[Sofia]
"Hay, nako. Sa susunod kasi, Rose. Sundin mo naman yung Ate mo. Para din naman sa kapakanan mo'to e. Ayan tuloy, nagkasagutan pa kayo."
Naglalakad kami ngayon ni Rose papunta sa isang Mall para magpakaliwaliw habang di pa nagsisimula yung concert. Masyado kasing napaaga yung punta namin dito sa Daegu.
"Di ko naman sinasadya e, Tsaka...Nakakahiya kasi nasa harap namin si Jimin." sambit niya in a low voice.
Hays, kung alam mo lang Rose kung gaano kami kagalit kay Jimin dahil sa nangyare sa'yo. Pero wala naman siguro ako sa pwesto para sabihin sa'yo yun, baka sa tamang panahon.
"I'll make it up to her na lang? Alam ko kung gaano kapagod si Mae ngayon. Di ko na dapat talaga ginawa yun." Hinila niya ako papasok sa isang Shop.
Pumasok kami sa XN Milano Shop kung saan merong 600 fashion shops.
"Wow, Ang ganda dito." bulong ko.
"Yeah, at I'm sure di kayo nababagay dito." Yung boses na yun. Argh! Hanggang Daegu ba naman? Rica!
"Oh, Hello there, Btch!" I emphasize the word btch ng malaman niyang siya ang tinutukoy ko.
"What brought you here? BTS? Saan mo naman napulot yang peke mong ticket?" Sasagot pa sana ako kaso..
"Sofia! Pwede na ba to?" Lumapit saakin si Rose na may dalang damit. Natigilan ako kasi kitang kita sa mukha ni Rica yung pagkagulat. At bakit?
"Sino to?" Nabaling ang tingin ni Rose kay Rica. Nakapamewang na siya at napalitan ng pagkangisi yung mukha niya. "I'm the one and only Rica Soo. The hell you care, btch?"
"Aba! Di ko gusto tabas ng dila mo ah! Onting respeto, kilala mo ba ako?" Lalo pang lumalim yung ngisi niya na para bang nagbibigay siya ng kahulugan.
"I don't think so. Wala na akong balak kilalanin ka pa. Kaya, step aside. Dadaan ako."
"Edi dumaan ka. Lawak lawak ng paligid mo oh. Sa gitna talaga ng dalawang maganda?" Sambit ko at pagkadaan niya hinarang ko yung paa ko at muntik na siyang masubsob.
"Tara na." Inaya ko si Rose. Hindi ko na hinayaang magantihan pa kami ni Rica at magkagulo pa dito sa Shop na to.
Kung mamalasin ka nga naman diba? Mukha pa ng Rica na yun ang sumalubong sa'yo. sa dinami-daming tao dito sa Korea. Hays
"Sino ba kasing Rica Soo yun?" Curious na tanong ni Rose. "Don't mind that btch. Tara kumain na lang tayo, tsaka natin ipagpapatuloy yung paggagala natin." sambit ko at dinala ko siya sa Balaji Restaurant.
One of the famous Restaurant here in Daegu. Umorder na kami at nahagip ng mata ko si...Riva?
Papasok siya ngayon kasama si Rica. Pucha naman oh! Kailangan talagang makakita ng btches ngayon?
Di na ako magtataka kung makikita nila kami ni Rose.
"Dra. Soo!" Sigaw ni Rose at nabaling naman ang atensyon nila sa pwesto namin. Binulungan ko si Rose na huwag niyang gawin yun pero hindi, ginawa niya talaga. Aish!
Natigilan lang siya ng makita niya nanaman si Rica. Natulala siya pero natauhan din ng nasa harapan na niya silang dalawa. "Oh, Rose. Gumagala ka na? Hindi ba delikado." Bati ni Riva. As if naman concern siya. Tss
Nag-bow si Rose at sinabing Okay naman siya. "well, I'd like you to meet my sister, Rica Soo." Naparolled eyes na lang ako. Kailangan pa ba ipakilala yan? Tsk.
"I already knew her." Sarcastic na sabi ni Rose. Woah! bring it on 'Ahn' hahaha
"Oh, Is that so. Nagkakaigihan naman siguro kayo?"
BINABASA MO ANG
Asawa Ng Bangtan [COMPLETED]
Fanfiction"Every time I want to give up on him, there's always something inside telling me to just give it a time. " -Rose "My brain says get over him, he's not worth it. But my heart says don't give up now, It's just the beginning " -Nicole "Maybe one day, I...