[Mae Ahn]
"Ma? Any problem?" Tanong ko habang si Rose naman sinasara yung pintuan ng kwarto ni Mama't Papa.
Nilapitan namin si Mama, nakaayos na yung make-up niya at aayusin na lang niya yung buhok niya
Kakausapin daw kami ni Mama. Wala si Papa may inaasikaso dahil di lang pala mga Kpop Idols ang sasabak sa Red carpet. Kasama pala ang nga Korean Actors/Actresses.
"Okay ka lang ba, Ma?" Tanong ni Rose na nakaupo na sa tabi ni Mama.
Napabuntong hininga na lang si Mama at ngumiti. Hinagod niya ang buhok ko at yung isa kamay naman nakahawak sa kamay ni Rose.
"Ma?" Tanong uli ni Rose.
Hinawakan ko yung mukha ni Mama at kiniss siya sa cheeks.
"Ma, kung sasabihin mong mag-leave kami ngayong araw sa Taemin at BigHit para bantayan 'tong bahay at para mapakain sila Gamja at Ahnju..."
Tumingin siya kay Rose.
"Nagawa na po namin, nagpa-leave na si Mae sa BigHit tapos ako naman binigyan ako ng 2 weeks break ni Director." Tumawa lang si Mama.
Imbes na magsalita siya tumayo siya at binuksan ang Cabinet nila.
Nagharutan naman kami ni Rose saglit hahaha, namiss ko tong bunsong to e.
Naalala ko tuloy yung mga bata pa kami halos matulog na kami ng madaling araw kaka-Fangirl. Tapos matutulog kami sa iisang kwarto kahit na may sarili naman kaming kwarto. Ang cute lang, Hays. Good times!
"Ma, Ano yan?" Tanong ko dahil may nilabas si Mama na dalawang magarbong damit. Nilapitan namin si Mama at iniabot niya saamin yung damit.
"Ang ganda, Bagong bili?"
"Oo." Sagot ni Mama.
"Para kanino po, Ma?" Tanong ko.
"Sainyo, magbihis na kayo. Mala-late na tayo." Napa-nganga kami. Nagkatinginan pa kami ni Rose at halos iluwa na namin yung mga mata namin. Tinulak kami palabas ni Mama sa kwarto nila.
Saan kami pupunta? Diba ngayon yung Red Carpet Premier? Baka naman di kasama si Mama't Papa, tapos may iba kaming pupuntahan? Baka nga.
Di naman kami minadali ni Mama kaya nakapag-bihis kami ng Maayos.
Naglagay ako ng Light Lipstick at ganun din si Rose, halos parehas kami ng ayos, pero pagdating sa buhok iba.
Ako naka lugay pero nakakulot yung dulo, simple lang at pinasuot ako ni Mama ng Expensive na Flower Crown. Halatang pinaghandaan, kasi yung damit ko strapless siya at purple. Long gown kumbaga na parang pang-debut, fitted siya pero pagdating sa baba nakabuhaghag na.Ang ganda nga e. Halos ganito ang gusto kong style.
Si Rose naman parang ikakasal na ewan, yung gown niya naka-tube siya tapos nakabuka talaga ng todo. Naka tirintas yung buhok niya na naka- messy bun, nilapitan ko siya.
"Bongga ah. Nagmumukha akong Flower Girl sa kasal mo imbes bridesmaid." Pinalo niya ako sa braso.
"Ready girls? Wow. You two, look gorgeous." Nilapitan kami ni Papa.
"Pa, bakit ganito itsura ko? Mukha akong..." Pagrereklamo ni Rose.
"Di ka ba na-inform kasal niyo na ni Mark ngayon." Sabay kindat saakin ni Papa.
"Aish. Stop it." Panggalaiti ni Rose pero deep inside kinikilig naman. Hahahaha
"Pero seriously, si Mark ang nagpadala ng damit na yan." Parang alam ko na kung saan punta namin ah.
BINABASA MO ANG
Asawa Ng Bangtan [COMPLETED]
Fanfiction"Every time I want to give up on him, there's always something inside telling me to just give it a time. " -Rose "My brain says get over him, he's not worth it. But my heart says don't give up now, It's just the beginning " -Nicole "Maybe one day, I...