6

153 10 0
                                        

[Mae]

"Wala na bang mas bibilis pa, Mang Seb?" Takte naman oh. Kung mamalasin ka nga naman, ngayong araw pa. Hindi na lang pinagpabukas.

"Ahh, Mae? Rose? Bababa na lang kami dito. No need to ride us hone. Sige na." Sambit ni Nicole.

Napakunot-noo naman si Rose, alam kong hindi siya sang ayon.

"No way, Nicole. Ihahatid namin kayo."

"Pero ka----" tinakpan ko yung bibig ni Sofia. Sa ganitong palagay, hindi na magandang magsagutan pa sila ni Rose. Mahirap suwayin si Rose lalo na kapag natataranta na siya.

Kringg, kringg

Calling- Eomma

Natigilan lahat, pati si Mang Seb natigilan kasi traffic.

"Yeoboseyo, Eomma?"

[Baby, pauwe na kami ng Appa niyo. Kasi, natapos agad yung shoot e.]

Napalunok ako, tinignan ko si Rose, nakikita na kinakabahan din siya.

Hindi kasi talaga kami nag-paalam e.

"Good to hear that, Eomma."

[Well, malapit na din naman kami. What are you doing there? Is Rose asleep?]

Di ko na alam ang isasagot ko. Tinignan ko, once again si Rose.

"Sabihin mo oo, tulog ako" bulong niya.

"Ah, Oo Ma! Tulog siya."

[Aww, is that so. Well, We'll be home any minute now, Annyeong~ Mwa.]

Call Ended

"Waaah! Ano ng gagawin naten?!" Sambit ko.

"Huwag kayong mag-alala Mae, malapit na tayo sa Subdivision nila Sofia" singit ni Mang Seb na halatang natataranta na din.

Pinakalma namin siya baka kasi magalaw niya ang manibela sa maling direksyon lalo kaming mapapahamak.

Ilang minuto ang nakalipas nakarating na din kami sa bahay nila Nicole.

"Annyeong! Chat us na lang later~ kailangan na kasi talaga naming umuwe" sambit ni Rose at nag-wave kami.

Sa loob ng sasakyan hindi na kami mapakali.

Paulit ulit na nage-echo sa isip ko yung sabi ni Mama na wag na wag daw kaming lalabas na hindi kami nagpapaalam sakanila. May times talaga na over protective sila, may times din na okay lang sakanila.

Sana this time, okay lang.

Mahigit kumulang 20 minutes ng makarating kami sa bahay.

Agad kaming pinagbuksan ni manong guard ng Gate. Pagbukas na Pagbukas ng gate. Nakatayo si Papa at Mama doon sa may Front Door.

Si Mama nakapemewang, si Papa naman naka-cross arms.

Nagkatinginan na lang kami ni Rose.

"Lagot tayo" sambit naming dalawa.

[Nicole]

"Sana hindi pagalitan sila Mae at Rose para naman makaulit tayo uli. Sayang naman kasi diba? Wala akong na-meet kahit isa." Sambit ni Sofia habang binubuksan ko yung pintuan.

Pagkabukas namin, si Mama't Papa agad ang bumungad saamin.

At hindi lang yun, si Oppa Yunhyeong andito.

Tumakbo agad si Sofia kay Oppa Yunhyeong.

"Oppa!" At niyakap ito.

"Tsk. Tsk. Ang dalawa kong saeng, gumala ng hindi nagpapaalam." Sambit ni Kuya, at ginulo niya yung buhok ni Sofia.

"Saan kayo galing?!" Tanong ni Mama.

Sasagot pa sana ako kaso.. "Hindi ba mahigpit kong bilin na kung aalis man kayo, sasabihin niyo saamin ng Papa niyo?!"

Nakayuko lang ako, yung mga luha ko kanina magpapatuloy ngayon.

"Anak. Ayos naman kung aalis kayo, at magbo-bonding nila Rose at Mae pero huwag naman sa ganito? Arraeso? Pinagaalala niyo kami ng Mama niyo." Kalamadong sabi ni Papa habang hawak hawak niya ako sa braso.

"Ayan, sige. Spoiled brat talaga yang mga yan sa'yo Joong Ki. Kaya hindi sila natututo e. Masyado mo silang bina-baby." Sambit ni Mama.

"Wala namang nakaalam na Song kami. Tsaka, hindi naman kami lumayo, Ma. Kahit na katiting wala kaming nakalimutan sa mga sinabi mo." Sagot ko.

Sa totoo lang, ngayon lang ako sumagot uli. Hindi ko gawain to, pero dala na din ng emosyon di ko na napigilan.

Aktong sasampalin sana ako ni Mama kaso dinepensahan ako ni Papa.

"Ma. Huwag." Sambit ni Papa. Umiiyak na ako, maski si Sofia umiiyak na din. Napakabata namin kung tignan pero matured na kami.

Kumawala ako sa yakap ni Papa at umakyat sa kwarto ko. Sumunod si Oppa Yunhyeong at Sofia saakin.

Inisip ko na lang na, matatapos din to. Dahil sa iyak ko nakatulog ako.

Rose's POV:

"Kailan pa kayo natutong magsinungaling samin?! At the same time tumakas pa kayo?!" Sigaw ni Mama.

Nakaupo kami sa Sofa ngayon ni Mae at pinapagalitan.

"Aba! Hindi namin kayo pinalaking ganyan, Mae at Rose ah!" Dagdag pa niya.

Naupo si Mama sa tabi ni Papa at uminom ng tubig.

"Wala ba kayong sasabihin?! Hindi man lang ba kayo magpapaliwanag?!"

Aktong magsasalita na sana ako kaso nabaling ang atensyon ni Mama kay Papa.

"Ikaw, Jae Hyun? Di mo ba sila papagalitan?!" Nakapoker face lang si Papa

"So, Ano?! Hahayaan mong solohin ko to?! Masyado kasing spoiled tong mga to sa'yo e. Magalit ka naman kahit minsan sakanila, magalit ka dahil may ginagawa silang hindi maganda!" Paggagalaiti ni Mama.

Tumayo si Mama at umakyat ng kwarto nila.

Tinignan namin si Papa. "Sige na, umakyat na kayo sa kwarto niyo. Ako na kakausap sa Mama niyo."

Nag-bow kami kay Papa at niyakap siya. Mabilis kaming umakyat.

Pagpasok ko ng kwarto ko, nagbihis agad ako.

Pagkatapos nun nahiga ako sa kama ko. Naiisip ko pa din yung kanina, nakita ko siya pero di ko siya nalapitan.

"Rose?" Tinignan ko kung sino, si Mae lang pala. Nakabihis na siya ng pambahay at umupo sa tabi ko.

Nakwentuhan kami saglit about sa mga nangyayare.

"Pa. Ano ka ba? Maikling oras na lang ang meron saatin para pangaralan sila." Naririnig namin sila Mama't Papa na naguusap. Masyado kasing malakas ang boses nila.

"Ma, Kalma. Babies pa din natin sila, remember di pa nga sila tapos sa Collage." Sagot ni Papa

"Don't make fun of this Jae hyun. Soon they will turn 20. Soon enough pwede na silang mag-boyfriend at mag-asawa."

Asawa agad? Si Mama talaga, minsan O.A haha

Narinig naming tumawa si Papa. Pagkatapos nun wala na kaming narinig, for sure nilalambing na ni Papa si Mama.

Sa totoo lang tama naman si Mama e. Soon, magkakaroon na kami ng sarili naming buhay, pero na-curious lang ako, sino kaya yung taong makakatuwang ko sa mga ganung pangyayare?

Naisip ko nanaman siya. Si Jimin.

Asawa Ng Bangtan [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon