39

78 7 0
                                    

Dedicated to: shaineybubbles_08 enjoy!

[Angela Kim]

"Asaan sila?" Nagulat ako sa tanong na yun ni Jin. Nagbabasa kasi ako ng magazine dito sa may sala.

"Uy, Jinjin. Si Taehyung nasa loob inaalagaan ni Nicole. May sakit pa din kasi e. Si Namjoon naman umalis kasama si Eliza, si Suga din umalis kasi daw may kikitain. Si Jimin at Jhope ganun din pero di ko alam kung saan sila pupunta."

Naupo siya sa harap ko. "Si Jungkook?" Tanong niya.

"Pinuntahan si Sofia. Maguusap daw sila." Napa-'ahh' na lang siya at aktong tatayo na pero pinigilan ko siya.

"Bakit?"

"Wala. I'm just happy." Sambit ko.

Masaya naman talaga ako kasi, okay na kami ni Jungkook. Okay na as in, Feeling ko walang namamagitan saamin back then. I'm happy kasi for sure onti-onti na niya ng mare-realize na si Sofia ang dapat sakanya at hindi ako.

"Masaya ka? At bakit naman?"

"Kasi nandiyan ka." Madalian kong sagot sakanya.

Natigilan siya at nanlaki ang mata pero naging blanko din ang expression.

"This is not right, Angela. Bawal to!" Sigaw niya.

Nagulat naman ako. Napatayo na din ako kagaya niya. "What?"

"I promised Jungkook na hindi ko hahayaang mapalapit ka saakin. Kayo ang dapat. Now, Leave me alone. Matagal ko naman na tong gusto e. Sawa na kasi ako Angela."

Di ko siya napaigilan pero siya din kusa ang tumigil at tinitigan ako.

Naiiyak na ako. Well, umiiyak na ako sa harap niya ngayon. Kung alam lang niya nararamdaman ko.

Di naman ako nakakaawa pero siguro kung titignan ko sarili ko ngayon. Basag na ang salamin dahil sa itsura ko.

Humagulgol na ako ng humagulgol. Di ko na nga nagawang sagutin siya.

"Angela..." Then he hug me.

"Jin, Am I not worth it? Pangalawang beses na nangyare to ah. Haha " tawa ko sabay iyak uli.

Shocks! Baliw ka na Angela Kim.

"No, Don't say that. You're worth it. Pero hindi kasi pwedeng maging tayo." Kumalas ako sa yakap at tinitigan siya sa mata.

"Why?"

"Di ko kasi kayang makita na nasasaktan kayo parehas ni Jungkook. Alam kong wala na kayo, pero I know na may onti pang feelings na nananaig diyan sa puso niyo." Sambit niya then he smiled at me.

"I'm sorry. Pero, I need to distance myself from you." Then he left me.

Aish, Masyado kang mabait Kim Seokjin, kahit ikaw na ang gusto para lang hindi masaktan ang kaibigan mo, nagsasakripisyo ka pa din. Pero, sht lang! Mas malaki na ang sinasakripsyo ko.

I went out at biglang umulan. Pati ulan nakikisabay. Well, who cares? Argh. Sawi ako ngayon kaya dapat lang maki-sabay siya. Wala na akong katuwang na iba noh.

I went on a Bar.

"Kuya, isang case." Sambit ko dun sa bartender.

A couple of minutes passed at dumating na din yung case ko.

"Salamat!" Sambit ko, di pa ako nakakainom pero dahil sa luhang patuloy na umaagos para na akong lasing.

Uminom ako ng uminom, wala na akong pake dahil ito lang naman ang tanging solusyon.

How can a man loves me back?

[Unknown]

"Bro! Late ka nanaman! Ngayon nga lang tayo walang, practice. Tsk."

Naupo ako sa isa sa mga bakanteng upuan sa tapat ni Xiumin.

Di pa din ako umimik. Kumuha ako ng isang beer at tinungga to na para bang wala ng bukas.

"Kai naman. Wag mong masyadong dibdibin ang galit ni Manager sa'yo. Ikaw naman kasi e. Pinakawalan mo pa si Rica." Tawa ni Suho

Di na ako makatimpi kaya binagsak ko yung beer at tumayo. Hinawakan ko yung kwelyo niya. Lasing siya pero dapat kinokontrol niya sarili niya.

"Wala kang alam, Kaya manahimik ka." Sambit ko at binitawan siya.

Sapat na ang isang bote para mawala ang sakit, sakit ng nakaraan.

Naghood ako at lumabas ng Bar. Habang naglalakad pabalik sa dorm nakarinig ako ng isang hagulgol na may kasabay na tawa.

Di ako nagdalawang isip na tignan.

"Ikaw! Minamahal kita, pero sinkripisyo mo pa din yun para sakanya! The hell!" Sambit nung boses habang umiiyak, tapos bigla na lang siyang tumawa.

The next thing I know nagsuka na siya. Nilapitan ko siya para pakalmahin dahil hindi maganda sa isang babae na maglasing. Delikado.

"Ms? Ikaw lang?"

Tumawa siya. "Obvious ba? Matagal na akong nag-iisa, brad!" Sambit niya sabay iyak uli tapos tawa nanaman.

Nagsuka nanaman siya pagkatapos nun. Nginitian niya ako habang papikit-pikit ang mata.

"Alam mo ikaw? Ang bobo mo! Minahal kita! Gago ka ba? Well, mas gago naman kasi ako! Hahahaha, Minahal kita na as if naman na mamahalin mo din ako pabalik!" Umiyak nanaman siya.

After nun, block out na. Nawalan na siya ng malay.

Wala na akong choice kundi dalhin siya sa condominium ko.

Hiniga ko siya sa sofa ko at doon iniutos ko sa kapaitbahay ko na si Irish na pahiramin at bihisan siya dahil puno ng suka yung damit niya.

"Saan mo nanaman napulot tong babaeng to, Kai?" Sambit ni Irish.

"Hoy! Irish Yee, mahiya ka naman diba? Mas maganda pa yan sayo!" Sagot ko. "Bihisan mo na lang, magbibihis na din ako." Then, I walk towards my room.

Pagpasok ko ng kwarto ko biglang sumigaw si Irish.

"Libre mo'ko dinner pagkatapos neto, Kai ah." She chuckled. Hays, Ano pa nga ba?

"Oo na!" I replied back.

After a couple of minutes. Limabas na din ako saktong nabihisan na ni Irish yung babaeng lasing.

Hinanap ng mata ko si Irish pero wala siya. Onti-onti kong nilapitan yung babae.

"Kawawa ka naman, Ms. Sawi ka din pala katulad ko." Bulong ko. Hinawi ko yung buhok niya palikod sa tenga niya.

"Pst. Boy! Tama na yan, baka magselos si Rica." Sambit ni Irish na bigla bigla na lang sumusulppt nowhere.

"Loka. Tara na nga." Sambit ko sakanya.

Iiwan muna namin si Babaeng lasing saglit to grab some dinner dahil for sure di ako tatantanan ni Irish.

Pero bago pa man kami makalabas. Narinig kong nagsalita si Babaeng lasing.

"I love you, Kim Seokjin." Klarong klarong narinig ko yun.

Tama ba ang iniisip ko? Si Kim Seokjin ng Bangtan Sonyeondan ang binabanggit niya?

Asawa Ng Bangtan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon