Tinulak ko siya.
"Grabe ka Tae." Sambit ni J-hope.
Walang hiya siya, ganyan ba epekto ng pagka-sikat niya?
Hinila ko si Angela papasok pero huminto din kami agad, dahil hinawakan ni Jungkook yung braso niya 'causing us to stop.
"Stop!" Sambit ni Angela at kumalas sa pagkakahawak ni Jungkook at pumasok na kami sa loob heading to Manager's Office.
-----
"Yes, Buti na lang nabalitaan niyo yung pagkapasa niyo sa Management ko." Nag-bow kami.
"Ngayon na po ba kami mag-uumpisa?" Tanong ni Angela.
Tumayo si Manager naglakad para maging malapit saamin.
"Actually, hindi pa. Pero Hired na kayo. May Upcoming Concert pa ang BTS sa Daegu."
"So, Kailan po kami mag-uumpisa?"
"I'll tell the both of you. Sa ngayon, tanggapin niyo to."
Iniabot niya saamin, yung pitong ticket.
"Aasahan ko kayo sa Concert nila. Pagkatapos nun, 5 months before World Tour, doon kayo magsa-start. For now, Enjoy muna." Sambit ni Manager sabay kindat. Lumabas na siya ng Office.
Naupo ako sa sofa doon.
"Aalis na ba tayo?" Tanong ni Angela.
Tinignan ko siya with frustrated looks.
"Nakaalis na ba sila?"
"Bakit ex mo ba si Taehyung?"
"Adik ka ba! Hindi noh!"
Umupo siya sa tabi ko.
"Bakit ganyan ka maka-react? Pero, Wait! Shet! Kinikilig ako! Masarap ba?"
Nanlaki yung mata ko. "Ano bang pinagsasabi mo?!"
"Ahahaha, yung Kiss kanina. Grabe ka ah? Magkakilala ba kayo?"
Bakit ba ang dami niyang tanong. Pumunta kami dito para sa trabaho, hindi para sakanila na dapat ikinukulong na sa nakaraan.
Kinukulit pa din ako ni Angela. Naputol lang to ng biglang may kumatok.
"Excuse me?"
Kung di ako nagkakamali si Seokjin to. Aaminin ko nung mga panahong di pa kami nagdesisyong tigilan ang BTS, kilala at kabasido na namin sila.
"Bakit?" Tanong ni Angela. Kung makapagsalita naman to akala mo hindi kilala ang Bangtan.
Tinapik ko siya sa kamay.
"Ah, Pwede po ba isa sainyo sumama saakin? Pinapatawag kayo ni Manager-hyung e." Nag-taas ng kamay si Angela, meaning siya na lang daw.
Sge, siya na lang. Wala ako sa Mood.
[Sofia]
*Knock Knock*
"Pasok?"
Nakita kong pumasok si Michelle. Classmate ko siya under Surgical.
"Mukhang di ka mapakali Sofia ah?"
Di ako sumagot at nag-pout ako. Naupo ako sa kama ko.
Aish, di pa din maalis sa isip ko yung sinabi ni Nicole na magtatrabaho siya sa BigHit.
Tumabi saakin si Michelle. "May problema ba?"
"Wala. Okay lang ako, tapos ka na?"
Nag-nod siya. Nag-thumbs up ako in reply.
"Wanna grab breakfast? Nasa baba na yung iba." Tumayo na din ako para naman makalimutan ko yung inggit na nadarama ko ngayon.
Oo, alam ko. Di imposibleng makakasalamuha niya yung boy group na kinababaliwan ko. Lalo na si Jeon Jungkook.
"Cheer up. Hayaan mo na lang yang mga bagay na bumabagabag sa isipan mo." Itong si Mich, akala mo alam niya talaga tumatakbo sa isip ko noh?
Nakababa kami sa kusina. Ang daming tao, yung iba kakagising lang, yung iba nga papikit-pikit pa.
Naupo kami ni Mich sa isang bakanteng table matapos naming maka-order.
Tahimik lang kami hanggang sa dumating yung flirty girls at saktong sa likuran lang na table ang bakante kaya no choice, di na din namin ginustong lumipat mamaya sabihin apektado kami.
"OMG! Ano ka ba gurl? BTS will be having a concert in Daegu. For sure makaka-attend ako kasi, alam mo na? Appa will give me everything that I want" rinig na rinig kong sabi ni Rica.
"Weh, kahit si Jungkook kaya niyang ibigay sa'yo?" Inilapag ko ng malakas yung kamay ko sa lamesa.
Lintek na yan oh. Nang-iinit na ako dito. Bwiset!
"Of course. Tao lang din naman si Jungkook, tsaka di naman siya nalalayo sa itsura na meron ako. Maganda ako, Gwapo siya. Diba?" Pagmamayabang neto.
"Ganda nga naman ng ugali mo." Sabat ko.
Nanlaki yung mata ni Mich. "Sofia, anong sinasabi mo?" Bulong neto.
"What?"
"Narinig mo pala ako?" Nilingon ko siya.
"Like 'duh' hindi naman ako bingi." Inirapan niya pa ako.
"Edi wow." Sambit ko at tinalikuran ko na siya, pero hinawakan niya yung balikat ko para di mabaling ang atensyon ko sa iba.
"Listen, Song. Wag na wag mong susubukang ibahin ko ang pakikitungo ko sa'yo."
"Yeah, right. Btch." Sagot ko na mahinahon. Bully kasi sila, isa si Mich sa mga binubully nila.
"Bakit ka ba sabat ng sabat bigla? Wala ka bang pambili ng ticket sa BTS Concert? Kawawa ka naman." Tumawa sila sarcastically.
Sinabayan ko yung tawa nila.
"As if namang wala. Meron ako noh, nasa Ate Nicole ko."
"And who the hell is that btch?" Tanong niya. Aba! Bini-btch btch niya yung kapatid ko ah.
"Boba ka ba? Bakit ka ba nandito sa University na to? Katangahan naman pinaiiral mo?! Ate nga diba?! Malamang kapatid ko. Tss" sambit ko at tumayo ako.
"Halika na Mich. Sa labas na lang tayo ng Campus kumain ng breakfast, mukhang mawawalan ako ng pinag-aralan kapag itong babaeng to ang nakakausap ko." Nilagpasan namin siya.
"Tapang-tapangan lang?"
Napahinto ako. Hinarap ko siya at nakapamewang pa ako.
"Ahuh. Ikaw? Duwag-duwagan lang?"
Aktong lakapit siya kaso pinigilan siya ng mga kasamahan niyang mukhang katulad niyang btch.
"Di pa tayo tapos. I won't let you get away from this, Song."
"Sge lang. Hamunin mo'ko. Di ako natatakot sa'yo." Sagot ko, at nag-wave ako sakanya at nginitian ko siya.
I'm really done. Ilalabas ko na lang talaga yung ugali kong ayaw niyang makita.
BINABASA MO ANG
Asawa Ng Bangtan [COMPLETED]
Fanfiction"Every time I want to give up on him, there's always something inside telling me to just give it a time. " -Rose "My brain says get over him, he's not worth it. But my heart says don't give up now, It's just the beginning " -Nicole "Maybe one day, I...