55

82 5 0
                                    

[Aris Ong]

"Aris!? Panget!? Oy!! Ong!!!" Ang ingay ni Sofia -_-

"Bakit!?" Sigaw ko pabalik.

"Naiihi na ako!!" Katok siya ng katok. Tss sabi ko naman kasi sakanya, wag ng pumunta dito e. Ako na lang dapat sumundo sa bahay nila. Kulit, masyadong excited makita kagwapuhan ko. Ayan tuloy sa sobrang excited di pa ako nakakaligo.

"Mamaya. Di pa ako nakakasabon!" Sigaw ko pabalik.

"Ako na magsasabon!"

"Sige. Tara, bubuksan ko na ah."

"ABNO! BILISAN MO NA LANG! NAIIHI NA AKO! PAMBIHIRA NAMAN KASI! BAGAL! PANGET!" Humirit pa ng 'Panget' nageenjoy siya tawagin ako niyan ah.

Binilisan ko na lang baka kasi sumabog pa pantog nun, magkabaha pa dito.

Paglabas ko. Nagulat ako muntikan na akong madulas sa sigaw niya habang nakatakip ang mata.

" ba-bakit?"

"BAKIT DI KA PA NAGBIHIS SA LOOB!?" nagtatakip pa din siya ng mata. As if naman di niya to makikita in the near future.

Balak kasi namin mag-date ngayon. Parehas naming day off or should I say, sinadya talaga namin na parehas mag-day off para magsama.

"Umihi ka na lang dun, Flat!" Tinulak ko siya papasok ng banyo.

Mabilis din naman siya nakapasok. At dahil sa bilis, di pa din ako bihis. Naka semi-higa ako dito sa maliit na kama ko.

"ANG LAKAS MO TALAGA MAGPA-DISPLAY NG PANDESAL MO DIYAN!?" Umiiwas siya ng tingin. Pa-inosente pa tong flat na to.

"Ba-bakit ka ng-ngumingisi d-diyan a-ah?" Napa-smirk na talaga ako ng todo. Sarap kaya asarin netong si Sofia. Hinabol ko siya at tumakbo naman siya ng napaka-bilis. Naghabulan kami dito sa maliit kong Unit.

"Huli ka!" Binuhat ko siya ng Bridal Style at inihiga sa kama ko. Kinliti ko siya ng kiniliti hanggang sa mamula na siya sa sobrang kakatawa.

"A-ARIS! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA TA-TAMA NA-NA! HAHAHAHAHAHAHA"
"Wala! Wala! Hahahahaha" di siya makaganti kasi nasa ibabaw niya ako.

Natigil lang ng bigla siyang nabilaukan. Itinayo ko na siya at hinagod ang likod. "Okay ka lang?" Thumbs up lang ang natanggap ko at patuloy pa din siya sa pag-ubo.

Kumuha ako ng tubig pagbalik ko namumutla na siya. "A-aris?" Sambit niya. Nagbihis ako agad at dinala siya sa pinakamalapit na Center. Ayoko kasi na ako mismo ang titingin sakanya. Baka kasi, mali ang pag-examine ko.

"Doc kamusta?"

"Aris. Dapat di mo na ako dinala dito. Okay na ako, nakakahiya." Sambit niya. Nakaupo siya sa upuan kaharap namin ang doctor.

"Ssh." Sambit ko at buti na lang tumahimik siya.

"Okay naman siya, Wag lang siyang masyadong I-istress kasi, maaring mag-cause ito ng Asthma. Habang maaga mas mabuting agapan na ang paghina ng baga niya."

Sht! Sht! What have you done, Aris!!! Binigyan kami ng doctor ng reseta. Pagkatapos nun, dumiretso agad kami sa isang store para bumili ng gamot.

"Aris, di mo naman kailangan gawin to e. I'm fine. Totally fine." Tinignan ko siya.

"Sorry. Kasalanan ko." Nginitian niya ako. Pinisil niya ilong ko kiniss to.

"Ay nako, nakokonsensya na ang pinakamamahal kong abnormal. Kawawa ka naman." Aba, inasar pa ako.

Nainis ako sa sarili ko. Hinatak ko siya at hinalikan. Ito na lang siguro ang magiging sorry ko sa ginawa ko.

Kumalas ako sa halik baka maubusan siya ng hininga. Ayokong may mangyare nanaman sakanyang masama.

Nagulat siya. First Kiss ata niya yun?

"Okay lang, Aris." Sambit niya. Then peck my cheeks.

"I love you, Sofia." Then I kiss her forehead.

"I love you more, Aris." Niyakap namin isa't-isa.

"Pwede na ba natin ituloy, date natin?" Natatawa niyang tanong. Tumango ako at nginitian siya.

Ikaw na talaga ang gusto kong maging akin habang buhay.

[Riva Soo]

"Huwag kang ta-tanga tanga, Mich!"

"Di ko naman alam na kakailanganin mo pala yun kaya di ko na d--" di ko siya pinatapos, sinampal ko siya. Hinila ko buhok niya at pinasok sa Janitor's Room. Ni-lock ko yun doon.

"Magdusa kang hinayupak ka! Asaan ba utak mo? Doctor ka pa din naman!" Sigaw ko.

"Ate Riva. Buksan niyo po." Umiiyak siya. Bahala siya sa buhay niya.

"Sissy!" Nakita ko si Rica. Nagtatakbo at merong dalang bouquet.

Nagbeso kami at niyakap ang isa't-isa. Nagulat kami dahil nasa tapat pa kami mismo ng Pintuang pinag-lockan ko kay Mich.

"What the hell!? Anong ginagawa ng babaeng yan diyan sa loob!? Nababaliw na talaga siya!" Pagaalburuto ni Rica.

"Ni-lock ko siya sa loob. I'm stressed over her. Naiinis ako!"

"Kung sa bagay, hayaan mo siya." Hinila ako ni Rica sa office namin. Mukhang importanteng tao ang nagbigay sakanya ng bulaklak kaya ganyan siya maka-asta.

Pilit niyang niyayakap at inaamoy.

"Sino nagbigay?" Interrupt ko sa magandang mood niya. Tumili naman ang bruha.

"Ito na nga e. Sasabihin ko na." Kumuha ako ng kape at iniabot ko sakanya.

"Go, sabihin mo."

"Kami na!"  Napakunot ang noo ko.

"Kami na ni Jungkook!" Napangiti ako.

"Good! Naayon talaga lahat."

"Naayon talaga sa lahat. Buti na lang sinagot niya ako." How pathetic. Siya talaga ang nanligaw. Well, ako? Iba ang paraan ko para mapasaakin uli si Taehyung. Just wait and see, Nicole Song.

Hindi porket matagal na kayo, magtatagal na kayo habang buhay.

"Dra. Riva? Tawag ka ni Dr. Seo" ito na naamoy ko na ang para saakin.

"Well, congrats, Sissy! I've better go. Tawag ako ni Daddy." Then kiniss ko siya sa cheeks.

Pumunta ako sa Main Office ni Daddy. Dahan-dahan ko yun binuksan para malaman kung sino ba talaga ang sadya ko dito. And as expected. Ito na talaga ang araw para mapasaakin na siya.

"Riva. Sit down, andito na si PD-nim." Nakipag-kamay ako naupo. Gusto ko ng ngumiti in success pero di pa dapat dahil hindi pa naman ito ang oras. Tsaka na ako ngingiti kapag nasa tabi ko na siya.

"I already paid you a half a billion. Now what can you do?" Sambit ni Daddy kay PD-nim.

"Masisigurado ko po na mapaghihiwalay si Nicole at Taehyung. Thank you, Dr. Seo" napangisi na lang ako.

"The half billion will be paid kapag nagsama na sa iisang bubong si Riva at Taehyung." Sambit ni Daddy at nagkamay sila.

"Thank you, PD-nim. Hindi ka naman pala mahirap kausap." Sambit ko at niyakap siya.

"Anything, Ms. Soo, soon enough mapapasayo na si Taehyung."

Nawala man si Suga sa kamay ni Chelsea, alam kong may iba pang paraan at yun ay si Bambam, next up, Jhope, Rapmon & Jin. Jimin has Adeline. The sweet but sour revenge has already began.

Asawa Ng Bangtan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon