30

110 4 0
                                    

[Nicole]

"Come On Guys! Give your best! Last Practice then Dry run for tomorrow. 2 araw na lang!" Cheer ni PD-nim sakanila.

Ilang araw na lang magco-concert na sila at lalarga na kami patungong Daegu bukas. Ilang linggo na din ang nakakalipas pero di pa din nagigising si Rose.

Pero ina-asure pa din namin kung, Okay siya. Last week nga doon kami natulog para bantayan siya kasi may urgent meeting si Tita at Tito. Kaya sinamahan na lang namin si Mae.

Ilang oras na din naming tinuturuan tong pito. Di pa nga dapat kami mangialam dito pero, wala din naman kaming magagawa kung di kami tutulong. Ayaw naming ngumanga.

"Nasaan si Jungkook?"

"Wae?" Buti na lang dumating siya agad. Nagulat ako ng mahagip ng mata ko si...

"Sofia?!"

"Nicole!" Sambit niya at tumakbo papalapit saakin. Hinawakan ko siya sa braso.

"Anong ginagawa mo dito?!" Bulong ko.

"Gusto lang kita yayain para pumunta kay Rose sa Haesung." Napapoker face ako.

Takot ba siya kay Riva? Tss. Lumapit saamin si Mae.

"Bakit Sofia? May bantay naman si Rose sa Ospital ah."

"Magpapasa ako ng Requirements, tapos bibisitahin ko na din si Rose. Kaso, wala akong kasama."

"Takot ka lang sa Rivang yun e!" Sambit ko pero mahina lang. Nada corner kami ng Practice Room kasi nakakahiya kung maguusap kami sa harap nila PD-nim.

"Riva?" Tanong ni Mae.

"Oo, yung btch na doctor sa Haesung." Pagtataray ko.

"Parang kilala ko siya." Sambit ni Mae.

"Kilala mo? Bakit, tinaray-tarayan ka na din ba niya?" Pangagalaiti ni Sofia.

Umiling-iling siya at sinabi niyanh nakilala lang daw niya si Riva sa panaginip niya?

"Oo, siya nga ang pumatay kay Rose e." Napanganga kami. What?! Nakilala niya si Riva sa panaginip ng hindi nakikita in person?!

"Mae?!" Tawag ni Suga. Pambihira tong Suga na to, ayaw na ayaw mawala si Mae sa paningin niya.

"Sge, punta na lang tayo maya." Paalam ni Mae. At tuluyan na siyang tumakbo papalapit kay Suga.

"Diyan ka lang ah. Tatapusin lang namin to." Utos ko kay Sofia at naupo naman siya sa isa sa mga upuan doon.

Bumalik na kami sa practice. Nag-break na din kami ng 2 beses nakita ko ngang inabutan ni Jungkook ng makakain si Sofia.

"Okay, don't forget for tomorrow's schedule. Walang mala-late. Ang mala-late wag na sumunod." Sambit ni PD-nim.

In-explain niya saamin yung mangyayare bukas, kung anong oras kami aalis, kung anong mga specific things na dadalhin namin.

Di pa man kami nakakalis ng Kwarto biglang nagwala si Sofia.

"NICOLE! NICOLE! MAE! MAE!" Pagsisigaw niya. Nakakahiya talaga tong si Sofia. Tss -_-

"Why?!" Si Jungkook pa talaga ang unang nag-react ah.

Halata sa mukha ni Sofia ang pagkakaba. Parehas sila ng Facial Expression ni Mae ngayon.

"Si Rose..."

Time Skip

Agad kaming umalis para makapunta na ng Haesung. Buti na lang hindi traffic kaya nakarating din kami ng di oras.

Umakyat kami sa Private Room ni Rose at pagbukas namin ng pinto.

"Rose?"

Gising na siya.

Pinapakain na siya ni Tito Seung Gi. Nakaupo siya ngayon sa higaan niya. Blanko lang ang mukha niya na para bang...hindi niya kami kilala?

Di na napigilan ni Mae ang pag-iyak kaya lumapit agad siya kay Rose ay niyakap to.

"Rose? Kamusta ka na?" Hagulgol na tanong ni Mae kay Rose. Di umiimik si Rose. She did not hugged back.

Nakatingin lang siya ng diretso.
Kumalas si Mae sa pagkakayakap. Tinignan niya sa mga mata si Rose, ganun din si Rose. Pero, Wala pa din.

Diba sabi ng doctor, Retrograde Amnesia? Yung mga bagay na naiisip niya nung bago yung aksidente lang ang makakalimutan niya?

Bakit ganito?

Wait, di kaya naiisip niya kami nung mga panahong yun? Jusko!

"Rose! Sofia Song oh?! Pinakamaganda saating apat! Huhu" naiiyak na din si Sofia.

"Rose! Sofia Song! Huhu" tuluyan na ngang pumatak yung mga luha na kanina pa gustong pumatak sa mga mata niya.

Lumapit ako sakanya. "Bessy?" Hinawakan ko yung kamay niya.

"Tayo na nga lang magkasangga, kakalimutan mo pa?" Sambit ko.

"Paano na to? Sino na kasabwat ko sa mga patibong para kay Sofia?" Mangiyak ngiyak kong sabi.

"Ang sama mo!" Singit ni Sofia sabay hampas sa braso ko.

"Rose?" Sambit ni Mae.

"Nae?" Sagot ni Rose. Ngumiti siya, kahit na may mga sugat pa onti yung mga mukha niya di makakaila na maganda pa din siya. Naibalik nga ni Doc ang mukha niya.

Nagulat kami ng biglang tumawa si Tito.

Hinawakan niya yung kamay ni Rose at nagtinginan sila, which is nagpa-confuse saaming tatlo.

"Cut!" Sigaw ni Tito.

"Kamusta? Ang galing kong umarte noh! Haha" samnbit mi Rose na nagpagaan naman ng damdamin namin.

So, hindi niya kami nakalimutan. Hays, Letche! Hahaha

"Ikaw ah! Pinakaba mo'ko dun." Sambit ni Mae with matching hawak pa sa puso.

"I love you, too. Mae." Sagot ni Rose tapos tumawa.

"Thank you sa pagdalaw. Hahaha jk. So, Anong na-miss ko?" Tanong niya with matching ngiti na kita buong ngipin. Hahaha

Namiss ko lang siya.

"Wala na--" nagulat ako kasi sasabihin ko pa sana yan kaso biglang bumukas yung pinto kasama ang BTS.

"Anong ginagawa niyo d--" naudlot nanaman ang sasabihin ko dahil bigla na lang sumigaw si Rose.

"OMG! Bangtan is here!! Annyeonghaseyo~" nagbow pa si Rose kaso bigla siyang pinakalma ni Tito.

"Rosi, Calm down." Naupo na lang siya uli.

Sa huli, nagtama ang mata nila ni Jimin. Ang lakas ng loob niyang pumunta dito pagkatapos ng lahat?

Nagkaroon ng katahimikan sa buong silid.

Tanging lunok na lang ni Jimin ang naririnig ko.

"Jaden?"

Tanong ni Rose habang nakatingin kay Jimin. Saktong bumukas ang pinto bungad ang presence ni Jaden.

Destiny is really damn smart. Hinayaan niyang kalimutan ni Rose yung taong mahal niya para di siya masaktan.

Asawa Ng Bangtan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon