[Jungkook]
"Noona, Mae?" Ang aga aga pumunta na si Noona sa Dorm namin.
"Noona, 3am palang ah?" Ang tatamad kasi ng mga hyung's kaya ako na ang nagbukas ng pinto.
"Kookie. Ikaw lang ba ang gising?" Tumango ako.
Umupo siya sa Sofa at hinila ako.
"Noona, kamusta si Rose?" Tanong ko.
"Under coma, pa din siya. Pero nailipat na siya sa Private Room." Napabuntong hininga siya.
"Kookie, please, gusto kong sabihin mo kay Manager, na magle-leave ako ng isang buwan." Naiiyak niyang pabor.
"Please, Kookie. Nahihiya kasi akong sabihin, dahil baguhan pa ako. Di ko naman kakayanin kung hahayaan ko lang ang kapatid ko sa Ospital."
Hinawakan ko ang palad niya.
"Naiintindihan ko, Noona. Wag ka mag-alala ako ang magsasabi kay Manager."
Niyakap niya ako in reply. Di din nagtagal, umalis na din siya.
Babalik na sana ako sa kwarto ko which is ka-share ko si Suga-hyung.
Pagbukas ko ng pintuan nagulat ako kasi nakatayo siya doon at nakatingin lang ng diretso saakin.
"Hyung? Gising ka na din pala." Sambit ko, pero di niya ako sinagot. Bagkus, lumabas siya ng kwarto. "Hyung! Saan ka pupunta?!" Sinundan ko siya pero lumaba siya ng Dorm.
Hahabulin kaya niya si Noona Mae?
[Taehyung]
Nagising ako dahil sa sigaw ni Jungkook. Lumabas ako para i-check.
"Kookie?"
"Hyung! Si Suga-hyung!" Sambit niya, tumuro-turo siya sa labas.
"Saan? Lumabas?!" Nagmadali akong nagsuot ng Cap at Shades. Kahit na madaling araw pa lang dapat maging maingat pa din kami.
Lumabas ako. "Diyan ka lang ah!" Utos ko kay Kookie.
Lumabas ako at tumakbo. Saan naman pupunta yun si Suga-hyung? Tsk.
Dalawang kanto na ang nalalagpasan ko pero di ko pa din maaninag si Suga-hyung. Saan ba siya nagtungo?!
"Mae! Huwag! Wala pa nga tayong nauumpisahan tapos mawawala ka na?!"
"Suga naman! Babalik naman ako e! Matagal pa ang mixtape mo!"
"Kahit na! Ayoko! Mae naman eh!"
So, hinabol niya si Noona Mae. Dahil sa sigawan nila natagpuan ko kung nasaan sila.
Nakita kong nakayakap si Suga-hyung kay Noona Mae.
"Mae..."
"Suga. Kailangan ako ng kapatid ko, babalik din naman ako e." And then, kumalas din si Noona Mae kay Suga-hyung at umalis.
Di ko alam pero, nakita kong umiyak si Suga-hyung. Di naman ako kalayuan e. Umiiyak siya.
Bakit?
"Mayi! Mayi!" Sigaw niya.
Hindi pa man kalayuan si Noona Mae, kaya nakita kong napahinto siya.
"Mayi?" Hagulgol ni Suga-hyung.
Bakit ganun na lang siya ka apektado kay Noona Mae? Tsaka sino si Mayi?
Nakita kong tumayo si Suga-hyung sa pagkakaupo dahil sa pag-iyak niya.
Tumakbo ako ng mabilis para di niya ako maabutan. For sure, manggagalaiti yun. Di ko naman sinasadya pero, may nabangga ako.
"Mian~" at tinulungan ko siya sa mga papel na nagkalat.
"Okay lang." Sambit neto, napaka- Angelic ng boses niya.
Matapos ko mapulot yung mga papel umalis na din agad ako. Pero hinablot niya yung kamay ko.
Di ko siya tinignan, pero hinawakan niya yung baba ko to turn around.
Nagulat ako sa ginawa niya, tinaggal niya yung salamin ko. Nagtama yung mga mata namin.
"Taehyung?!"
"Riva?!"
Tapos na ang lahat saamin. Kahit naman kailan di ko siya ginusto. Dahil sakanya, nawalan ako ng katiting na tiwala sa mga magulang ko.
3rd Person's POV:
"Ayan! Dahil sa katangahan mo! Nakabunggo ka pa!"
Sinisigawan niya ngayon ang babaeng katapat niya.
"Ang bobo mo talaga kahit kailan! Makakasagasa ka na nga lang dun pa malapit sa kung saan ako!" Sinampal niya ito.
"Buti nga to sakanya! Huwag na siyang magising para naman maging masaya na yung kaibigan ko! Di mo ba naiintindihan, ginusto ko yun gawin!"
Natigilan siya, "anong ibig mong sabihin?"
"Ginusto kong sagasaan si Rose! Buti nga yun lang!"
"Anong yun lang! Malala ang sinapit niya!"
"Kulang pa yun sa sakit na nararamdaman ng kaibigan ko ngayon. Ayaw mo nun, mapapasa'yo na yung dapat sa'yo, at mapapasakin na ang dapat saakin, In short, Mapupunta lahat sa tama ang plano ko." Nakangisi niyang sambit.
Napangiti na lang din siya.
"Tama ka, mapapasakin uli siya." Nag-apir sila at nagyakapan.
"Your the best sister." Sambit nito.
"Pero, Sis! Bakit si Rose?"
"Si Rose ang nagkataon. Pero dapat talaga si Sofia. "
"Dapat sinama mo na din si Nicole at Mae. Para masaya diba? Bestfriends sila, sabay sabay silang mamamatay." Sambit nito at nagtawanan sila.
"Soon, mapapatay din natin sila."
"Lahat sila! Kasama na yung mga kaibigan nila!" Dagdag nito.
"I like it." Sabay kindat.
"Let make there life miserable." Sambit ng kapatid niya.
Hindi lahat ng bagay sa buhay, minsan, may taong hahadlang at hahadlang dito.
[A/N: Ito ata ang pinakamaikli kong na-UD. Hahaha Anyways, Enjoy!]
BINABASA MO ANG
Asawa Ng Bangtan [COMPLETED]
Fanfiction"Every time I want to give up on him, there's always something inside telling me to just give it a time. " -Rose "My brain says get over him, he's not worth it. But my heart says don't give up now, It's just the beginning " -Nicole "Maybe one day, I...