[Sofia]
"Give me 5 more minutes." Sambit ko, ang aga-aga ginigising na nila ako.
"Sofia Song! Anong ginawa mo kagabi?!"
Gosh, si Mama pala to. Akala ko si Papa, agad naman akong tumayo at dinilat ko yung mata ko ng sobrang laki. "Wala, wala po akong ginawa." Sambit ko.
Naka-crossed arms si Mama. Lagot kang bata ka. "Tayo na diyan at maghilamos. Dali!"
Di naman mukhang galit si Mama diba? Aish. Dahil to kay Jungkook e.
Pumasok ako sa loob ng banyo, si Mama inaayos niya yung higaan ko. Nakakahiya talaga, pumapasok yung parents mo sa loob ng kwarto mo tapos ang daming posters at kung ano-anong bagay na may mukha ng bias mo.
Ang gwapo lang kasi talaga ni D.O e. Pero, meron akong isang picture ni Jungkook na nakadikit sa dingding. Hindi naman to napapansin kasi di naman gaano kalakihan.
"Sino to Sofia?" Tanong ni Mama. Nagsisipilyo lang ako, kaya di nakasarado yung pintuan.
Sinilip ko at nakatingin si Mama sa pader na merong mukha ni Jungkook. Abah, akala ko naman hindi mapapansin.
Ganyan ka na ba talaga ka-gwapo Jungkook, pati si D.O nasasapawan mo na? Tsk.
Nagmumog ako agad at lumabas ng banyo.
"Si ano.." Magsasalita pa sana ako ng biglang sumulpot si Nicole. Nakasandal siya sa tapat ng pintuan.
"Si Jeon Jungkook, Ma. Bias niya sa BTS."
"And sino naman yang BTS na yan?" Ganitong-ganito din si Mama nung nakita niya yung mukha ni D.O at Baekhyun e.
"Long story, Ma. Malalaman mo din." Sagot ni Nicole.
Napataas na lang ang kilay ni Mama. "O siya, magbihis na Sofia. Kakain na." Lumabas na si Mama ng kwarto ko dahil tapos naman na niyang ligpitin yung higaan ko. Wala naman akong masyadong kalat e.
Sumunod na din si Nicole. Nagbihis na ako agad, di naman big deal saakin yun e. Bias ko lang naman si Jungkook, mabuti sana kung lumala.
I mean, lumala na para bang mahal mo na, ganon? Psh. Mangyayare ba yon? Asa Sofia Song! Asa ka naman.
Bumaba na ako para mag-grab ng breakfast. As usual, corny jokes ni Papa ang nangingibabaw sa hapag kainan. Tapos dagdagan pa ni Mama na todo depensa diba? Ang saya lang. I'm proud to be in this Family.
"See you, later dalawang prinsesa ko." And then we peck Papa's cheeks and hugs Mama tightly.
Aalis sila kasi may Upcoming Movie silang gagawin. Kahit naman ganon, they can balance their time for us.
Nahiga ako sa Sofa namin. Aish, dinadalaw nanaman ako ng Antok.
Papikit na sana ako ng batuhin ako ni Nicole ng Unan e.
"Ano ba yan?!" Sigaw ko.
"Puyat pa more!" Sambit niya at tinawanan niya ako.
"As if namang nagpuyat ako." Pagtataray ko, Okay hawa hawa lang yan.
"Talaga namang nag-puyat ka e."
"Oh, eh ano naman? Nanonood ako sa V App e. May V live si Kyungsoo Oppa kagabi." Depensa ko.
"Jungkook na pala bagong name ni D.O?" Tanong niya habang nakataas ng kilay.
Okay, Knockout na ako. Huling huli na ako.
Wala namang masama dun eh. Inistalk ko lang naman si Jungkook kasi he is really in my nerves. Di ako mapakali kung patuloy akong tutunganga dito samantalang sila, may nalalaman na sa Bias nila.
"Aish. Wala namang masama diba?"
"Hmm. Wala naman." Then kumuha siya ng isang magazine kung saan featured ang EXO.
Ihanda mo na ang tenga mo Sofia, magfa-fangirling na yan in 3..2..1.. "Waaaah! Hindi talaga ako magsasawang tignan yung mukha niya!! Ihhh!!"
Napa face palm na lang ako, two moods lang talaga meron siya.
Ako eto, scroll down sa News feeds ko. Di naman sabog ang Notifs ko kasi wala namang nakakaalam na anak ako ni Song Joong Ki at Song Hye Kyo at Kuya namin si Song Yunhyeong. Maski sila Rose at Mae, walang nakakaalam ng Identity namin, maski sa School. Well, Collage na kami at soon to have jobs na din. Mga walang pakialam ang mga tao dun.
Yung tipong kahit may kaklase kang takas sa mental wala silang pake. Di naman nila buhay yun e. Kum baga focus lang sila sa sarili nila.
Kringgg.. Kringg..
Agad namang tumayo si Nicole at siya ang sumagot sa tawag.
Nakatingin lang ako sakanya. Yung ekspresyon ng mukha niya nag-iba. Blanko siya kanina pero ngayon parang natataranta na.
"Ah, eh. Wala, wala. Sgesge, papunta na kami." Agad niyang binaba yung telepono, hinila niya ako papunta sa kwarto ko, kinalkal niya yung cabinet ko at naglabas ng damit na pang-alis. Inilabas niya din yung Face Mask ko, at sun glasses.
What the hell is she up to?
"Teka, teka. Nicole, calm down, Okay? Ba-bakit ba? A-ano bang meron?"
"The Fan Meeting, It was move today!" Napanganga ako. Ngayon na? As in ngayon? The fvck! Paano nangyare yun?
"Pa-paano tayo pupunta? Wa-wala naman tayong Pass."
"Adik ka na ba?! Diba nga pinlano na namin nila Mae to? Malamang nakabili na siya ng ticket! Magbihis ka na oh! Dali!" Natataranta siyang lumabas ng kwarto ko at pumunta sa kwarto niya. Nagbihis na ako kaagad.
"Well, At least mapapa-aga ang meet up namin ni Jungkook." Naka-ngisi kong sabi sa sarili ko.
Kinikilig ako na ewan, haha iba tong nararamdaman ko sa nararamdaman ko kapag pupunta ako sa Fan Meeting ng EXO at makakaharap ko si Baekhyun. Ibang-iba.
Siguro dahil baguhan lang sila, wala pa akong masyadong alam sakanila, baka mamaya rude sila.
So many thoughts."Sofia! Tara na!" Sigaw ni Nicole. Agad naman akong bumaba.
Agad naman kaming inihatid ni Manong sa Mansyon ng mga Ahn.
Habang nasa biyahe bigla na lang pumasok sa isip ko kung bakit napa-aga ang Fan Meeting ng Bangtan."Hey, Nicole. Bakit napa-aga ata?"
"Napa-aga din kasi ang pag-dami ng Fans nila. Dahil don, madami ng nagre-request na agahan ang Fan Meeting."
She explained that cool. I mean, walang halong, sarkastiko. Minsan lang maging ganito si Nicole.
Hinagod ko yung likod niya at sinandal ko yung ulo ko sa balikat niya. "Ayos lang yan, go with the flow. Magiging maayos ang muling pagkikita niyo." Napa-buntong hininga na lang siya at nginitian ako. Pinatong niya yung ulo niya sa ulo ko. "Sana nga, Saeng. Sana nga!" Sambit niya.
Pati tuloy ako kabado. Bakit ba ang lakas ng epekto saakin niyang si Jungkook? Hays. Let's see kung ano nga ba talaga ang mangyayare after this. May magbabago ba kaya? Or It would be the same as before?
BINABASA MO ANG
Asawa Ng Bangtan [COMPLETED]
Fanfiction"Every time I want to give up on him, there's always something inside telling me to just give it a time. " -Rose "My brain says get over him, he's not worth it. But my heart says don't give up now, It's just the beginning " -Nicole "Maybe one day, I...