20

150 10 0
                                    

[Taehyung]

"Kakain na kayo?" Tanong ni Namjoon-hyung

"Nae, Wae?" Sambit ni Eliza.

"Tara, kain tayo, treat namin." Yaya ni Jin-hyung

"Talaga? Saan? Baka di pwede. Alam niyo na delikado." Pag-aalala ni Angela.

Hinanap ng mga mata ko si Nicole, alam ko namang di pa siya nakakalabas.

"Ikaw, V?" Umiling-iling ako. Di ko alam kung alam na ni Nicole na kami na lang dalawa natitira dito.

Nakatalikod siya, dahil may tinitignan siya sa mga boxes dun. I think yun yung mga hinabilin ni Manager-hyung sakanya na maari niyang ituro saamin after a month.

Wala pa din pala siyang pinagbago. Ang ganda niya pa din. Nagsisi ako kung bakit di ako nag-paiwan.

Sana ako pa din, Sana ako lang. Pero, di ko naman alam diba? Malay mo, ako nga lang.

"What?!" Nakatayo lang ako sa likuran niya. Nagulat siya kaya napasabi siya niyan ng malakas.

"Wala, You wanna grab Lunch?"

Umiling iling siya at umupo siya .
"Busog pa ako." Umupo na lang ako sa harapan niya. Nakatingin lang ako sakanya habang nagbabasa siya.

Ang ganda-ganda talaga ng Mama ko. Kahit, kailan di ako manghihinayang kung siya man ang tinadhana para saakin, para maging katuwang ko sa pagbuo ng masayang pamilya.

Pero, sa ngayon, malabo. Di ko alam kung bakit di ko masabi na nagpapanggap lang ako na hindi ko alam.

Kung titignan mo naman siya, di naman mahirap malaman na siya si Nicole, si Nicole Song. Yung taong minahal ko, minamahal at mahahalin ko.

"Bakit ka nakatitig diyan?"

"Ang ganda mo lang."

"Insulto ba yan?"

"Huh, Ang alin?"

"Yung maganda ako."

"Maganda yung Crush ko. Hindi ikaw yon."

Aray! Sakit! Awtsuuu! Di talaga totoo yun, Nicole. Maganda ka talaga para saakin, Sobrang ganda halos wala ka ng kapantay.

"Pake ko?" Aish. Ang Sungit niya kapag ginaganito ko siya, ang hirap pala talaga ayusin ang mga bagay na ganito.

"Nicole, Sorry."

"Bakit nanaman?" Naka-poker face niyang tanong. Bigla din namang bumalik yung tingin niya sa librong binabasa niya.

Yumuko ako. Tinago ko yung mukha ko sa mga palad ko.

"Kasi, iniwan kita. Di ko dapat ginawa yun, dapat nilabanan ko si Tadhana. Di lang siguro ako handa." Di muna tumingala.

Kung narinig man niya, okay na. Hahanap na lang ako ng paraan makapag-paliwanag.

Kung hindi naman, siguro di muna ngayon,  mahihirapan akong humanap ng tyempo para malaman niya.

Tumingala ako, it's either a shock face or a poker face lang ang madadatnan ko.

Pero.. Wala.

Naka-earphones lang siya. Nakatingin lang ako sakanga.

"May sinasabi ka?"

"Wala." Sambit ko.

"Good. Maiwan na kita?" Lumabas siya. Iniwan niya akong nakatulala sa loob.

Pero narinig ko siya. "AAAAAHHHHH!!! BWISET KAAAAAA!!" Dali dali akong lumabas, hinanap ko yung boses niya. Pero, Wala.

Nalaman kaya niya? Narinig kaya niya? Okay na kaya?

[Yoongi]

"Mae, Yung Tubig ko? Pati na din pala yung pantasa. Tsaka yung Scratch sa ibabaw ng lamesa ni Jin pakidala na din."

Yan ang parusa niya dahil sakanya pinagkamalan kami ni Manager-hyung na may ginagawa na hindi maganda sa loob ng Kwarto niya.

Si Manager-hyung kasi pinapayagan kaming pumasok sa mini-bedroom niya. Dito ko lang naman gustong mag-compose para makapag-relax ako.

Pabebe pa kasi 'tong si Mae e. Sayang yung ganda niya, yung totoo? Composer ba talaga to? Kaya ba talaga niya akong tulungan makapag-compose para sa Mixtape ko? Tss.

"Eto na po, Mahal na hari." Pagtataray niya.

"Saan ka pupunta?"

"Kakain ng lunch?" Nilapag ko yung lapis ko sa lamesa at tumayo, hinatak ko siya paupo sa tabi ng upuan ko.

"Aray! Mahilig kang manghatak noh? Kaya napagkakamalan tayo!"

"Umupo ka diyan. Sasamahan mo'ko, kabayaran yan ng kalampahan mo." Utos ko.

Aba, akala niya.

"Sabi ni Manager Next Month pa kami mag-uumpisa, tapos uutusan mo na ako ngayon?! Ano ka?!" Pasaway tong babaeng to ah.

Hinila ko siya. "Aray ko!"

"Susundin mo'ko o Susundin mo'ko?" I ask her sarcastically.

"As if naman may pagpipilian ako? Tss. Why won't you let me? Hindi naman ikaw ang boss ko ah." Pagtataray niya.

"Alam mo, huwag kang umakto ng ganyan. Di bagay sa'yo! Kamukha mo pa naman yung best friend ko." Sambit ko.

Totoo naman e. Kamukha niya si Mayi. Mayi is my best friend back then, Mayi kasi yun daw tawag sakanya ng Tito niya, I'm still looking for her, di ko siya mahanap, at dahil hindi ko siya mahanap, I tried to audition here. Di ko aakalain na mailalabas ko yung potential dahil lang sa goal kong mahanap siya.

Mayi means everything to me. Noon pa lang alam ko na hindi lang kaibigan ang tingin ko sakanya dahil may nararamdaman akong kakaiba. Mayi left me after confessing. Pero, sinabi din naman niyang gusto din niya ako. Di ko lang alam kung bakit di niya magawang mahalin ako physically and emotionally.

Lumipat ata siya ng School dahil hindi naman siya grumaduate sa School namin.

Araw-araw nagmumukha akong baliw dahil umiiyak ako minuminuto. Marami din kasi kaming pinagsamahan na hinding hindi makakalimutan.

Simula nun, di na ako tumingin sa iba. Ayokong may mga babaeng lumalapit saakin kasi feeling ko di ako nagiging loyal kay Mayi.

"Bakit ka natahimik?"

"Pake mo!"

"Okay, Chill. Di mo na ako kailangan?"

"Umalis ka na nga. Tss."

"Suit yourself." Then sumaludo siya.

Baliw na babae. Bakit pa kasi babae ang kinuha nila Manager-hyung e. Feeling ko magkakasala na ako kay Mayi. May nararamdaman kasi akong hindi maganda pagdating dito kay Mae.

Di ko alam kung ano, pero ito yung naramdaman ko kay Mayi.

Asawa Ng Bangtan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon