[Sofia]
"Ngayon na ba?"
"Oo, May Angal ka?"
"Aish, Syempre wala. Birthday ata ni Mama to noh. Pero ka---"
"Sofia, pupunta o pupunta?" Inagaw ni Papa bigla yung phone ni Nicole.
"Ahh, Pa? Kasi, may ginagawa po kasi akong report, Pa."
"Mas Importante yan kesa sa birthday ng Mama mo?"
Nagpapa-guilty naman tong si Papa.
"Ano, Sofia Song? Pupunta o Pupunta?"
Napakamot ulo na lang ako bigla. Naibagsak ko naman yung lapis ko sa Thesis ko.
"Sge po, Pupunta na ako."
"Good. See you in a bit, princess." Binaba na agad ni Papa yung phone.
Paano na to? Di pa ako tapos bukas na pasahan neto? Aish. Masyado akong nadala ng feels ko dahil sa 'W' e.
Tito Jong Suk kasi.
Wait, Birthday ni Mama? Ohmygash! Tito Jong Suk!!
Agad akong nagbihis para makapunta sa bahay. Kasalukuyan akong nasa Dorm ng Yonsei. Kailangan ko kasing
tapusin tong kurso ko in 3 months.Buti pa sila Nicole, Rose at Mae. Nag-tatrabaho na.
Palabas na sana ako ng Kwarto ko ng marinig ko ang pagbagsak ng ulan.
Kingina! Nanadya? Pinapahirapan talaga ako? Tss.
Nag-kapote na lang ako. Didiretso na lang din ako sa Anseu Bakery para bilhan si Mama ng regalo.
Ang lakas talaga ng ulan. Bakit, ganito? Aish. De bale na baka titila din agad.
Nakarating din ako ng Anseu, basang-basa ako. Walang silbi ang kapoteng to.
Buti na lang pagdating ko dito halos walang pila.
Tatatlo lang kami.
Mabilisan din silang natapos.
Binilhan ko si Mama ng isang Cute na na pusang cake, chocolate falvored.
Pinaghandaan ko naman talaga to e. Di ko lang aakalain na sasaktong may ipapagawang Thesis.
"Kamsahamnida" sambit ko dun sa tindera.
Lumabas na ako ng Shop. Buti na lang tumila tila na ang ulan. Inalis ko yung Hood ng Kapote at binuksan yung Cake.
"I bet, Eomma will like this." Ang cute lang.
Isasara ko na dapat biglang.
Booogsh.
Tumilapon yung Cake! Huta! Paano na to?
Hinarap ko yung lalaki. "Hoy! Walang--" hinatak niya ako at isinandal sa puno at hinalikan sa cheeks habang yung isang kamay niya nakatakip sa bibig ko.
Walang hiya siya! Tinapon na niya yung Cake ni Mama, tapos ako pa ang hinarass niya?
Kumakalas kalas na ako. Tapos may mga grupo ng babae ang dumaan.
"Jeon Jungkookie?"
"Kookie-ah? Saan ka na?"
Nagsitakbuhan sila. Yun na din yung oras na binitawan ako ng bastos na lalaki na to.
Naka-grin lang ako sakanya at hinampas hampas ko siya. Ang Bastos bastos niya!
"HOY, LALAKI! WALANG HIYA KA! ANG BASTOS BASTOS MONG MANYAKIS KA! TINAPON MO NA NGA YUNG CAKE NA BINILI KO! PARA SA MAMA KO YAN! WALANG HIYA KA!" Inapakan ko yung paa niya at sumigaw siya sa sakit.
"Buti nga sa'yo! Bastos! Walang modo!"
"Ako bastos?"
Hinarap ko uli siya. Sa puntong yun tinanggal niya yung Hoodie niya.
"Sa mukhang to? Mukha akong bastos?"
Para siyang familiar saakin.
"Di mo ba alam na ginawa ko yun para sa kaligtasan ko?"
"Sino ka bang hinyupak ka? Pake ko sa kaligtasan mo?"
"Jeon Jungkook, imnida~"
Jungkook? Hmm.
"Ikaw sino ka?"
"Aba! Ako lang naman tong binastos mo!"
"I mean, anong pangalan mo?"
Ang lakas ng loob niyang tanungin pangalan ko, bakit di niya tinanong yun bago niya ako bastusin?
"Pwedeng palitan mo muna yung Cake ko? Maga-alas otso na din e. Mala-late na ako sa Party ng Mama ko." Pagtataray ko sakanya at hinila ko siya sa loob ng Anseu Bakery.
--
"Kamsahmanida~" sambit niya dun sa tindera sabay kindat. Aish, ang pervert.
"Omo. Di ko aakalaing pupunta dito ang isang Jeon Jungkook para bumili ng Cake." Bulong ng isang Costumer.
"Oh." Abot niya saakin.
Kinuha ko yun sabay lakad palabas, pero hinarangan kami bigla ng isa pang costumer.
"Ah, Kookie? Pwede magpa-picture?"
Tinignan ko ng taas kilay itong si Jungkook.
"No, No, No Picture." Sambit neto at hinila ako palabas.
Ganun na ba talag siya kasikat? Tss. Sino ba tong lalaking to?
"Ano na?" Habang naglalakad kami.
"Anong ano na? Tsaka bakit ka sumusunod saakin?"
"Kaya ako sumusunod sa'yo dahil di mo pa sinasabi ang pangalan mo"
"Interesado ka ano?" Naka-ngisi kong tanong.
"Nae?"
"Sofia Song. Ayan, Happy? Please, lubayan mo na ako. Mamaya I-rape mo na ako." Natawa naman siya. Abnormal amp*ta.
"Di magagawa ng isang dakilang Golden Maknae yun."
"Whut? Maknae? Si Sehun lang ng EXO ang pinaka-gwapong Maknae noh." Pagmamayabang ko.
"Tss, I don't care. Di mo ba talaga ako kilala?"
Di ako sumagot.
"Like you know? BTS, Bangtan Sonyeondan?"
BTS? Parang Familiar.
"JUNGKOOK?!"
Napahawak ako sa bibig ko. Muntikan ko na nga uli malaglag yung cake pero buti na lang nasalo niya.
"Ahuh."
Naiiyak na ako, shet! Shet! Shet! Shet lang talaga, Dahil naging busy ako at dahil napagdesisyunan naming apat na kalimutan yung BTS na yan, hindi ko na siya nakilala.
"Sofia, Okay ka lang?"
Di ko alam pero bigla ko na lang siya niyakap ng mahigpit.
"Mianhe~Oppa." Sambit ko at tuluyan na akong tumakbo palayo.
Sa bawat takbo ko narinig ko yung tawag niya saakin. Pero ang tanging tumatak lang saakin is yung sinabi niyang magkikita pa uli kami.
"Sofia Song! See you again! Magkikita pa tayo!"
Biglang nag-vibrate yung phone ko.
Calling: Appa Joong Ki
"Yeoboseyo?"
[Sofia, Where are you?]
"Papunta na po,Mian~ natagalan."
[Bilisan mo! Hinahanap ka na nila, Tito Jong Suk!]
"Oo na." Walang gana kong sambit. Di ko pa din makalimutan si Jungkook.
Di ko akalain na umakto ako ng ganun sa harap niya. Sa harap talaga ng Bias ko? Jusko!
Sumakay na ako ng Taxi papuntang bahay. Sana di na maulit to. Sana sa muling pagkikita namin, mabawasan yung kahihiyan ko sa harap niya.

BINABASA MO ANG
Asawa Ng Bangtan [COMPLETED]
Fanfiction"Every time I want to give up on him, there's always something inside telling me to just give it a time. " -Rose "My brain says get over him, he's not worth it. But my heart says don't give up now, It's just the beginning " -Nicole "Maybe one day, I...