zach La'vine
Nasermunan kame ng todo ni mr.monterial, buti nga di ako natanggal sa trabaho.
Natigil din ang party dahil sa biglang pagbuhos ng ulan, hindi na din lumabas ng kwarto si kira.
Nasa servants quarter lang ako ng puntahan ako ni keana.
"Si inah?".
"H-ha?".
"Asan si inah? bigla syang nawala eh di mo ba napansin?"- hindi ko na sya sinagot, agad akong napatayo sabay labas.
Nagdala pa ko ng payong, naalala ko kasi ayaw nyang nababasa pag maganda yung damit nya.
Agad ko syang hinanap, ang layo na ng nalalakad ko pero hindi ko pa sya nakikita.
"Asan ka na ba? kahit kaylan lagi mo na lang akong pinag aalala!".
Napatigil ako ng may mapansing babaeng nakaupo gilid ng kalsada, lalapitan ko na sana sya ng may kotseng huminto sa tapat nya, lumabas do'n si aaron.
Nakatingin lang ako sa kanila, inakay nya si inah tumayo. Gusto ko lumapit sa kanila, tanungin kung ok lang ba sya pero mas pinili ko nalang tanawin sila sa malayo.
Bigla na lang syang niyakap ni aaron, nakaramdam ako ng inis, dahil sa nakita ko, at hinayang, dahil ako dapat ang magko- comport kay inah imbes na sya.
Bigla syang bumuwal, agad naman syang nasalo ni aaron. Andon yung feeling na gustong gusto ko na sya takbuhin. Gusto kong ako yung umalalay sa kanya..
Pero nanatili akong nakatayo hanggang sa umalis na yung sasakyan ni aaron, napabuntong hininga na lang ako.
"Hindi ba talaga tayo ang itinakda? ang labo mo naman tadhana..".
Pagbalik ko kayla keana, nagtatalo sila ng papa nya.. galit na galit si keana. Ngayon ko lang nakita yung ganong side nya, nakilala ko kasi sya sa ugali nyang masiyahin at may pagka clamsy, gaya nila mae at rain.
"No! hindi nyo pwedeng hawakan ang buhay ko! iyan ang dahilan kung bakit ayaw ko mag stay dito! lahat na lang kontrolado nyo!".
"Its for your own sake keana!"
"Aalis na lang ulit ako kung ipapakasal nyo ko sa taong di ko gusto!".
"Keana!".
Pagkalingon nya napatingin sya sakin, natigilan sya na parang may gustong itanong.. umiling sya sabay labas ng bahay.
"Zach?".
"Ah- pasensya na po, hindi ko sadyang mapakinggan yung pinag uusapan nyo...
"Its ok, si kira baka pwede mo syang puntahan, ayaw kasi nya magpapasok sa kwarto nya"- si mrs.monterial.
BINABASA MO ANG
The Bodyguard
Teen FictionAko si Inah, a perpect human being! I'll get what i want yan ang motto ko. Pero lahat ng yan nasira dahil lang sa isang lalaki, gwapo sya pero alam kong di sya makakasabay sa lifestyle ko. Nasabi kong gagawin ko ang lahat para ma fall sya...