasi kami, pauwe na ako ng bigla silang dumating at eto na nga... Hinihila nila ako.

"Basta.. Huwag ng maingay. Sige, clue! Surprise to."

"Rose naman!" Naramdaman kong nagpaluan sila. Mga bata pa ba sila? Hahahaha. I giggled.

Bigla kaming himinto. Binitawan nila ako. Nagkapa-kapa ako.

"Oy!"

Then somebody unfolds my blindfold. I turned around and faced him.

"Jungkook."

Nginitian niya ako at binigyan ng bouquet. Kami lang dalawa dito.

"Para saan to?" Sasagot pa sana siya kaso, biglang nagpasabog ng confetti. Tapos nagsilabasan yung mga back up at kumanta.

Now Playing: Beautiful -BTS' Jhope, V, Jimin & Jungkook.

Pinaupo ako ni Jungkook sa isang upuan. Nasa rooftop pala kami. Di ko pansin.

Nag-perform sila sa harap ko. Andito din sila Eliza, Mae at Angela. Kitang-kita na din yung baby bump sa tummy ni Eliza oh. Hays, si Mae naman due date na niya ngayon. Sana naman magka-birthday kami ng inaanak ko.

Natapos din ang kaengengan nila. Dejk. Hahahaha

"Para saan to?" Sa wakas nagkaroon ako ng pagkakataong makapag-tanong ako.

"Advance Birthday Gift ko." Sambit ni Jungkook.

"Huh? Bakit? Aalis ba kayo? Busy ba kayo ngayon?"

Umiling-iling si Jungkook.

"Oh eh ano?"

"Matagal na kaming nag-quit sa BigHit we've been out on Kpop World since nung nalaman naming pinagbili nila si V-hyung kay Riva Soo." Explain niya. So, ngayon... Alam ko na. Planado pala talaga ang lahat. Pati kaya ang pagpatay kay Aris? Hays. Sumalangit nawa.

"Sofia, sa totoo lang..." Lumuhod siya sa harap ko. Kinakabahan ako, ayokong umasa pero kutob ko iba e.

"Gusto ko lang tanungin..." Naglabas siya ng red na box. Napahawak ako sa bibig ko.

"Sofia Song? Will you marry me?" Nakatingin na saamin lahat. Umaasa kung ano ang isasagot ko. Kung Oo ba o Hindi? Hays.

Mag-aanim na buwan ng patay si Aris. Kaya ko na bang mag-move on?

"Sofia?" Tanong uli ni Jungkook.

"Jungkook..." Napupuno na ng luha ang mga mata ko.

I feel cold now. Parang may dumaang malamig na hangin. Nakayakap saakin? I embrace it back. Bahala na kung magmukha akong tanga.

"Say 'Yes' " Biglang nawala ang lamig. Bumalik na sa normal? Hindi kaya si Aris yun. He is letting me to marry Jungkook?

"Sofia, Okay lang kun---" isasara na dapat niya yung Red box.

"Jungkook, Yes! I will! I will marry you!" Napalitan ng magandang ngiti ang nakakadismayang mukha niya kanina.

"Let's celebrate!" Sambit ni Nicole. Pero bago yun...

"A-aray... Aray! A--- Yoongi! Yoo-"

"Mae, Ayos ka lang?" Nilapitan namin siya.

"MANGANGANAK NA ATA AKO! SHT! YOONGI! SI ZERO LALABAS NA!!!!"

"What!? Suga! Let's go! Dalhin natin siya sa Emergency Room!

Zero Min! Excited na kami!

Asawa Ng Bangtan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon