24

106 7 1
                                        

[Sofia]

"Sige na, Manager umalis na po kayo. Papasok na lang po ako bukas kung sakaling anuman ang magiging desisyon ko." Sambit ni Mae.

Di pa din ako makapaniwala na mangyayare to ngayon kay Rose, tapos Retrograde Amnesia? Jusko! Mamaya di niya na ako maalala. Pero, sabi nung doctor, yung mga bagay na makakalimutan niya lang is yung huling bagay na tumatakbo sa isip niya.

"Jaden, Ikaw din umuwi ka na din muna." Sambit ni Nicole.

"Ayoko, Ayokong iwan si Rose." Pagmamaktol niya. Lumapit naman si Nicole sakanya at hinawakan yung braso niya. "Magiging 'okay' din ang lahat, Jaden. Sa ngayon, kailangan muna natin maging matatag. Di naman namin iiwan si Rose e." Niyakap na lang ni Jaden si Nicole at tumayo paalis.

Napabuntong-hininga na lang kaming tatlo. Sila Eliza kasi sumama na kayla Manager pabalik ng BigHit samantalang si Mich naman pinauwi ko na.

"Anong sabi ni Tito?" tanong ko kay Mae.

"Papunta na daw sila." Tumingin ako sa orasan ko at maga-ala una na pala. Sakto namang pinuntahan kami ni Dr. Seo, pwede na daw ilipat si Rose sa Private Room, ngayon lang kasi sila nag-asure matapos linisin yung Operation.

"Salamat po." saktong bumukas yung pintuan ng operating room. Nakita namin na nakahiga si Rose sa hospital bed at naka-balot ang buong mukha niya. Naiiyak nanaman ako sa tuwing nakikita ko siya.

Sinundan namin yung Hospital Bed ni Rose papunta sa Private Room niya. Pagdating namin doon, may pinirmahan si Mae na papeles ng pag-stay dito ni Rose. Namumugto na yung mga mata ni Mae kakaiyak.

" Mahirap man sabihin pero, under coma pa ngayon ang kapatid mo, Ms. Mae. Wala pang naakaalam kung kailan siya pwedeng magising."

Nadagdagan nanaman yung bigat na nararamdaman ni Mae ngayon. "maiwan ko muna kayo." lumabas agad si Doc ng kwarto.

Naupo kami ni Nicole sa Mini Bed dito. Si Mae naman lumapit sa kama ni Rose at hinawakan ang kamay neto.

"Rose, naman eh! Wag mo na akong pahirapan! Gumising ka na diyan! Iuuwi na kita bago pa tayo mapagalitan nila Mama." sambit ni Mae.

Naaawa na ako sakanya, kung ako din naman ang nasa pwesto niya ganyan din naman ang mararamdaman ko.

"Nics, uwi muna kaya ako? Kukuha lang ako ng gamit tapos babalik na lang ako dito."

"Huwag na Sofia, delikado." Huh? Paano?

"Bakit?"

"Baka mamaya, huwag naman sana noh? Baka mamaya Mapahamak ka, pagkatapos ni Rose, ikaw naman."

Okay, O.A na ni Nics ngayon. Kung sabagay, baka nga naman, lalo pa't hindi namin alam kung sino ang may pakana neto.

Kinuha ko na lang yung phone ko at nag bukas ng Facebook.

"What the fvck!!" Sigaw ko.

"Ba-ba-bakit?" tanong ni Mae.

HInarap ko sakanya yung phone ko at pinakita yung kumakalat sa Social Media ngayon.

"Holy Sht! Sino ang nagpakalat niyan!" Sambit ni Nicole.

BTS's Staff Slapped  BTS Park Jimin.

"Huwag niyong sabihing may nakakita saatin dito kanina?" sambit ko.

Naiiyak nanaman si Mae. "Ano ng nangyayare? Bakit ganito! P*cha naman oh!" Sigaw ni Nicole sabay sipa dun sa upuan na kaharap niya.

"Nicole! Baka magising si Rose agad at magkaroon ng malfunctioned ang kung ano man ang bumabagabag sakanya" Pag-aalala ko. Sabihin na nating gusto talagga naming magising na si Rose ngayon pero alam kong hindi pa biglaan, alam ko yun dahil doktor din ako. Di pa nga lang Official.

"Ano ng gagawin natin ngayon?" Tanong ni Mae. Sht! Nagkakagulo na ang mundo namin.

"Why won't we check the CCTV?" Suggest ko.

"Sige! Ako na lang ang maiiwan dito kay Rose." Sagot ni Mae. Agad agad naming inabot yung doorknob pero...

"Papa?" Sabay sabay naming sambit tatlo.

Nasa harap namin ngayon si Papa, Mama, Tito Jae Hyun, Tita Hye Sun, Tito Jong Suk, Tito Seung Gi, Tita Ara at Oppa Yunhyeong. Halos buong pamilya na pala namin.

"ROSE!" Sambit ni Tita Hye Sun at agad pumunta sa tabi ng higaan ni Rose at umiyak.

Niyakap namin si Papa at Mama. "Kayo, Okay lang ba kayo?" tanong ni Papa at Mama saamin ni Nicole.

Tumango kami at nagpa-alam na pupunta kami sa Cr. Lumabas din kami agad para di kami mahalata, tsaka mukhang kailangan nila ng Privacy matatanda. Except Mae, dahil alam naman naming kailangan niyang i-explain ang tungkol kay Rose.

"Ah, Ms? Pwedeng magtanong? Saan po makikita yung Video ng CCTV footage niyo?"

Taas-kilay niya kaming tinignan. Mula ulo hanggang paa pa talaga,
pagkatapos nun she smirks at us. Tinalikuran niya din kami agad.

"Ahh Exc--"

"Sssht!" Sabay taas ng kamay niya causing me to stop. Hinarap niya uli kami.

"Di mo ba nakikita na nakadamit ako na pang-doctor? Kaya ayus-ayusin mo yang pagsasalita mo iha ah"

Aktong susugod na si Nicole kaso pinigilan ko siya. Hindi ko ata gusto ang tabas ng dila niya kahit na kung titignan mo siya eh mas matanda pa siya saakin.

"Ms. or should I say Doc. Nagtatanong lang naman ako diba? Binibigyan mo agad ng meaning."

Di na nakatimpi si Nicole kaya sumingit na siya. "Tama na nga satsat. Tara na Sofia, sa iba na tayo magtanong." Hinila niya ako pero pinigilan kami ng babaneg to.

"Di niyo ba alam na mahigpit na pinagbabawal na malaman niyo kung nasaan." Sambit niya.

"Huwag mong sabihin saamin ngayon na ikaw na ang may ari ng Ospital na to. Ano nanaman ba ang sunod? Ikaw nagpagawa ng bulding na to?" Mataray na sambit ni Nicole.

"Guard! Pakilabas nga tong mga batang to." Nagsisigaw na siya. O.A niya. -.-

"Hephephep. Kaibigan namin ang isa sa mga pasyente dito at bakit mo kami papalabasin dito? May gusto lang naman kaming malaman sa CCTV footage niyo eh!" Sambit ko.

Papalapit na yung guard saamin para palabasin kami sa Ospital, buti na lang dumating si Dr. Seo

"Ms. Riva Soo, What's happening here? bakit mo pinapalabas tong mga to, eh kaibigan siya ng  isang patient dito." Pagaawat ni Dr. Seo

Binitawan naman agad kami nung mga gwardya.

Nagdahilan pa tong si Soo. Soo? kapatid ba siya ni Rica?

"Di bale na lang po, Dr. Seo. Salamat!" Sambit ni Nicole at tuluyan na kaming bumalik sa Kwarto ni Rose.

"Paano na to ngayon?" Pagaalala ni Nicole. Di pa man kami nakakapasok.

"Di ko alam." Sagot ko.

Ang hirap lutasin ng mga bagay na wala kang alam kung sino ang may pakana.

Asawa Ng Bangtan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon