zach La'vine
Ang ganda ng firstday ko grabe! kala ko bodyguard ako dito, nun pala alalay ng malditang babaeng to!
I know pinahihirapan nya ko, siguro di pa sya naka moved on nung unang pagkikita namin.. sabi na eh! mahihirapan ako dahil sya ang amo ko.
Ang dami nyang in order kala ko share kame nun pala tatakawin lang ako pakshet!
Bigla na lang sya napayuko, kinabahan talaga ko.. yari ako kay daddy! ay este kay sir.zandro pala.
"Yung ano..
"Ano?"- ang lakas ng kaba ko.
"Yung tiyan ko masakit"- bulong nya saken, napanganga na lang ako.
Gusto ko ata humagalpak ng tawa, kaso namimilipit na sya sa sakit. Agad akong umalalay sa kanya, hindi pa kame umaabot sa pinto ng mall ng may marinig ako..
poooot...
Nanlaki yung mata nya, napatingin naman ako. Yung tingin na..
"Hindi ako yon.."
Hinawakan nya yung kamay ko pabalik, mukang di na nya kaya. Nakadating kame ng restroom.
"Huwag na huwag ka magpapapasok arasso!?"- sinara nya yung pinto, binuksan nya ulet yon..
"May pahabol pa.."
"Kundi your fired!".- narinig ko pa yung mahinang click ng lock.
"Yan napala mo! ang takaw mo kasi! huh!".
"Excuse me? girls restroom yan, gwapo ka sana kaso mamboboso ka ata"- sabi nung babaeng mukang gagamit ng c.r.
Napasimangot ako.
"Ako? mamboboso? gentleman ko kaya! kaylangan ko magpalusot para wag sila tumuloy sa loob".
"Ahm.. miss kasi ano- ah.. barado! oo tama barado eh! kaya andito ko para magbabala na barado dito".
"Weh? ganon?"- mukang di ko sya na convince.
"Tabi nga! let me see"- hinawi nya ko.
"Teka"- harang ko sa kanya.
"Bakit ba? crush mo ba ko?"- taas kilay na sabi nya.
"H-ha? ah hindi noh!".- ewan ko pero biglang pumasok sa isip ko si inah.
"Kung ganon tabi!"- nakalapit na sya sa doorknob, pinihit nya agad yon.
"Sarado pala eh! hmp!"- naglakad agad sya palayo.
"Wews nakalimutan ko naka lock nga pala heheh napagkamalan pa tuloy akong may crush sa kanya".
BINABASA MO ANG
The Bodyguard
Teen FictionAko si Inah, a perpect human being! I'll get what i want yan ang motto ko. Pero lahat ng yan nasira dahil lang sa isang lalaki, gwapo sya pero alam kong di sya makakasabay sa lifestyle ko. Nasabi kong gagawin ko ang lahat para ma fall sya...